Kim Chiu still not ready for a project with Gerald Anderson and Maja Salvador

Kim Chiu on meeting KC Concepcion: "My gosh, bakit ako kinakabahan? Parang iba yung feeling, parang ang taas-taas niya kasi... Maging close kami? I’m looking forward to that.”


Naging usap-usapan ang pagsasama-sama nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at Maja Salvador sa isang production number ng ASAP noong Linggo, August 10.

Si Gerald ay ex-boyfriend ni Kim at boyfriend ngayon ni Maja; dati namang magkalapit na magkaibigan sina Kim at Maja.

Noon pa man ay sinabi ni Maja na naayos na kung anuman ang naging problema ni Kim.

Mukha ring wala nang issue sa pagitan nina Kim at Gerald, nang magkasama sila sa isang TV commercial kasama sina Jessy Mendiola at Matteo Guidicelli.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kim sa contract signing niyang muli sa Kapamilya network, noong Miyerkules, August 13, sa Chronicle Lounge ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Dito, kinumpirma ng aktres na natuldukan na kung anuman ang naging issue sa kanilang tatlo.

Saad ni Kim, “Okay na, wala nang problema.

"Life goes on, it’s fine, wala na naman. Okay na naman."

Handa na rin ba siyang makasama sina Gerald at Maja sa iisang proyekto?

Tugon niya, "Huwag muna.

"Kasi kung okay sa akin, hindi naman natin alam kung paano tatanggapin ng mga tao.

"Siyempre, utang namin sa mga fans namin kung nasaan kami ngayon.

"And it depends on them kung paano nila tatanggapin yun. In time muna."

Dagdag ni Kim, “Kayo talaga, paulit-ulit na lang yun... nagkita naman kami, okay naman kami.

"Huwag muna, mainit-init pa siyempre... kung kami, okay na kami.

"Yung mga fans, iba pa rin yung ano nila, ang tingin nila.

"Might as well na smoothen na muna ang mga buhay-buhay.”

Sinang-ayunan din ni Kim ang pahayag ni Gerald na alam niyang pagpipiyestahan sila ng media kapag nagsama-sama silang tatlo sa isang proyekto, at ito ang iniiwasan niyang mangyari.

“Sabi ko nga, mainit-init pa yung issue.

"Kung sa amin, as individuals, okay sa amin na ang mga bagay-bagay, sa ibang tao, iba ang tingin nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Not naman in the bad way, pero sayang lang if magte-take ka ng risk.

"Siguro time muna to smoothen everything, na maging diretso ang daan.”

Naibabalik na rin ba ang closeness nila ni Maja?

Sagot ni Kim, "Wala nang closeness, ano na lang... civil, chika-chika, pero ’di best of friends, best of something."

NEW CONTRACT. Pumirma ng panibagong two-year exclusive contract si Kim sa ABS-CBN.

Masaya ang aktres na nananatili pa rin siyang Kapamilya, kung saan siya nagsimula at gumawa ng pangalan sa showbiz.

Dagdag niya, "At siyempre, utang ko sa kanila kung nasan man ako ngayon.

"I’m very thankful sa lahat ng magagandang projects na ibinibigay nila sa akin for eight years.

“May movie kami ni Xian [Lim] this year and, hopefully, teleserye.”

Anong klaseng mga proyekto pa ang gusto niyang gawin?

Sabi ni Kim, “Isa siguro sa gusto kong gawin is fantasy, kasi never akong nagkaroon ng any fantasy na any teleserye or movie or project.

"Isa yun sa mga bagay na nilu-look forward ko.

"More than drama, iyakan, comedy, gusto kong i-explore naman yung mundo ng fantasy.

“Superhero? Kahit ano, basta may supernatural powers.”



PBB. Kamakailan ay tumanggap ng katakut-takot na pambabatikos si Kim mula sa netizens dahil sa nai-post niya sa kanyang Instagram at Twitter account na hindi karapat-dapat na manalo ang isa sa housemate ng Pinoy Big Brother All In dahil sa katamaran nito.

Hindi man pinangalanan ay marami ang nag-react na mga tagahanga ni Manolo Pedrosa sa ipinost na ito ni Kim.

Reaksiyon ni Kim sa isyu, “Ano ba ‘yan, naging big deal na nga siya!

"Sabi ko nga, ’Oh, my gosh, gusto kong i-delete ang tweet ko, pasensiya na, pasensiya na.’

“Isang beses lang kasi akong nanood ng PBB, sa IWantTV, dun ko binase yung opinyon ko.

"We live in a democratic country, we have the freedom of speech, isa yun sa sa fundamental rights ng mga Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opinyon naman yun ng isang tao, so sana huwag naman nilang masamain.

“Yeah, sa mga medyo na-offend... and nirerespeto ko naman ang opinyon nila.

"Kanya-kanyang opinyon yun, so sana huwag nilang masamain saka walang pangalan yun."

Sino sa palagay niya sa PBB housemates ang dapat na manalo sa season na ito?

“Si Mariz or Daniel... silang dalawa.

"Para kasing nagpapakatotoo silang dalawa, they deserve to be given the title to be the PBB Grand Winner, deserve nilang manalo."



KC CONCEPCION. Sa pagbubukas ng ikalawang yugto ng Ikaw Lamang, isa sa karakter na bagong pumasok ay si KC Concepcion, na gumaganap sa role bilang Natalia.

Inamin ni Kim na hindi pa sila malapit sa isa’t isa ni KC, pero isa raw ito sa bagay na nilu-look forward niya kahit pa pagsabungin sila ng mga tagahanga nila.

Saad niya, “Nagkakaeksena kami, pero ’di kami nag-uusap pa, nagkikita-kita na yung landas namin.

"Kinakabahan ako, kasi iba, iba yung feeling.

"My gosh, bakit ako kinakabahan? Parang iba yung feeling, parang ang taas-taas niya kasi.

“Siyempre, hindi natin maiiwasan, yung mga tao na sumusuporta sa akin, gusto nila all the best para sa akin.

"And yung fans din ni KC, ganun din.

"Tanggap na natin yun, sa Twitter, kanya-kanyang opinyon ‘yan.

"Walang masama, kahit ano gusto mong sabihin.

Dagdag niya, “Hindi kami ganun ka-close, kasi paalis-alis siya ng bansa, ’tapos wala siya sa ASAP.

"Maging close kami? I’m looking forward to that."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN