Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding set on December 30, 2014

Dingdong Dantes and Marian Rivera have announced that their much-anticipated wedding will happen on December 30, 2014 at Immaculate Conception Cathedral in Cubao, Quezon City.


December 30, 2014 ang napiling petsa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa kanilang pag-iisang dibdib.

Gaganapin ang tinaguriang “royal wedding” sa Immaculate Conception Cathedral, sa Cubao, Quezon City.

Kaninang tanghali, August 15, ay humarap sa entertainment press sina Dingdong at Marian upang ibahagi ang ilang mge detalye sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Ginanap ang presscon, na inihanda para sa kanila ng kanilang home network, ang GMA, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Dinaluhan ito ng heads ng GMA Entertainment TV na sina Ms. Lilybeth Rasonable, Marivin Arayata, at Redgie Magno-Acuña; at ang talent managers nina Dingdong at Marian na sina Perry Lansigan at Rams David.

Halos isang linggo pagkatapos mag-propose ni Dingdong kay Marian sa programang Marian noong Sabado, August 9, ay ibinahagi ng Kapuso Primetime King and Queen ang kanilang nararamdaman ngayong nalalapit na ang kanilang kasal at ang mga plano nila pagkatapos ng kasal.

Simula ni Dingdong, “We would like to share it with you because we really consider everyone as part of our love story… and gusto namin i-share how happy we are.”

Dagdag ni Marian, “’Tulad ng pangako namin sa lahat ng press, marami ang nagtatanong sa akin kung engaged na po ba ako, kailan kami ikakasal…

“’Tulad ng sabi ni Dong, kayo po yung first batch na mahalaga talaga sa amin, kaya kayo po ang unang makakaalam sa lahat ng sasabihin at mangyayari po sa amin ni Dong.”

At mapapanood daw ang kanilang kasal ng mga tagasubaybay nila sa pamamagitan ng Kapuso network.

Sabi ni Dingdong, “Oo naman po. Wala naman pong iba.

“Definitely, well, siguro masasabi ko that, officially, GMA will be our partner for this very special event in our life.

“It’s like saying na ito ang tahanan namin talaga, ‘eto po yun.”



WEDDING DETAILS. Bakit December 30, 2014 ang napili nilang petsa para sa kanilang kasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng 34-year-old actor, “We were always just waiting for the right time, for the right moment.

“We both felt that we had to do it ASAP, immediately, siguro this year po, especially after what happened last Saturday.

“Sa totoo lang po, gusto namin December 8.

“Pero since Immaculate Conception day yun, hindi po available yung Immaculate Conception Church dahil maraming kaganapan sa araw na iyon.

“Kaya naging end po siya ng taon na ito, which is December 30—the last day, technically, of the year, before New Year’s Eve.

“Para hindi na po siya paabutin ng 2015.”

Bakit naman nila pinili ang Immaculate Conception Cathedral bilang venue ng kanilang kasal?

Paliwanag ni Dingdong, “Ang unang-una pong naging factor namin para pumili ng lugar is a place kung saan it’s both meaningful sa amin pareho.

“Since dun ako lumaki dun sa area na yun—in fact, dun ako bininyagan—pero ‘yan din yung isa sa mga simbahan na madalas naming puntahan [ni Marian] when we became together.

“Aside from the fact that it’s very beautiful inside…”

Dagdag ng Kapuso actor, “Ang mahalaga talaga ay yung meaningful sa amin yung place na yun sa amin pareho.

“At saka hangga’t maaari po, gusto namin, Metro Manila talaga.

“Kasi we could’ve chosen a place, like a destination wedding, pero gusto namin talaga yung malapit sa amin.”

Dahil parehong malaking artista sina Dingdong at Marian, at inaasahan ang pagdating ng mga kilalang personalidad sa showbiz at pulitika, tiyak na marami ang magtatangkang pumunta sa simbahan upang saksihan ang kanilang kasal.

Hindi kaya ito maging problema? At hindi ba sila nangangambang maging parang fiesta ang kanilang kasal?

Ayon kay Dingdong, “Siyempre, at the end of the day, ang importante ay ma-assure ang seguridad ng lahat ng tao.

“Hindi lang sa amin kundi pati na rin ng mga bisita na gustong makarating…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, siguro, as heads of this event, we will make sure that security will always be a priority.”

Darating ba sa kanilang kasal ang ama ni Marian na nakatira sa Spain?

Sabi ng aktres, “Siyempre gusto namin na dumating talaga si Papa.

“Yung first proposal niya [Dingdong] sa akin, si Papa yung nakaalam, e. Nag-usap sila.

“Parte si Papa ng lahat ng plano ni Dong. So, sana dumating siya.”



WEDDING ENTOURAGE. Maliban sa petsa at simbahan, hindi pa makapagbigay ng ibang detalye sina Dingdong at Marian sa iba pang mga aspeto ng kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Hindi pa raw kasi nila napaplantsa ang lahat ng tungkol dito, kabilang na ang kanilang wedding entourage.

Ang sigurado pa lang daw ay ang magiging Maid of Honor ni Marian ay ang best friends niyang sina Roxanne Barcelo at Ana Feleo.

Habang ang tatayong Best Man ni Dingdong ay ang kapatid niyang si Angelo Dantes.

Bilang kilalang malapit si Dingdong kay Pangulong Noynoy Aquino, kukunin ba nila itong ninong?

Sabi ni Dingdong, “We have not spoken to him yet, but we would love to have him, if ever.”

Nang mag-guest naman si Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos sa show ni Marian ay sinabi nitong “ninang” siya kapag ikinasal sila.

At pagkumpirma naman ni Marian, “Actually, nung natapos yung Marian… siya ang isa sa mga kauna-unahang nag-text sa akin, na nag-congratulate.

“Sabi niya, ‘Congratulations, my inaanak.’

“So, alam niyo na yun. Sobrang sweet niya.”

Maging ang wedding gown ni Marian ay hindi pa raw siya nakakapili.

Sabi ng 30-year-old actress, “Actually, wala pa po akong talagang mismong napupusuan.

“Pero nagri-research na ako sa mga gusto ko.

“Kasi dati, may gusto na ako dati, nababago pala ‘yan pag palapit nang palapit na.

“Hindi ko pa nakakausap, kung sakali man, yung gagawa ng gown, kung okay siya o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As soon as malaman ko na ‘eto na talaga ang gusto ko, sasabihin ko sa inyo.”

Ano naman kaya ang magiging motif ng kanilang kasal?

Sabi ni Marian, “Actually, may naiisip na ako. Pero hindi pa ako makapagbigay ng detalye.

“Gusto ko ‘pag ibinigay ko yung detalye, buong-buo. Ayoko ng parang installment.

“Just in case maayos namin lahat, buong detalye yung masasabi ko.”

As for the reception, hindi pa raw nila naisasara ang deal para sa isang venue na gustung-gusto nila.

May kasabay raw kasi silang isang malaking event na roon din balak idaos.

Biro naman ng veteran columnist na si Mario Bautista, bakit hindi na lang sa Araneta Coliseum gawin ang reception. Bukod daw sa malapit ito sa simbahan kung saan sila ikakasal ay malaki pa.

Sabi naman ni Dingdong, definitely ay hindi sa Araneta gagawin ang reception ng kasal nila ni Marian.

Hati ba sila sa gastos ng kasal?

Pabirong sabi ni Marian, “Dindong will answer that question...”

Sagot naman ng aktor, “Ako.”

Natatawang singit ni Marian, “Isa lang binili ko—sapatos ko!”

Ianmin din ni Dingdong na may ipinapagawa na silang bahay ni Marian sa Metro Manila.



ROYAL HONEYMOON & ROYAL BABIES. Siyempre pa, marami ang interesadong malaman kung saan nila balak mag-honeymoon pagkatapos ng kasal.

Sabi ni Dingdong, “Yun ang wala pa… although natataon naman na tuwing katapusan ng taon, talagang bumibiyahe kami.

“Pero this time, honestly, hindi pa namin napag-isipan. Hindi pa talaga.”

Bagamat itinanggi ni Marian na buntis na siya, inamin niyang gusto na niyang magkaanak agad.

Sabi niya, “Hindi pa, hindi pa… Gusto na talaga, mas lalo siya [Dingdong].

“Pero siyempre, marami rin kami kinu-konsider. Like example, kailan ‘yan…

“Kahit naman minsan, nagpaplano, merong hindi ka pinaplano, dumadating.

“Pero as soon as possible sana… gusto ko na talaga.”

Sa mga dating interview ni Marian ay sinasabi niyang kahit ilang anak ay kakayanin niya. Ganun pa rin ba ang pananaw niya ngayong malapit na siyang iaksal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Siyempre naman joke-joke ko lang yung beinte, treinta… parang hindi ko naman yata kakayanin yun!

“Sabi ko nga, hangga’t kaya naman namin, bakit hindi?

“Kasi solong anak ako, e. Ang hirap na maranasan na nag-iisa ka lang. So, ayoko maranasan ng anak ko ’yan.

“So, hangga’t kaya, gagawin ko talaga ‘yan. Masarap yung may malaking pamilya."

So, ilang anak ang gusto nilang magkaroon?

Sagot ni Marian, "Tanungin ko yung asawa ko, ha… Sa tingin mo?"

Ayon naman kay Dingdong, “Malaking blessing na sa amin na ibinigay kami sa isa’t isa.

“So, I’d like take things a step at a time. Take the blessings also a step at a time, ma-absorb namin nang maayos.

“At itong paparating na marriage is one very big blessing already.

“Yung susunod, mga susunod na hakbang, siyempre papangarapin namin yun.

“Ako, basta meron. Mahalaga sa akin, meron.”

May lahing kambal sa pamilya ni Marian, gusto rin ba niyang magkaroon ng kambal na anak?

Sagot niya, “Actually wala akong kailangan ganito. Basta biyayaan kami ng Diyos, healthy ang bata, yun ang mahalaga sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN