Albie Casiño on relationship status with ex-girlfriend Andi Eigenmann: "I wouldn’t say we’re friends, but we’re not enemies."

Albie Casiño gives direct answer to the frank question about his level of maturity: "I can’t really say I’ve matured ’cause I don’t need to make mature choices for myself. You know, I still live with my parents and they still take good care of me. I really don’t know if I’ve matured.”


Nakaka-relate daw si Albie Casiño sa role niya sa pelikulang Somebody To Love ng Regal Entertainment.

Pero nililinaw niyang hindi ang pagti-take advantage sa ibang tao ang tinutukoy niya, gaya ng karakter niya sa pelikula, kundi ang pagsisikap para makamit ang gusto niya na hindi naibibigay ng kanyang mga magulang.

Galing sa isang nakaririwasang pamilya ang pagkilala kay Albie sa showbiz nang pasukin niya ito.

Pero ayon sa young actor, sa tunay na buhay ay tinuturuan silang magkapatid ng kanilang mga magulang na magtrabaho para sa iba pang kapritso na ninanais nila sa sarili.

Paglalarawan ni Albie sa kanyang character sa pelikula, “Hindi siya happy-go-lucky. He’s a personal trainer and he’s going through some things.

"So, because of the things he has been going through, he has to do things he doesn’t really like.

“In real life, there are times na I had to do things to get money.

"Like, for example, when we were growing up, my brother and I, we didn’t really have…

"Not everything would be given to us, you know what I mean?

“My parents were able to provide the necessities, but the extra things, like new shoes or a new watch, I have to work for it.

“That’s why I got into acting to provide myself the extra things I wanted.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Albie matapos ang presscon proper ng Somebody To Love, na ginanap sa mezzanine ng Imperial Palace Suites kahapon, Huwebes, August 14.



JACLYN JOSE. Bago sinimulan ang presscon ay ipinalabas muna ang trailer ng Somebody To Love.

Isa sa mga ipinakitang eksena ay kay Jaclyn Jose, na isa rin sa cast members.

Si Jaclyn ay ina ni Andi Eigenmann, dating kasintahan ni Albie.

Very vocal si Jaclyn sa kanyang saloobin tungkol sa pagtanggi ni Albie na siya ang ama ng anak ni Andi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon ay hindi pa nareresolbahan ang isyung ito.

Ano ang naging reaksyon ni Albie nang makita niya sa trailer na kasama pala sa pelikula ang ina ng kanyang ex?

Nakangiting sagot niya, “We didn’t work together naman.

"I found out like three days ago… when I saw the trailer "

Ano ang naging reaksiyon niya rito?

“Wala, nagulat lang ako.”

Payag ba siyang makasama sa pelikula o sa kahit na anong acting project si Jaclyn?

Sagot ni Albie, “I wouldn’t have the right to say no, you know what I mean?

"They’re giving me work, so that’s part of the job, I won’t bitch about it."

OPEN DOOR. Ipinaabot namin kay Albie ang balitang hindi raw isinasara nina Jaclyn at Andi ang pintuan para sa kanya, kung sakali mang nais dalawin ng young actor ang sinasabing anak niya kay Andi.

Sabi ng dating ABS-CBN talent, “Hindi ko pa naririnig, I just heard about it now.

"Sorry, I don’t know how to react.”

Okey na ba sila ni Andi?

“Yeah. I mean, I guess... yeah, we’re okay.”

Nagkakausap na ba sila?

“No naman. For example, if I see her... I wouldn’t say we’re friends, but we’re not enemies.”

Hindi pa ba nila napag-uusapan ang tungkol sa sinasabing anak nila?

“We haven’t talked about anything,” sagot ni Albie.

May posibilidad bang magkausap sila ni Andi sa mga darating na araw?

“I can’t answer that. I don’t know how she would answer that.

"I can answer things that would only concern me.

"I don’t wanna answer things that concern other people."

Payag ba siyang makasama si Andi sa isang project kung may magandang offer?

“Hindi ko alam. I just finished this movie and I’m in school.

"So, I don’t know if I’m gonna have projects.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOMEBODY ELSE. Ano ang mayroon sa showbiz, at kahit nagdaan na siya sa matitinding isyu, ay nananatili pa rin siya dito?

Sagot ni Albie, “Because it gives me a chance to be somebody else.

"Like, in this movie, I wasn’t Albie. I was Jason.

"And I never went through what he has gone through. But for a while, I did.

"’Cause, you know, we only live one life, but with acting, I get to live multiple lives.”

Masasabi bang nag-mature na siya, pati na sa decision-making?

“I hope. I’d like to think.

"With regards sa lovelife, like I said, I’m not looking.

"So, I don’t know if I’ve matured in that sense.

"But I can’t really say I’ve matured ’cause I don’t need to make mature choices for myself.

"You know, I still live with my parents and they still take good care of me.

"I really don’t know if I’ve matured.”



PLAYING THE FIELD. Sa ngayon ay single si Albie. Ang huli niyang naging girlfriend ay si Dawn Jimenez, na naging leading lady ni Gerald Anderson sa pelikulang OTJ.

Paliwanag ni Albie sa kawalan niya ng lovelife niya ngayon, “Ever since I can remember, I was in a relationship.

"Now I’m twenty-one, it’s my first time to be single, gusto ko lang naman muna siyang i-enjoy.”

Nakakapagod bang maghanap ng tamang babae para sa kanya?

“Hindi naman sa nakakapagod, hindi naman ako naghahanap.

"Sobrang nag-e-enjoy lang ako ngayon na maging single.

"Everything my friends got to do when we were growing up in high school, na hindi ko nagawa, ngayon ginagawa ko na.”

Nae-enjoy uli niya ang paglabas bilang young adult?

Sabi ni Albie, “Mas nagku-concentrate ako sa pagiging teen uli kasi nawala sa akin yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I go out all night to play D.O.T.A. until morning, okey lang yun.

"I go out with my friends all the time."

Ibig sabihin, nawala na yung trauma niya nang mabugbog siya noong 2012?

Read: Albie Casiño slapped by Andi Eigenmann when they bumped into each other; Albie allegedly attacked by Andi’s friends

Paglilinaw ni Albie, “Because my girlfriend didn’t want me to go out.

“Now, sakto na. My mom, binigyan niya ako ng lease to do I want.

"Yun nga, I had a girlfriend, pero may lease pa rin.

"But now, I can do whatever I want."

Hindi na siya takot ngayon at kayang-kaya niya nang ipagtanggol ang sarili?

“Hindi naman sa ganun, but the thing is everyone got over it na.”

Ano na ang nangyari sa inihain niyang reklamong serious physical injury sa mga nambugbog sa kanya?

“Parang useless na rin e. Parang wala na rin,” sabi niya.

Kung mayroon siyang gustong baguhin noon para gawing tama ngayon, ano ito?

“Probably get better grades in high school?” tugon niya.

Wala ba siyang babaguhin sa pinagdaanan niya sa lovelife?

Ayon kay Albie, “Kasi sa takbo ng buhay ko, if I change something, it would be completely different with my life right now.

“So, honestly, I’m happy with the way I’m living my life right now.

"So, I don’t want anything to change that.

"So, if I can go back and change anything, I don’t know if I could.”

GYM THERAPY. Isa sa mga naging reklamo ni Dawn Jimenez kay Albie kaya sila naghiwalay ay ang pagtutol raw ng young actor na pasukin ng dalaga ang showbiz, at ang obsession daw ni Albie sa pagpapaganda ng katawan.

Ramdam daw ni Dawn na mas nagiging mas importante pa kay Albie ang pagwu-workout niya kaysa sa pag-aalaga ng kanilang relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti si Albie at sinabing, “Medyo, nag-aaway nga kami about that before.

"Hindi ko naman nagi-gets kung bakit.

"I mean, magagalit lang siya dahil nali-late ako, e, galing lang naman akong gym.

“And it takes up a lot of my time, pero hindi lang kasi na... it’s not that I’m obsessed with the way I look.

"It’s just that nag-e-enjoy lang ako sa gym.

“For two hours, wala akong problema, nasa gym lang ako, bakal lang ang iniisip ko. Stress-reliever lang sa akin yun.

"So, hindi niya naiintindihan yun na I need it.

"I just don’t want to look like this.

“I need to go to the gym. It helps me.”

Gumanda nga nang husto ang physique ni Albie at marami ang humahanga sa kanyang bagong hitsura. Katunayan, kalat na sa gay social sites ang shirtless selfie photos niya.

Ano ang masasabi niya na pinagpapantasyahan ng mga bading ang topless photos niya?

Sabi ni Albie, “Hindi yun ang intention ko. I just want to show progress.

"If you guys saw me before, malayo talaga yung hitsura ko dati.

“It’s wasn’t my purpose to put it on these sites.

"I just put it on to show my hardwork is paying off.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN