Atty. Lorna Kapunan appeals to Dennis Padilla and Marjorie Barretto "to reach out"

Atty. Lorna Kapunan, Marjorie Barretto’s legal counsel, on Dennis Padilla (in photo, with his lawyer Atty. JV Bautista): “It’s sad that it has come to this stage where Dennis is using the media instead of talking to the family, to settle whatever differences they may have.”


Hindi nakasipot si Marjorie Barretto kahapon, August 15, sa hearing ng Petition for Relief from Judgment na isinumite ni Dennis Padilla, sa sala ni Judge Manny Sta. Cruz ng Branch 226 ng Quezon City Regional Trial Court.

Ito ay may kinalaman sa petition for change of name na isinumite ng anak ni Dennis na si Claudia Barretto, at inaprubahan ng korte noong isang taon.

Dumating ang abugado ni Marjorie na si Atty. Lorna Kapunan, pero na-late din ito. Kaya ang associate lawyers nitong sina Atty. Bettina Zamora at Atty. Mikhail Alivia muna ang humarap sa korte.

Si Dennis naman ay dumating kasama ang legal counsel niyang si Atty. JV Bautista.

Sandali lang ang pagdinig kung saan pinag-usapan kung kailan magbibigay ng comment ang kampo ni Marjorie sa petition na isinumite ni Dennis.

Binigyan sila ni Judge Sta. Cruz ng 15 days para sa komento at sampung araw naman kina Dennis para sa reply.

Pero nakasaad daw sa order ng huwes ang schedule ng mga susunod na pagdinig.

THE FATHER. Ang sabi lang naman ni Dennis, lahat ay gagawin niya para sa kanyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie.

“Ang akin lang, mahal ko ang aking mga anak.

"Kaya ako nandito bilang ama niyo.

“Kaya ako nandito dahil mahal ko kayo at pantay-pantay ang aking pagmamahal sa aking mga anak,” mensahe ng komedyante sa kanyang mga anak.

Nakarating na rin kay Dennis ang komento ni Claudine Barretto na nagpahayag ng suporta sa kanyang kapatid na si Marjorie.

Sabi ni Claudine, nang nakapanayam ito ng Startalk sa event ng Relive nong nakaraang Sabado, August 9, “Kahit na may samaan kami ng loob, masasabi ko kapatid ko pa rin yun, e.

“I’ll stand by her if she needs me, I’m there. Yun lang yun.”

Nakiusap din si Claudine na sana tigilan na ang pamba-bash sa mga pamangkin niya, lalo na kay Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng aktres, “Huwag naman sana i-bash yung mga pamangkin ko, kasi may mga naririning akong mga negative na tira sa mga pamangkin ko.

“Mga bata pa yun. Hindi nila alam kung ano yung mga ginagawa nila.

“May basis naman ang kapatid ko para… pinag-isipan niya yun I’m sure nang mabuti.

"Matalino yun, e. Matalino ang ate ko.”

Hindi na sinagot ni Dennis ang komentong iyon ni Claudine.

Sabi lang niya, “Basta tayo, antayin na lang natin kung ano ang desisyon ng korte.

“Binibigyan natin ng respeto ang desisyon ng husgado.

“Yun na lang ang antayin para magkaroon ng fair trial ang both sides.”



DIALOGUE & SETTLEMENT. Nananatili namang tahimik pa rin si Marjorie sa isyung ito.

Ang sabi ni Atty. Kapunan, ang buong akala niya ay darating sa hearing ang kanyang kliyente, pero nagbago raw ang isip nito.

Baka gusto na lang daw umiwas ng kanyang kliyente sa media na nag-abang sa hearing kahapon.

Ang pakiusap lang ni Atty. Kapunan, mas mabuti kung magkaroon ng pagkakataong mag-usap silang lahat.

Saad niya, “We’re all distraught that it has to come to this.

“If there are channel of communication between father and child, between parents, we would strongly suggest that they use this channel of communication instead of speaking to media.

“Because media has sadly a way of creating hurt.

“They may be showbiz personalities, but they are living individuals.

“They hurt like we all hurt. They get angry, they get sad, they get frustrated.

“They’re normal human beings.”

Kaya nakiusap si Atty. Kapunan kay Dennis, at pati na rin kay Marjorie, na sana raw ay gumawa sila ng paraan na magkausap at posibleng magkaayos.

“We’re appealing to Dennis to reach out, the same way we are also appealing to Marjorie to reach out.

“What is important in the end is that the family remembers the good times they had.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero handa ba si Marjorie na harapin ang dating asawa?

Sagot ni Atty. Kapunan, “Certainly, we will try our power to let her talk to Dennis.

“As they say nga, you can bring the horse to the water, but you cannot force the horse to drink.

“That time will come.”

Pero ayon kay Dennis, pinalitan na raw ng mga anak niya ang kanilang cell number, at hindi raw siya makapasok sa village na tinitirhan ni Marjorie at ng kanilang mga anak.

Sagot naman ni Atty. Kapunan, “If there is a will, there is a way.

“There are many ways to reach her.

“She’s a public figure, she has a website, she can be contacted.

“There are many ways to reach her.

“It’s sad that it has come to this stage where Dennis is using the media instead of talking to the family, to settle whatever differences they may have.”

DEFECTIVE PETITION. Pagdating sa petition na isinumite nina Dennis, kaagad daw nilang sasagutin ito dahil nakita nilang defective ito.

Paliwanag ni Atty. Kapunan, “Kung makita po natin yung petition nila for relief, he verified it on July.

“Kasi sa bawat petition, merong kailangan verification na non-forum.

“Na-verify nila ang petition on July 31, but the date of the petition is August 1.

“Dun na-verify siya that he prepared the petition, he asked the lawyer, he knew all the contents, there was no existing petition.

“Number one defect yun.

“Number 2 defect, that Julia is a minor and she cannot file, that is not true.

“A minor can always file provided a minor files through a parent or a guardian.

“And she signed the petition in her name… and she signed it.

“She’s 16, she’s a minor, but she’s very intelligent.

“And they said that this is a petition for change of status, that is not true, I think you should ask Dennis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He had the previous marriage. The marriage he himself admitted in his petition… that they filed a declaration for nullity of marriage.

“That means when he married Marjorie, he was not yet annulled and therefore a court with jurisdiction says that the marriage was bigamous.

“As a legal consequence, a child from a bigamous marriage is illegitimate, and that is the legal situation as regards Julia.

“She is not saying ’declare me illegitimate,’ no.

“She’s saying, ’I want my name to be Barretto in conformity with law.’

“Because if you’re illegitimate, your surname is the surname of your mother.”

Nakakaawa lang daw si Julia dahil patuloy itong naba-bash sa social media, gayong hindi naman daw nito itinakwil ang kanyang ama.

Sabi ni Atty. Kapunan, “The issue here is purely legal, e.

“It has nothing to do whether Dennis was a good father. Because Julia concedes that she has all due respect for the father.

“So, it’s so sad na naba-bashing siya sa social media, no, and out of due respect, she is not giving any interviews.

“Marjorie also is not giving interviews because out of respect for the father and for the husband.

“So, we will leave that to the court.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN