Dingdong Dantes and Marian Rivera have yet to discuss prenuptial agreement

Dingdong Dantes on deciding to marry Marian Rivera: "Malaking bagay sa akin yung taong willing na magsakripisyo at gawing priority ang pagbuo ng isang pamilya. Kasi hindi lahat, yun ang priority. Mapalad talaga ako na ganun yung sa kanya."


Bago ang public announcement nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ng kanilang engagement, madalas silang tinatanong noon ng press kung kailan sila magpapakasal.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, dalawang taon na palang engaged ang showbiz couple bago pa man mag-propose si Dingdong kay Marian, sa ikalawang pagkakataon, noong August 9.

Gaya ng alam na ng publiko, unang nag-propose si Dingdong kay Marian noong August 2012 sa Macau.

Sa press conference na inihanda ng GMA Network para kina Dingdong at Marian kahapon, August 15, tinanong ng entertainment press ang engaged couple kung ano ang naging deciding factor kung bakit napagdesisyunan na nilang lumagay sa tahimik.

Sagot ni Dingdong, “Tingin ko, yung spiritual preparedness at level of maturity.

“Sa amin, dumating lang talaga at napag-usapan namin na it’s really time already, right after that proposal.

“Wala naman kaming hinintay na kailangan tapusin or kailangan gawin. Wala naman anything, e.

“Malaking factor na rin yung edad. Pero, I guess, pinakamahalaga sa lahat yung willingness namin to start a family together.

“Yun ang pinakamalaking factor to consider.”

Si Dingdong ay 34 years old, habang si Marian naman ay 30.



BEST QUALITIES. Anong mga katangian ang nakita nila sa isa’t isa na nagpatindi ng kanilang pagnanais na makasama ito habambuhay?

Saad ni Dingdong, “Malaking bagay sa akin yung taong willing na magsakripisyo at gawing priority ang pagbuo ng isang pamilya.

“Kasi hindi lahat, yun ang priority.

“Mapalad talaga ako na ganun yung sa kanya [Marian].”

Dagdag niya, “Isang malaking dahilan para sa akin, personally, is nakita ko kung gaano kahalaga sa kanya ang pamilya ko at kung gaano kahalaga ang pamilya niya sa akin.

“Yun talaga ang isa sa mga kinonsider ko.

“Siyempre, yung mga indibidwal naming katangian… perfect housewife talaga siya.

“Bukod dun, mahal niya yung mga taong mahal ko.”

Ayon naman kay Marian, “Alam naman natin lahat guwapo siya… lahat ng katangian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang isa sa pinakamapagmamalaki ko, siya yung tipo ng partner na dadalhin ka niya sa mas magandang pananaw, mabuting pag-uugali.

“Kasi kapag may mga partner, napansin ko, hindi ko naman nilalahat, pero napansin ko sa ibang kaibigan ko na, halimbawa may something yung isa, sinusulsulan pa ng boyfriend.

“Si Dingdong, hindi ganun.

“Siya yung tipo ng tao na, ‘Hayaan mo na, relax ka lang, matatapos din.’

“So, dinadala niya yung magandang pag-uugali mo na… siya yung isa sa mga dahilan para mas maging mabuti pa ako. So, yun.

“Siya yung isa sa mga taong nagga-guide sa akin para maging mas mabuting tao.

“Hindi siya sulsulero, so lalaki siya.

“Magandang impluwensiya po siya sa akin.”

Ngayong malapit na silang ikasal, matatapos na rin kaya ang isyu tungkol sa pagiging selosa diumano ni Marian?

Sagot ng aktres, “Ayun na naman. Pero sandali lang, sige…

“Nakakasawa na. Siguro after naman nito, tama na po.

“Tama na po kasi rinding-rindi na po ako.

“Ang isang babae, hindi magseselos kung walang nakikitang kamalian na nakikita niya sa ibang babae.”

Sa ibang babae, hindi naman kay Dingdong?

“Ang bait niyan, e!” sagot ni Marian.



PRENUP AGREEMENT. Kapag ikinakasal ang dalawang prominenteng tao, madalas itinatanong kung mayroon ba silang prenuptial agreement.

Sa kaso nina Dingdong at Marian, napag-usapan ba nila ang tungkol dito.

Medyo natatawang sabi ni Dingdong, “Pag-uusapan pa lang namin ‘yan…

“Isa ‘yan sa mga bagay na hindi naman talaga puwedeng hindi pansinin, ‘di ba?

“Yes, definitely, it’s part of our agenda that we have to finalize, yung ganung aspeto.”

Napag-usapan na rin ba nila kung sino ang hahawak ng pera? Magiging kagaya ba sila ng karamihan ng mag-asawa na babae ang hahawak ng pera?

Tawa na naman ni Dingdong, “Kailangan pa rin namin pag-usapan ‘yan!

Pero seryoso na niyang sabi, “Definitely, naiintindihan ko, ‘yan ang nagiging ugat din ng maraming problema later.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw namin mangyari ’yan base na rin sa mga nakita naming experiences sa mga tao in the past.

“That’s why ito yung isang bagay na we will handle very delicately.”

Sa mahigit limang taong pagsasama nila bilang magnobyo hanggang ngayong malapit na silang ikasal, naging problema ba nila kahit minsan ang pera?

Sagot ni Dingdong, “Sa amin, hindi talaga.

“Magmula dun sa limang taon at mahigit na pagsasama namin, ‘yan ang isang bagay na never namin naging problema.

“I believe Marian is very generous pagdating sa ibang bagay.

“Makikita mo rin naman, even with how she deals with other people.”



FOREVER. Hindi rin maiwasang itanong kina Dingdong at Marian kung magiging totoo sila sa ipapangako nila, sa araw ng kanilang kasal, na magsasama sila habambuhay.

Pahayag ni Dingdong tungkol dito, “Ganun po kahalaga yung sacrament ng matrimony sa amin.

“Once nandiyan na ‘yan, kailangan siguradong-sigurado ka, one hundred percent.

“Yung paghihiwalay o pagtatapos niyan should not be an option.”

Sabi naman ni Marian, “Palagi ko sinasabi na ayoko magsalita nang tapos…

“Pero ngayon na malinaw na ang lahat, engaged na kami, ikakasal na kami, siyempre ang lahat ng bagay ay nadadaan naman po sa pagdadasal.

“Wala naman pong relasyon na palaging smooth. Palagi ‘yan, kahit papaano, may pinagdadaanan.

“Pero ang mahalaga niyan, marami ang nakapaligid sa amin na nagmamahal sa amin, mga magulang namin, mga maka-DongYan, at kayo na nandiyan para sa amin.

“At saka si God… Kailangan palaging nasa center namin si God at palagi naming pinag-uusapan.

“Kasi walang imposible kapag nananalig talaga sa Kanya.

“’Eto, sinabi nga niya [Dingdong] sa akin last Saturday sa Marian, ipinagdasal niya. Ako din po, ipinagdasal ko.

“So, dininig yung panalangin namin.”

Biro naman ng press kay Dingdong, sana ay hindi magkaroon ng “dalawang Mrs. Dantes” kagaya ng role na ginagampanan niya sa primetime series na Ang Dalawang Mrs. Real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo,” nakangiting sambit ni Dingdong.



NEW DISCOVERIES. Bagamat halos anim na taon ang relasyon nila, may mga bagay pa ba silang gustong malaman sa isa’t isa o hindi pa nila alam sa bawat isa?

Sagot ni Marian, “Wala e. Alam ko na lahat.

“Sa maikling panahong iyon, sa five years and a half… basta, wala.

“Siguro wala na ako dapat masyado pang alamin o hilingin pa.

“Dun pa lang sa pangalawang proposal, sinabi na niya, tandang-tanda ko ‘yon, naks naman!

“‘Gusto ko ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal? Ikaw ang sagot sa aking mga dasal…’

“So, yun palang mga ibang kataga niya, nagme-melt na ako…

“So, parang ang sarap!

“Siguro hindi naman sa wala nang hihilingin pa dahil ang buhay may-asawa, iba na ‘yan.

“Maraming magbabago, maraming gustong maganap, mangyari.

“Pero sa ngayon, wala akong mahihiling pa.

“Lahat ibinigay niya. Walang katiting na pagkukulang.”

Birong tanong ng press kay Marian, ngayon bang magiging mag-asawa na sila ni Dingdong ay sabay na silang maliligo?

“Of course!” bulalas ng Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN