Gladys Reyes believes that Eugene Domingo shouldn’t retire yet: “I’m sure, marami pang gustong mapanood siya.”

Glady’s Reyes believes that Eugene Domingo has so much more to offer as an actress and shouldn’t retire yet: “Desisyon niya kasi yun, pero siyempre kung ako—‘di ba, ang dami namang nag-agree na kailangan pa siya ng TV, movie industry? Kasi, with the brilliant actress like her na versatile. Puwedeng mag-drama, comedy, suspense, horror.”


Hindi lamang mga anak niya ang binibigyan at pinaglalaanan ni Gladys Reyes ng panahon para bigyan ng birthday party. Maging anak ng kaibigan niya.

Noong Sabado, August 9, sa Jollibee Pioneer ay si Gladys ang nag-host ng ikatlong birthday party ng bunsong anak nina Sherilyn Reyes at Chris Tan na si Eia o Anya Sabrina.

Ayon kay Gladys, “Itong party na ito, binigay ko kay Eia at siyempre, kay Shey, kasi nga, very close kami ni Shey.

“Personal friend ko siya even before na wala pa si Eia at meron na kaming mga anak. Gift ko kay Eia at ipi-feature rin sa Moments.

Ang Moments ay ang celebrity talk show ni Gladys na umeere sa Net 25.

Dugtong pa niya, “Ako kasi, siyempre, gusto kong maging masaya si Eia sa birthday niya at hanggang ngayon, starstruck ako sa mga mascots dahil siguro noong bata ako, hindi ako nakapag-birthday ng ganun.

“Kaya nga, naisip ko rin, malalayo pa ang birthday ng mga anak ko. Katatapos lang din ni Aquisha kaya naisip ko si Eia, why not na ngayon na maibigay kay Eia ang Jollibee party.”

Noong magkaroon ng press conference ang Barber’s Tales na kasalukuyang palabas sa mga sinehan ngayon, nagmamadaling umalis si Gladys kaya hindi siya nakausap ng ilang entertainment press.

“Kailangan kong umalis agad, late na nga ako kasi, galing akong Everyday Happy, pero very happy rin ako ro’n kasi, second season na kami.

“Pero noong presscon, umalis ako agad kasi may stage play kami sa Iglesia ni Cristo (INC) para sa centennial celebration pa rin namin,” saad niya.

Ang Basta Every Day, Happy! ay ang morning variety-show ni Gladys kunsaan kasama niya sina Donita Rose, Alessandra de Rossi, at Chef Boy Logro.

RESPECT. Nabanggit na rin lang ni Gladys ang relihiyon niya, ang INC, na kailan lang ay nagdiwang ng ika-100 taong anibersaryo, naitanong namin dito kung ano ang reaksiyon niya sa mga lumabas sa social networking sites gaya ng Twitter na nagsasabing INC member siya na habang itinataas ang kanilang pananampalataya ay tipong nangba-bash naman ang ibang relihiyon, partikular na ang relihiyong Katoliko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ito ba yung bading?” pagkumpirma naman niya.

“Ewan ko, ang dali kasing magpanggap, ang daling magsabi ng, ’Ay, ako rin, INC,’ ’Ako rin, Christian,’ yung ganyan.

“Hindi ko alam kung para saan ang ginagawa niya. Kung nagbe-benefit ba siya sa ginagawa niyang yun o nakiki-in lang siya dahil dito sa mga pangyayari.

“Pero siyempre, tayo naman, kung ano ang ginagawa niya na yun, sana, hindi siya nakakapanakit ng tao.

“Pero I’m sure nakakasakit na siya ng damdamin ng mga taong ginagawa niya. Sana tigilan na niya at saka, masasabi ko lang din na huwag tayong basta-basta maniniwala sa kung anu-anong pinu-post.

“Malay naman natin kung totoo nga ang lahat ng pinu-post. Pero everyone is entitled naman sa opinion nila.

“Basta sa akin, respetuhan. Mahirap din kasing mag-judge na, ’INC ‘yan,’ ’Hindi ‘yan INC.’

“Basta ako, importante, bottomline rito, kahit na uso ang social networking sites, magrespetuhan.

“Yun ang importante,” diin niya.

PROUD OF INDIE FILM. Ang indie film na ginawa niya, ang Barber’s Tales ay nabigyan na ng iba’t ibang pagkilala at award mula sa ilang international film festivals. Karamihan din ng mga nakapanood na nito ay gandang-ganda sa nagawa nilang pelikula na dinirek ni Jun Lana at sa ilalim ng APT Films.

Ayon naman kay Gladys, “Sana nga yung pagka-rave, umabot hanggang sa mga tao, sa box-office, sa sinehan, sa mga tao.

“Malaking bagay ang word of mouth. Mula sa isang taong nakapanood, sasabihin niya na naku, sulit ang ibabayad ninyo.

“Pero ako, habang ginagawa pa lang namin ang movie, it’s all worth it. Yung pagtawid namin sa bundok, sa ilog, literal.

“Yung hirap ng biyahe, pagod, puyat, hirap ng mga eksena. Siguro, talagang maipagmamalaki ko na sana, panoorin nila ito.”

TRANSCENDING KONTRABIDA STEREOTYPE. Unang beses pa lang ni Gladys na gumawa ng indie film at ibang-iba nga raw ito sa pagiging kontrabidang karakter na madalas ay napapanood sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Isa pa yun kaya ipinagmamalaki ko.

“Siyempre, first time na hindi ako kontrabida sa pelikula. Pangalawa, mahaba at full-length yung role ko.

“And pangatlo, sa isang pelikula na may kabuluhan, may katuturan, talaga namang ganoon ako ka-proud na naging part ako ng movie.

“Nagte-thank you ako kay Direk Jun Lana, kay Sir Perci Intalan dahil kung tutuusin, ang dami nilang puwedeng maisip na gumanap dito.

“Pero siguro, somehow na-challenge sila na tingnan nga natin kung kaya ni Gladys na this time, hindi naman siya kontrabida, ibang character naman ang ipu-portray niya at sana, naka-deliver ako, sana nagawa ko kung ano ang gusto nila.”

ON EUGENE DOMINGO. Inamin naman ni Gladys na nagulat daw siya noong nakaraang presscon nila kunsaan, nagsabi ang bida ng pelikula na si Eugene Domingo na gusto nitong ang Barber’s Tales na ang huling pelikulang gagawin niya, yun nga lang, may kontrata pa pala siya sa Star Cinema na kailangan pang gawin.

Sabi ni Gladys, “Sa totoo lang, na-shock ako. Kasi, during the movie, hindi namin napag-usapan yun.

“Siguro, naisip ko na lang, kaya niya siguro nasabi yun, kasi, ‘di ba, naging emotional pa siya?

“Sa sobrang kuntento niya sa nagawa namin sa movie, sa kinalabasan ng pelikula and as a matter of fact, nanalo pa nga sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Kaya doon ko naisip na siguro nga, puwedeng-puwede itong pang-retirement na pelikula kaya niya siguro nasabi yun.

“Pero I heard nga, may kontrata pa siya sa Star Cinema, so hindi naman siguro ito ang magiging last movie niya.”

Naniniwala siyang dapat na ngang magretiro si Eugene sa paggawa ng pelikula?

“Desisyon niya kasi yun, pero siyempre kung ako—‘di ba, ang dami namang nag-agree na kailangan pa siya ng TV, movie industry?

“Kasi, with the brilliant actress like her na versatile. Puwedeng mag-drama, comedy, suspense, horror.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya parang sayang naman yung marami pang materyal na I’m sure, marami pang gustong mapanood siya,” lahad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN