Sherilyn Reyes on Claudine-Raymart issue: “Laban niya yun, e. Ako, tapos na ’ko. Ayoko nang makialam.”

Sherilyn Reyes on dishing out advice to former brother-in-law Raymart Santiago: “Naku, advice? Mahirap mag-advice. Kahit na sabihin mong pinagdaanan ko, iba pa rin yung pinagdadaanan niya. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pinagdadaanan niya. Ako siguro, prayers na lang para matapos na kung anuman ang merong gulo. Mas maganda yung peaceful ka.”


Noong July 23 pa ang ikatlong kaarawan ng bunsong anak ni Sherilyn Reyes na si Anya Sabrina o mas kilala lalo na ng ilang netizens bilang si Eia.

Pero dahil sa pa-Jollibee birthday party na ibinigay rito ni Gladys Reyes at ng programa nitong Moments ng NET 25, bigla nga raw nagkaroon ng birthday party si Eia.

Kuwento ni Sherilyn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa party ng anak noong Sabado, August 9, sa Jollibee Pioneer, “Hindi talaga kami nag-party.

“Naghanda lang kami ng konti sa bahay. Pero ito nga, since in-insist ni Gladys na mag-party si Eia, thankful naman kami. Kasi, sobrang saya ni Eia. Surprise ito sa kanya, hindi niya alam.”

Unang Jollibee party rin daw ng anak niya.

Patuloy niya, “Pagdating niya kanina, sobra siyang na-excite. Alam niya ang spelling ng pangalan niya kaya noong nakita niya, sobra siyang natuwa.”

Naka-home schooling daw ang tatlong anak niyang sina Paolo, Lawrence, at Eia.

Bakit home schooling ang napili niya?

Sabi niya, “Kasi si Lawrence, ang plan namin sa kanya this year, i-train muna siya sa basketball. Kasi, gusto niyang mag-varsity.

“Nandoon ang focus namin. Academically, wala naman siyang problem. Si Paoie naman, dahil nag-aartista na nga siya and our family loves to travel, so yun, ginawa na naming home schooling lahat.”

Ang bunsong anak naman nila, si Eia, mas okey raw sila na commercial muna ito tulad ng ginawang print ads commercial. Pero nakikitaan daw niya na mahilig ding umarte ang bunso nila ng asawang si Chris Tan.

COOL MOM. Ang panganay niyang anak, si Ryle Paolo ay nag-aartista na nga at isang Kapamilya. Una itong lumabas sa Mirabella at ayon kay Sherilyn, naghihintay na lang ng susunod niyang proyekto.

“Sa ngayon, naghihintay siya ng susunod niyang project. Nagbu-voice lesson, naggi-guitar, nagwu-work-out siya. Yun ang pinagkakaabalahan niya ngayon,” kuwento ni Sherilyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang kaibahan na nag-aartista na ang panganay niyang anak?

“Ang kaibahan, siyempre, may time na wala siya. Tulog na kami, nasa labas siya. Pero sabi nga niya, he has to start somewhere at willing naman siyang magtiyaga no matter what,” patuloy niya.

Yung pangalawang anak naman niyang eleven-years old, si Lawrence, ay gusto rin daw pasukin ang pag-aartista. Pero kung sakali man daw na papasok ito sa showbiz, mas maganda raw na ayusin muna nito ang pagsasalita ng Tagalog.

Natawa naman si Sherilyn nang sabihin namin dito na mukhang may kasamang date ang anak sa birthday ng bunso nila dahil nandoon ang Kapamilya child star na si Andrea Brillantes.

“In-invite niya si Andrea. Kasi, nagkakilala sila sa G-Force. Very open naman siya na crush niya. ’Tapos, parang nanalo sa Yahoo Awards si Andrea, pinadalhan niya ng chocolates,” natutuwa niyang pahayag.

Cool mom lang siya sa mga ganoong bagay?

“Oo naman,” natawang sabi niya.

“Like si Paoie, ang palagi naming sinasabi sa kanya, we have nothing against kung sinuman ang gustuhin niya.

“Ang sa amin lang, siyempre yung priority, dapat alam niya kung ano. Alam niya kung kailan magpo-focus sa trabaho, sa pamilya, sa studies.

“We’re not the type na pipigilan.

“In fact, kapag magpapaalam nga, sinusundo namin kapag gabi, magpapahatid. Basta alam ang priorities at hindi susuway sa magulang,” balita pa niya.

LOVE ADVICE TO KIDS. Kung si Lawrence ay si Andrea ang crush, balita naman namin na si Ryle, si Mika dela Cruz naman daw yata ang crush o nililigawan na nito.

“Hindi ako may sabi niyan,” natawang sagot ni Sherilyn.

“Basta ang alam ko lang, palagi silang magkausap. Alam ko, close sila. Palaging magka-text kasi nga, nagkasama sila sa Mirabella.

Okey lang sa kanya na mag-girlfriend na si Ryle?

Pakli niya, “Oo, okey lang, basta sabi ko nga, huwag kayong lulubog. Kumbaga, enjoy the feelings but take things in stride.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, pinagdaanan na namin ‘yan. Kung sa tingin mo, ‘eto na yung tao for you or magugunaw ang mundo kapag wala, although I understand the feeling, pero nandiyan palagi ang reminder na hindi pa ‘yan.”

Biro naman namin, ang bunsong anak na si Eia, paano sila?

“Ay, kay Eia, wala! Sarado,” natatawa niyang sabi.

“Hindi puwede.”

ON CLAUDINE-RAYMART ISSUE. Isa sa mga naging guest ni Eia noong birthday party nito ay ang panganay na anak naman nina Raymart Santiago at Claudine Barretto na si Sabina.

Pagkumpirma ni Sherilyn, “Ay oo, kasi nag-birthday si Santino, na-invite rin kami. Nagpunta naman ang mga bata. Noong na-finalize ko, tinext ko nga si Claudine na birthday ni Eia, baka makapunta sila.”

Sa mga hindi nakakaalam, ang anak ni Sherilyn na si Ryle Paolo ay anak ni JunJun Santiago, kapatid ni Raymart Santiago kung kaya’t pareho sila ni Claudine na naging bahagi rin ng Santiago family.

Pero alam naman ng lahat kung ano ang isyu ngayon ni Claudine kay Raymart at may mga pagkakataon na nababanggit din ang pangalan niya sa ilang write-ups nito.

Sabi naman ni Sherilyn, “Actually, hindi naman kami nag-uusap [ni Claudine], hindi naman. Text-text paminsan-minsan.”

Nababanggit siya ni Claudine sa ilang interview nito.

Ano nga ba ang nagiging reaksiyon niya sa mga pinagdadaanan ni Claudine ngayon?

“Laban niya yun, e. Ako, tapos na ’ko. Masaya ’ko kung nasaan man ako. Ayoko nang makialam. Ayoko nang makisali.”

Sila ng dati niyang bayaw, si Raymart, okey ba sila?

“There are times, years ago na nagkikita kami. Bumabati naman ako. Pero lately, ilang taon kaming hindi nagkikita. Kahit sa GMA, dati nag-guest ako sa Bantatay, hindi rin kami nagkita,” pag-amin niya.

Sabi nga niya, nagdaan na siya sa pinagdadaanan ni Claudine ngayon pero, sa kanilang dalawa, walang-duda na napakakontrobersiyal ng mga nangyayari kay Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinapayuhan niya rin ba ito?

“Naku, advice? Mahirap mag-advice. Kahit na sabihin mong pinagdaanan ko, iba pa rin yung pinagdadaanan niya. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pinagdadaanan niya.

“Ako siguro, prayers na lang para matapos na kung anuman ang merong gulo. Mas maganda yung peaceful ka.

“Magising ka na peaceful ka and you’re at peace with everybody.

"Actually, ako kasi siguro, nandoon na ako sa stage na since magpu-fourteen na kami ni Chris, marami na kaming inu-overlook na nangyari.

“Halimbawa, nagpasama ng loob namin, nandoon na kami sa stage na kung sinuman ang may kasalanan sa amin, na-forgive na.

“Gusto na lang naming maging at peace with everyone. Gumawa ng mabuti sa kapwa. Nandoon kami sa stage na yun.”

ON EX-HUSBAND. At dahil Kapamilya na rin si Ryle, ang biological father nito ay isa ring Kapamilya bilang isa sa Business Unit Head.

Nagkita na ba si Ryle at ang ama nito?

Ayon kay Sherilyn, “Actually, ang alam ko, nagkita sila for the first time, in ABS. Tinawag siya, binati naman niya.”

Nang mag-artista ang anak, kinailangan pa ba niyang kunsultahin ito kung okey rito?

“I think, ang ABS ang nagtanong kung okey sa kanya. Pero kung sa side namin, hindi naman.

“At si Paoie, 15 na rin siya. He can decide na rin. Even yung relationship niya with his other family, nasa sa kanya na yun.”

May relationship ba si Ryle sa Santiago family?

“Hindi ko rin alam,” natawang sagot na lang niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN