Valerie Concepcion denies wedding rumor; thrilled to hear about Marian-Dingdong wedding

Valerie Concepcion on how the wedding rumor possibly started: “Feeling ko kasi, naglagay ako sa profile picture ko sa Facebook ng ’MRS.’ Sa photo booth lang yun, um-attend ako sa isang wedding ’tapos may mga ganung props, so nilagay ko.”


Hindi raw totoong ikakasal na si Valerie Concepcion.

Ito kasi ang balitang kumalat kamakailan.

“Saan galing? Saan galing,” ang unang reaksiyon ni Valerie nang tanungin namin tungkol dito.

“Wala, hindi! Feeling ko kasi, naglagay ako sa profile picture ko sa Facebook ng ’MRS.’”

May hawak raw kasi siyang parang fan sign.

“Nakalagay ’MRS’, wala naka-ganun lang, so parang kahit si Tita Becky [Aguila, her manager], sabi niya, ‘What? Soon na ba?’

“’Tapos nag-comment naman ako sa kanya, sabi ko, ‘Tita, isa ka naman sa unang makakaalam kung sakali,” at tumawa si Valerie.

Bakit kasi siya nag-post ng ganoong larawan sa FB account niya?

“A, wala, sa photo booth lang yun. Um-attend ako sa isang wedding ’tapos may mga ganung props, so nilagay ko,” paliwanag niya.

Dalawang taon pa raw bago magpapakasal si Valerie.

By then, 28 years old na raw siya at tapos na siyang mag-aral.

At kung papalarin, pagkalipas ng dalawang taon ay resident na rin dapat ang kasalukuyang boyfriend ni Valerie na si Khristopher Tumambing, graduate ng kursong Medicine at kukuha ng board exam ngayong buwan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie nitong nakaraang Biyernes, August 13, sa taping ng My BFF sa Araneta Avenue, Quezon City.

HAPPY FOR DINGDONG-MARIAN WEDDING. Biniro namin si Valerie na akala tuloy ng iba ay susunod din sila ni Khristopher kina Marian Rivera at Dingdong Dantes na kamakailan lamang ay isinapubliko ang kanilang engagement. Ikakasal ang binansagang Royal Couple sa December 30, 2014 sa Immaculate Conception Church, Cubao, Quezon City.

Nakatrabaho ni Valerie dati si Dingdong sa Atlantika, at taga-hanga raw siya ni Marian.

Kaya noong nalaman niya ang tungkol sa wedding proposal ng dalawa, "Siyempre, kinilig ako!

"At saka unang-una sa lahat, yun ngang dyowa ko, pinagtatawanan ako kasi daw idol na idol ko si Marian!

“Every time nakikita ko yung picture niya parang, sabi ko, ‘Ang ganda niya, o!’ Ganun-ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos sasabihin ng dyowa ko, ‘Bakit feeling mo ba pangit ka?’ Gaganun siya.

"’Tapos ako, ‘Hindi, ang ganda talaga ng mukha niya, e,’ parang ganun,” at saka tumawa ulit si Valerie.

“’Tapos, so nung nalaman ko na nag-propose, hinanap ko agad, kasi hindi ako nakapanood sa TV, e. So hinanap ko agad sa net kung papaaano. Ganun ako ka-curious!”

Ang isa rin daw sa unang tiningnan ni Valerie ay ang engagement ring na ibinigay ni Dingdong kay Marian.

“Sabi ko, ‘Uy, Harry Winston! Sosyal, ’di ba? Grabe, Harry Winston! Parang iyun yung umano sa akin, ‘Wow!’

“Ganung kalaki ’tapos Harry Winston! Mahal na mahal!” bulalas pa niya.

VIOLET. Samantala, sa GMA series na My BFF ay gumaganap si Valerie bilang si Lavender, pero ang tawag daw ng mga tao sa kanya kapag nasa labas ay Violet.

“Kasi siguro, mas naaalala nila pag ganung color dahil sa lagi akong naka-violet [sa My BFF]. Violet agad yung naiisip nilang color,” sabi ni Valerie.

“Actually, Violet ako dapat dito pero sa Nagbabagang Bulaklak kasi, Violet na yung pangalan ko kaya ginawang Lavender.

IGNORING BASHERS. Sa My BFF ay siya ang “third party” kina Lyn (Manilyn Reynes) at Christian (Janno Gibbs).

Naranasan daw niyang ma-bash sa social media dahil sa kanyang role.

“Bina-bash ako! Parang sinasabi nilang pati daw sa totoong buhay, ganun daw ako, naghahabol daw ako ng lalaki.

“’Tapos daw parang naninira daw ako ng pamilya, ganun. Galit na galit sila sa akin!

“’Tapos merong, ‘Akala namin papakiligin kami ng Manilyn/Janno, bakit si Lavender?”

Hindi naman daw pinatulan ni Valerie ang mga bashers. In fact, natatawa lang siya.

TWIST IN STORY. Isa pang magiging twist ng kuwento ay baka raw maloka ang character ni Valerie sa My BFF.

Kuwento niya, “Maloloka yata siya. No, kasi may history pala siya ng depression.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil lagi siyang iniiwanan ng mga boys niya before. ’Tapos yung dalawang anak niya ’di ba magkaiba ng tatay?

“So parang may history pala siya ng, meron na siyang maintenance [medicine] na iniinom kaya ganun na lang ka-concerned yung Tatay [played by Rez Cortez] sa kanya. Kaya ganun siyang sobrang nagsu-support kadi may tendency na mag-snap yung anak niya.

“Nakikita ko na nga sa script na may times na nag-i-snap siya nang very, very light.”

Excited daw si Valerie kung sakaling magkaroon siya ng eksena sa My BFF na naloka siya. First time niya raw iyong gagawin kung sakali.

At ang pagbabasehan raw niya o magiging peg ay ang karakter o papel ni Jennylyn Mercado sa Rhodora X.

Pagpuri niya kay Jennylyn, “Ang ganda lang din kasi nung shifting niya dun kaya parang mala-mala na ganoon or siguro lighter. Ewan ko. Kasi itong My BFF, pambata.”

Mga bida sa My BFF ang child actresses na sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

DAUGHTER. Tinanong namin si Valerie kung papayagan ba niya ang daughter na si Heather Fiona na mag-artista.

“Kung gusto niya pero kung ako ang tatanungin, sana ayoko.

“E, kasi parang siyempre gusto ko ang i-prioritize niya talaga is yung pag-aaral niya. Kaya nga ako nagtatrabaho para mabigyan ko siya ng magandang pagpapaaral and everything,” rason niya.

Grade five na ngayon si Heather Fiona at magte-10 years old na sa October.

Si Valerie naman ay nasa second semester na sa unang taon niya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration Major In Marketing sa AMA Computer College.

Mas pinili ni Valerie ang regular school kaysa sa isang home-study program.

“For me, ang tagal kong hindi nag-school, ’di ba? Parang 10 years akong hindi nag-school, e.

“So parang na-miss ko rin yung feeling ng nag-i-school ’tsaka parang feeling ko, iba pa rin talaga yung pumupunta ka sa school,” seryosong pahayag ni Valerie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN