Alex Castro praises Iza Calzado’s acting prowess: “Madadala ka talaga sa kanya...”

Alex Castro on working with Iza Calzado in Somebody to Love: “Kapag siya yung kaeksena mo, madadala ka talaga sa kanya, sa acting niya, sa portrayal ng role niya. So talagang mamu-motivate ka talaga na gawin mo din talaga na magaling yung acting mo kasi kung hindi, maiiwanan ka niya sa eksena.”


Last year pa wala sa pulitika ang Kapamilya talent na si Alex Castro.

Dati siyang nakilala bilang miyembro ng Boys R Boys all-male singing group kasama nina Markki Stroem at Bryan Termulo. Nakilala ang kanilang grupo sa Sunday noontime variety show na A.S.A.P., kunsaan sila naging regular performers noong 2012.

Dati ay konsehal si Alex sa Marilao, Bulacan, at tumakbo bilang Vice-Mayor nitong nakaraang eleksiyon pero hindi pinalad na mahalal.

Mahigit isang libong boto lamang ang naging lamang sa kanya ng kalaban.

Sabi ni Alex, “Hindi rin siguro ako nadala ng Iglesia votes, yung differences namin nung kalaban ko, pero okay naman po, okay naman.”

RUNNING AGAIN? Sa 2016 ay nagbabalak itong tumakbo ulit.

“Yeah, may plano po ako,” lahad niya.

Bilang vice mayor?

“I don’t know, pag-uusapan pa po ng party namin kung ano,” sagot nito.

Kasali sa Liberal Party si Alex.

“So parang pinag-uusapan pa pero for the meantime po, yung public service naman kahit na wala ka sa politics, magagawa mo naman.

“Pero ngayon, as of now po, naka-focus muna ako sa career ko sa showbiz.

“Pero yung ginagawa ko naman before being a public servant, nagagawa ko pa naman kasi kasama ko pa din naman din yung mayor doon namin, yung partido ko pa rin naman po yung nakaupo dun,” pahayag niya.

Kahit hindi siya nakaupo ay tumutulong daw si Alex sa mga kababayan niya sa Bulacan.

“Kahit wala po akong puwesto, ginagawa ko pa rin naman po.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex noong Huwebes, August 14, sa Imperial Palace Suites, kung saan ginanap ang presscon ng Somebody to Love na pelikula ng Regal Entertainment.

Bida sa pelikula sina Carla Abellana, Matteo Guidicelli, at Iza Calzado.

Kasama rin sina Jaclyn Jose, Isabelle Daza, Maricar Reyes, Nathalie Hart, Ella Cruz, Kiray Celis, Jason Abalos, David Chua, Albie Casiño, at Jackielou Blanco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa direksyon ni Jose Javier Reyes, ipapalabas sa mga sinehan ang Somebody to Love sa Miyerkules, August 20.

SHOWBIZ AND POLITICS. Going back to Alex, hindi ba siya mahihirapang pagsabayin ang pag-aartista at pulitika?

Bakit gusto pa rin niyang tumakbo? Ibig bang sabihin ay hindi niya ganoon kagusto ang pag-aartista?

Mabilis naman niyang tanggi, “Hindi naman po.

“Nasa public service po ako for 11 years so parang talagang hinahanap na rin po siguro ng katawan ko.

“And then, may time naman talaga nung second term ko as councilor, magkasabay. Dun po ako pumasok sa showbiz nung second term ko as councilor so parang napagsasabay ko naman po siya nang maayos.

“Tingin ko nga po mas marami pang mga pulitikong mas busy pa sa akin na artista din, e.

“Meron pa nga, si Pacquiao nga ang dami pong ginagawa e napagsasabay niya raw. Inaayos niya lang yung time niya.

“So parang sa akin naman, siguro being a councilor and then nagsisimulang artista, hindi naman po siguro [mahirap].”

Limang taon siyang Sangguniang Kabataan chairman bago ito nanilbihan bilang konsehal sa loon ng anim na taon.

WORKING WITH IZA. Sa Somebody To Love, gagampanan niya ang karakter ni Rainier Granada, isang athlete na manggagamit at mayabang.

“’Tapos kasi parang sikat akong athlete, sikat si Marga Castro, si Iza Calzado, so parang naggagamitan kami para sumikat kaming pareho,” paglalarawan pa niya sa kanyang role.

Kumusta katrabaho si Iza?

“Sobrang ang dami ko pong...matututo ka po sa kanya, e.

“Kapag siya yung ka-eksena mo, madadala ka talaga sa kanya, sa acting niya, sa portrayal ng role niya.

“So talagang mamu-motivate ka talaga na gawin mo din talaga na magaling yung acting mo kasi kung hindi, maiiwanan ka niya sa eksena.

“’Tsaka mabait siya,” pagpuri niya kay Iza.

May eksena si Alex na shirtless sa Somebody To Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, yeah! Hindi naman po ako nagse-sexy kasi. Pag nag-topless naman po, hindi naman ibig sabihin na nagse-sexy ka na.

“Siguro part lang siguro din ng script, kung bakit kailangan dun sa movie na naka-ganun, pero hindi naman po malaswa yung ganun,” paliwanag niya.

Hindi raw bawal sa kanya ang maghubad sa pelikula kahit na noong konsehal pa siya.

“Sa movie naman po e hindi naman po yung talagang parang ine-expose mo talaga yung katawan mo or something na ganun,” aniya.

Last year ay rumampa si Alex sa Cosmo Bachelor Bash.

“Ngayon po, hindi ko pa po alam kung kasama ako,” saad niya.

LOVE LIFE. Apat na taon na ang relasyon nila ni Jef Gaitan.

Si Jef ay sumali noong 2009 sa Survivor Philippines bago naging artista.

“After Survivor, ’tapos mga ilang months, nag-date na kami.

“Magkakilala na kami matagal na, modeling days pa lang po namin, magkakilala na kami pero hindi kami nagkaroon ng chance mag-date kasi we were in a relationship parehas.

“Ngayon ay news anchor po siya sa ABS-CBN Sportsm ’tsaka nasa Banana Split na po siya.”

Paano napapatibay ang relasyon nila?

Pag-aanalisa niya, “Kailangan yung respeto, respeto sa isa’t isa, and then yung tanggapin mo yung flaws ng karelasyon mo para kasi kapag yung hinanapan mo siya ng hindi maganda, parang iisipin mo, maghahanap ka ng iba.

“Pero kung yung matatanggap mo yung negative ’tsaka yung ibang magagandang bagay niya e dun magwu-work yung relationship.”

Wala pa silang planong magpakasal.

“Kasi busy din po pareho sa career namin.

“Siguro darating din po yun siguro if parehas na kaming, especially me, financially ready, and nagawa na namin yung mga bagay na gusto namin, siguro darating din po yun,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN