Banana Nite mainstay Jobert Austria faces raps after "suicide attempt"

Ayon sa komedyanteng si Jobert Austria, may nagtatangka raw sa kanyang buhay kaya naisipan niyang tawagin ang atensiyon ng mga kaibigan niya sa pamamagitan ng tangkang pagtalon mula sa ika-limang palagpag ng isang hotel.


Noong Sabado, August 16, lumabas ang balitang nagtangkang magpakamatay ang komedyante at mainstay ng Banana Nite na si Jobert Austria.

Nagtangka raw tumalon ang komedyante mula sa fifth floor ng Sogo hotel, Quezon Avenue branch, sa Quezon City.

Base sa mga unang report na lumabas, may natanggap daw death threat si Jobert kung kaya’t naisipan nitong magpakamatay na lamang.

Ang kaibigan at co-star ni Jobert sa Banana Nite na si Badjie Mortiz ang isa sa sumaklolo rito pagkatapos makatanggap ng message sa Viber.

Lahad ni Badjie sa panayam ng The Buzz, “Nag-message na siya, sa Viber group ng Banana, ‘Pare, tulungan niyo ako. Mamamatay na yata ako.’

“I started to contact people. Naisip ko, pinaka-safe is yung location manager namin sa Banana Split, si Marvin.

“Ano kasi yun, ex-police at director din namin sa Banana Split.

“Tinawagan niya si Jobert, iyak daw nang iyak.

“Iniisip ko, baka may malalim na problema. Baka depressed.

“Alam naman natin kapag depressed ang tao… Pumasok talaga sa utak ko, baka magpakamatay.

“So, noong naisip namin yun, si Eric Nicolas [komedyante], pagkatawag namin kay Jobert, yun na, ‘P’re, tatalon na ako, tatalon na ako!’

“So, naputol ang linya. Kinabahan kami, baka tatalon na nga.

“Pumunta dun agad si Direk, yung A.D. namin at saka si Eric.”

Nakausap din ng The Buzz ang direktor na si Frasco Mortiz, na kaibigan at katrabaho rin ni Jobert.

Saad niya, “Pinuntahan yata ng mga pulis, wala naman daw humahabol.

“Tumawag yata yung brother ko sa hotel mismo, tinanong niya, ‘Nandiyan ba si Jobert Austria?’ Nandoon nga raw.

“So, noong kinonfirm [confirmed] na nasa 5th floor daw, nagwawala, parang gustong tumalon.”



YOUTUBE SENSATION. Unang nakilala si Jobert dahil sa nakakatawang video na kinunan ng mga kaibigan niya at in-upload sa YouTube.

Naging viral ang naturang video at naging daan ito upang makapasok sa telebisyon si Jobert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Banana Nite, kasama rin si Jobert sa Home Sweetie Home. Napanood din siya noon sa defunct noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey!.

Bago pasukin ni Jobert ang showbiz, may pagkakataong tumira ito sa isang jeep noong nanalanta ang bagyong Ondoy.

Sa pagkakakilala ng mga katrabaho at kaibigan niya, likas naman daw itong masayahin.

Pero bago ang pagtatangka nitong magpakamatay ay may mga pagbabago raw na nakita ang kanyang mga kaibigan.

Lahad ni Badjie, “Dati, wala naman akong napapansin sa kanya. Masaya lang kami sa set.

“Pero noong bumalik siya, noong nag-second Banana siya, minsan emotional kapag kausap mo.

“’Hindi kaya may pinagdadaanan itong si Jobert or depressed or something?’

“Ang pinaka-isyu lang na palagi naming naririnig sa Banana ay yung away sa girlfriend.

“Kapag nag-away sila ng girlfriend niya, talagang medyo depressed siya.”

May bulung-bulungan din na ang dahilan ng pagkawala ni Jobert noon sa Banana Split ay ang paggamit diumano nito ng ipinagbabawal na gamot.

Sabi ni Direk Frasco, “May narinig kaming ganoong problema, pero hindi naman namin pinag-usapan.

“Hindi siya ganoon ka-open talaga kapag pinag-uusapan.

“Pero pina-private joke minsan sa set. Hinihiritan minsan nila Angel [Angelica Panganiban] at John [Prats] na nagkaroon siya ng ganoong problema.

“Feeling ko, baka naging part din yun.”

Sa kabila nito, nagulat pa rin daw ang mga kasamahan at kaibigan ni Jobert sa Banana Split na nagawa nitong magtangkang magpakamatay.



JOBERT’S STORY. Kahit nagpupumiglas at tila takot pa rin, nagawang dalhin ng mga pulis si Jobert mula sa Sogo hotel papunta sa Station 10 ng Kamuning, Quezon City, hanggang sa dalhin siya sa Camp Karingal.

Dito nakausap ng The Buzz si Jobert.

Nabanggit din ng komedyante ang problema nila ng girlfriend na naka-base sa Canada, pero ngayon ay nagbakakasyon dito sa Pilipinas.

“Bale magpa-five years na kami. Kababata ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam talaga… ang alam ko, hiwalay na siya sa unang asawa niya.

“’Tapos yun, noong naghiwalay sila, nagtaka rin ako, babae ka, ‘tapos nagpapaaral ka ng college, dalawa.

“May kotse ka, ang ganda ng bahay mo, ‘tapos kaya mong mag-cruise.

“Magkano ba ang cruise? Sa Europe?

“Noong huling uwi niya, nalaman, sa Facebook pa nalaman, ‘Sino ‘tong Jobert sa Facebook?’ Ginugulpi siya.

“At pag-uwi niya sa Canada, pagbalik niya dun, pinalayas niya ako, e.

“Konting mali, hindi naman ganun yun, e.”

Hindi direktang tinukoy ni Jobert kung sino ang nanggulpi sa kanyang girlfriend.

Sinabi rin ni Jobert ang dahilan kung bakit sa isang hotel siya tumuloy bago ang tangka niyang pagpapakamatay.

“Nanggaling ako sa taping ng Banana Split.

“Pag-uwi ko… pupuntang Europe siya, e. Pag-uwi ko, may ban ako. Bakit ako binan [banned]?

“Hindi ako sinasabihan ng girlfriend ko. Maya-maya, tumawag siya, nasa airport siya, nasaan daw ako.

“Sabi ko, ‘Binan mo ako. Bakit mo ko binan?’

“’Hindi kita binan.’ Hindi niya alam kung sino ang nag-ban, pero yung email niya ang ginamit.”

Sinabi rin ni Jobert na mayroong nagbabanta sa buhay niya, pero hindi niya direktang tinukoy kung sino ito.

“May tumawag, pero hindi naman sumasagot.

“Sabi, ‘O, nasa Cainta daw si Jobert.’ Naririnig mo, pero nakaganun lang ang telepono.

“’O, puntahan niyo sa Cainta. Kung nandito ‘yan, tumba na agad ‘yan.’”

Nagtangka siyang tumalon sa building?

Sagot ni Jobert, “Hindi, tumawag lang ako ng atensiyon.

“Kasi, wala, e, wala akong lalabasan dun. Wala.

“Ang alam ko, nasa lobby yung mga naghihintay sa akin.

“Pagsakay ko ng sasakyan, naghihintay lang, raratratin ako.”

Tinanong din nang diretso si Jobert na baka nasa impluwensiya siya ng drugs.

Sagot niya, “Lasing ako. Lasing ako kagabi at saka hindi ako kumakain, dahil nga nagwo-worry ako.

“Nawalan ako ng isang show. ‘Tapos, iniwan ako ng girlfriend ko. ‘Tapos pinalayas ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi siya nagda-drugs?

“Dati, nag-undergo ako ng rehab, sa Scout Rallos nga, kay Doc Randy.

“Kasi, alam ko, maimpluwensiya yung lalaki, alam niya ang mga galaw ko.

“Mahirap kasi nandoon siya, pero gumagalaw siya. May pera, e.

“Hindi ko alam kung ano, pero parang may perang involved.

“Sabi ng girlfriend ko, ‘Huwag kang magpapadala sa Karingal, papatayin ka dun.’

“Nagulat na lang ako, nandito ako ngayon.

“Kaya nga humihingi ako ng tulong. Hindi ko alam, e.

“Wala akong kalaban-laban.”

Posible raw ibalik sa rehab si Jobert para matulungan pa ito.

Nagpahayag naman ng mensahe ang mga kaibigan niya, ‘tulad nina Mitoy Yonting, Badjie, at Direk Frasco, na puwede silang lapitan nito at huwag susuko.



ALARM AND SCANDAL. Kaugnay ng insidenteng ito, nahaharap ngayon si Jobert sa reklamong alarm, scandal, at illegal drug use.

Ito ay base sa report na nakarating sa Quezon City Police District (QCPD) headquarters kahapon, August 17.

Ayon sa report ng Philippine Daily Inquirer, rumesponde ang barangay public safety officers at firemen na tinawag ng hotel upang palabasin si Jobert mula sa kanyang kuwarto.

Base sa police report, may natagpuang sachet ng pinaghihinalaang shabu mula sa kuwarto ni Jobert.

Ayon kay Senior Insp. Roberto Razon, head ng QCPD Anti-Illegal Drugs Unit, pagkatapos ng police investigation ay ite-turnover si Jobert sa isang rehabilitation center.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN