Janno Gibbs admits battle with depression over weight problem

Janno Gibbs relates that he made himself scarce from television and personal appearances when he gained weight. With support from family, he sought help and is now fully recovered from episodic depression. But he’s still insomniac.


Inamin ni Janno Gibbs na dumaan siya sa period of depression sa panayam sa kanya ni Jessica Soho para sa Kapuso Mo Jessica Soho, na umere noong Linggo, August 17.

May kaugnayan sa pagpapakamatay ng Hollywood actor na si Robin Williams, dahil sa depression, ang episode ng Jessica Soho noong Sabado.

Si Janno ang isa sa mga artistang nakausap nila at umaming dumaan din sa ganoong sitwasyon.

Pero bago pa man umere ang episode ng Kapuso Mo Jessica Soho ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Janno sa taping ng My BFF, noong Biyernes, August 15 sa may Caloocan City.

Paliwanag niya tungkol sa kanyang pag-amin, “Sinabi ko na dine-deny ko noon kapag tinatanong ako, kasi siyempre, wala sa culture natin.

"Kasi deny ako nang deny dati.

"Kapag sinabi mong magpapatingin ako sa psychiatrist, ’Naku, may tama ito, may sayad ito!’

"Unlike sa States, wala yun, normal yun."

Kuwento pa ng singer-comedian, "Jessica Soho called me. Pinag-isipan ko kung sasabihin ko ba ‘to.

"Ang point ko, kaya inamin ko na rin, I got over it, at saka para mabago ang thinking natin.

“Precisely, kaya nga ako deny nang deny dati, kasi wala sa culture natin. Nakakahiya, ‘di ba?

“So, sabi ko, ’Sige, magsalita na rin ako para maging aware ang mga tao.’

"Kasi kapag depressed sa atin, ang thinking, ’May tama ‘yan or arte lang ‘yan. Nag-e-emote lang ‘yan.’

"Ganoon tayo, e. Hindi natin sineseryoso.

“So, sabi ko, labas ko na para maging aware ang mga tao na it is a physical condition, puwedeng mangyari kahit kanino.

"Sabi ko, hindi nakakahiya to seek help.”



WEIGHT PROBLEM. Nalagpasan na raw ni Janno ang yugtong iyon ng kanyang buhay. At hindi nito itinangging kumonsulta siya sa mga espesyalista.

“May professional help at siyempre, family mo, support group.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi katulad ng nangyari kay Robin Williams, hindi naman daw siya umabot sa puntong inisip niyang magpakamatay.

“Hindi siya ganoon ka-serious, hindi siya ganoon kalala.”

Inamin ni Janno ang isa sa pinakamalaking dahilan ng depresyon niya ay ang naging pagtaba niya.

Pahayag niya, "Siyempre, as an artista, hindi mo gusto yung napapanood mo sa TV.

"Noong lumaki na ako, doon ako na-depress.

"Parang, ’Bakit ako lumaki ng ganito, bakit ako umabot sa ganito?’"

Kung babalikan niya, ano nga ba ang naging dahilan at umabot siya sa puntong tumaba siya nang husto?

Sagot ni Janno, “Hindi ko rin alam, siguro sama-sama na.

"Siguro yung normal ko noong bata pa ako, hindi na umuubra habang nagkakaedad ka, ‘di ba?

"Yung metabolism mo, iba na.”

Paano siya nakapagbawas ng timbang?

“Actually, ‘eto, lately na lang ‘to. Kahit yung last soap ko, malaki pa ako.

"Pero noong na-depress naman ako, few months lang, hindi naman matagal."

Nawalan ba siya ng drive na magtrabaho noon?

“Hindi sa nawalan, pero kapag lalabas ako sa SOP o Party Pilipinas, ’tapos mapapanood ko, siyempre hindi ko gusto ang nakikita ko.

"Parang, ’Hindi na lang, hindi na lang ako papasok.’

"Parang, ’Ang pangit... hindi na lang.’"



SUPPORT GROUP. Kailan naisip ni Janno na kailangan niyang labanan ang kanyang depresyon?

Sagot niya, “Noong naapektuhan na ang work. Siyempre, yun ang ikinabubuhay ko.

"Kapag naapektuhan na yun, kailangang gawan mo na ng paraan.

"Yung mga malalapit sa akin, alam nila na nagdaan ako sa ganoong sitwasyon."

Gaano na siya katagal malaya sa pagkakaroon ng depresyon?

“Matagal na. Nakikita niyo naman, nakakapagtrabaho na ako."

Hindi na niya babalikan ang ganoong klaseng pakiramdam?

“So far, pero hindi mo rin masasabi yun.

"Ang maganda kasi sa akin, okey ang family ko, parents ko, my wife and my children, nandoon ang suport.

"Sa States kasi, medyo kanya-kanya na, e," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSOMNIAC. Bakit hindi niya tularan ang kanyang ama, ang beteranong aktor na si Ronaldo Valdez, na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pag-arte at maayos pa rin ang pangangatawan?

Sabi ni Janno, “Oo, pero may difference kasi kami ng daddy ko.

"Ang daddy ko kasi, actor. Doon siya kilala, because of his performance.

"E, ang linya ko kasi, nagsi-singer ako. Sa comedy, okey lang na lumaki ka.

"Pero as singer na nagba-ballad-ballad, medyo hindi siya bagay."

Paglilinaw pa niya, “Yung weight gain, malaking part lang yun.

"Pero siyempre, forever naman problema ko ang pagtulog.

"Pero feeling ko, hanggang ngayon, hindi na mawawala yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN