Andrea Torres not ready for sexy pictorial

Ayaw raw mag-assume ni Andrea Torres pagdating sa mga nagpapalipad-hangin sa kanya. Paliwanang ng Kapuso actress, “Hindi kasi ako assuming kapag wala namang sinasabi. Kahit na minsan sobrang sweet na, kapag hindi niya sinabing nanliligaw siya, hindi ko talaga iisiping nanliligaw siya. Para sure lang, ‘di ba? Mahirap nang magkamali.”


Hindi raw nagsasawa si Andrea Torres sa pakikipagpareha kay Mikael Daez.

Ikatlong pagtatambal na nila ngayon ang upcoming afternoon fantasy series ng GMA Network na Ang Lihim Ni Annasandra.

Una silang nagtambal sa remake ng Sana Ay Ikaw Na Nga noong 2012, at nasundan ito ng With A Smile noong 2013.

Sabi ni Andrea, “Mas okey nga kasi close na kami. Mas napapabilis yung trabaho.

“Kaya gamay na gamay na namin ang isa’t isa… sobra.

“At saka nakakatuwa kasi, siyempre, parang sabay kaming nag-umpisang mabigyan ng sariling show.

“’Tapos sabay rin kaming nagma-mature.

“Kasi sa soap na ito, magma-mature kami bilang mga artista.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa Sunday All Stars, kahapon, Linggo, August 17.



TRANSFORMATION. Sa Ang Lihim Ni Annasandra, ginagampanan ni Andrea ang role ng isang babaeng nagiging baboy-ramo.

Bakit naman sa dinami-dami ng hayop ay sa pagiging baboy pa nagta-transform ang kanyang character?

Sabi ng Kapuso actress, “Para very Pinoy daw.

“At saka medyo based siya sa mga kuwento-kuwento daw sa Visayas, e. Kaya medyo may konting katotohanan din.”

Ang pagpapalit daw niya ng anyo bilang tao na magiging baboy ay sa pamamagitan ng special effects, kaya hindi na niya kailangan pang lagyan ng prosthetics.

“Pero matagal po kapag kinukunan ang ganung eksena, kasi maraming anggulo.

“Kasi gusto talaga nila, makikita na bawat part ng katawan, nag-iiba. Na hindi lang ‘yon sa isang iglap.”

Anong paghahanda ang ginawa niya para sa kanyang role na ito?

“Siyempre, lakas ng loob, dahil medyo may mga eksena talaga na mas kita yung skin.

“At saka diet… diet din.”



SEXIER ANDREA. Marami ang nakakapansing mas sumiseksi ngayon si Andrea.

Paghahanda ba ito sa posibilidad na sumabak na siya sa sexy pictorial para sa isang men’s magazine o ‘di kaya ay pagsalang sa sexy roles?

Tugon niya, “Hindi pa po, e. Wala pa po sa plano namin ng manager ko kasi gusto naming… dahan-dahan po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Although dito sa Ang Lihim Ni Annasandra, may mga scenes na may showing of skin.

“E, maganda po kasi yung role kaya napapayag ako. Sayang naman.

“Kaya ini-ready ko na lang yung sarili ko.

“May isang eksena nga akong ginawa na sobrang konti na lang yung natatakpan.

“So, ‘yon, medyo kinabahan ako dun.

“’Tapos siyempre, nung nag-shoot kami, ang daming nanonood. Kaya nakakailang na nakakakaba talaga.

“And nakaalalay naman yung production staff. Na kapag nag-cut, pinapasuot nila ako ng robe agad.

“Kahit si Mikael, inaalalayan ako. Naka-topless siya, ‘tapos yung polo niya, ibabalabal niya sa akin.”

Natatawang dagdag ni Andrea, “Sanay na akong makita na hubad si Mikael!

“Nasuportahan ko na rin nga siya dati sa Cosmo Bash, rumampa siya.”



FRIENDS ONLY. Inakala ng iba na sa ilang beses na pagtatambal nina Andrea at Mikael ay madi-develop sila sa isa’t isa. Pero hindi nangyari.

Sabi ni Andrea tungkol dito, “Ano kasi kami… from the very start, parang naging friends na talaga, e. Na-establish na friends.

“Hindi kami yung… basta nag-effort kami na maging friends.”

Pero noong ikalawang team-up nila sa With A Smile, medyo na-link sila ngunit parang naudlot nga lang.

Dahil ba ito kay Megan Young na napapabalitang girlfriend ni Mikael?

“Hindi ko lang alam kay Mikael… hindi ko lang sure!” tawa ni Andrea.

There was a time na na-link din si Andrea kay Sef Cadayona, pero naudlot din.

Ano nga ba ang nangyari? Binasted niya ito?

Paglilinaw ng dalaga, “Hindi naman siya nanligaw in the first place.

“Pero kasi, friends na talaga kami ever since. Ka-Blog pa lang, naghu-host pa lang ako.

“Siguro, hindi lang sanay ang mga tao na… kasi there was a time na naging ka-close ko rin si Mark [Herras], natsismis din siya sa akin!

“Siguro dahil hindi sanay yung mga tao na makitang sila ang mga kasama ko. Sanay sila na yung mga kasama ko sa soap lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit kanino yata ako maging close, may isyung nangyayari.”



LOVELIFE. Is she dating now?

“Wala masyado, kasi busy talaga po sa trabaho,” sagot niya.

Ibig sabihin mayroon siyang nakaka-date kung minsan kapag may free time siya?

“Lately, wala talaga.

“Before, meron din naman. Labas-labas lang.

“Pero hindi naman talaga ako nagpu-focus pa masyado dun.”

Parang hindi naman kapani-paniwala kung sasabihin niyang wala siyang manliligaw ngayon?

Paliwanag ni Andrea, “Hindi ko pa masabi. Hindi kasi ako assuming kapag wala namang sinasabi.

“Kahit na minsan sobrang sweet na, kapag hindi niya sinabing nanliligaw siya, hindi ko talaga iisiping nanliligaw siya.

“Para sure lang, ‘di ba? Mahirap nang magkamali.”

Hindi raw gaanong colorful ang life kapag walang lovelife?

Pagkontra ni Andrea, “Hindi naman. Basta close ka sa family mo at saka marami kang friends.

“At saka kapag nae-enjoy mo ang work, hindi naman malungkot.”

Ano ang nararamdaman ni Andrea kapag nakikita niya ang kanyang mga kaibigan na masaya kasama ang kanilang special someone?

“Kilig lang!” natawang sagot niya.

Hindi siya naiinggit?

“Hindi naman. Pana-panahon lang ‘yan siguro.

“Kasi nung time na hindi ako busy, nagkaroon na rin naman ako ng boyfriend na non-showbiz.

“Ngayong busy ako, ‘tapos wala... siguro ganun lang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN