Kiray Celis’s face tattooed on a man’s abs: “Feeling ko, ang ganda-ganda ko! At ano nga ba ang shampoo ko?”

For some reason, the press is most curious about the lovelife of Kiray Celis, especially now that one man seems truly interested in her. May karelasyon na nga ba siya? Ano ba ang totoo doon? Boyfriend na ba niya iyon? She only has one answer: "Basta ’pag pinayagan ako ni Mama."


Idinaan ng young comedienne na si Kiray Celis ang sagot niya sa tanong kung totoo bang pina-tattoo ng karelasyon niya ngayon ang kanyang mukha sa abs nito.

“Siyempre hindi naman po katakataka iyon, hindi naman po sayang na ang mukha ko ay ipalagay sa katawan niya. Chos!” natatawang sagot ni Kiray.

May karelasyon na nga ba siya?

“Oo naman po... I love my family!” tawa na naman ng Star Magic talent.

“Hindi, mahal ko ang sarili ko.

“Maraming nagmamahal sa akin at lahat ng nagmamahal sa akin, minamahal ko.

"Ganun naman talaga dapat, ’di ba?

“Napakasuwerte mo sa buhay mo na mahalin ka o piliin ka ng isang tao na mahalin niya sa buong buhay niya.

"So, dapat lahat ng nagmamahal sa iyo, mahalin mo din, kung anong kaya mong ibigay."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa presscon ng pelikulang Somebody To Love, noong Huwebes, August 14, sa Imperial Palace Suites.



IS SHE IN LOVE? May nagbanggit din kay Kiray na minamahal daw siya ng assistant ni Direk Wenn Deramas. Totoo ba yun?

“Maraming nagmamahal sa akin!” tawa na naman niya.

Bakit hindi niya maaming nagmamahal na siya?

“’Pag pinayagan na po ako ng nanay ko,” sagot niya.

Ano ang greatest love lesson na natutunan ni Kiray?

“Hindi pa naman po kasi ako talagang... kasi kaka-nineteen na ako, so parang ngayon lang ako parang crush-crush.

"Kasi dati, hindi ko naman masyadong pinapansin yung mga... hindi kasi ako mahilig sa mga lalaki, e.

“I mean, hindi ako... totoo, puro landi lang ako sa salita, pero ’pag ginagawa ko na, hindi ko na kaya.

"Parang, ‘Ang pogi nun!’ Ganun-ganun lang ako, pero hindi yung text-text, walang ganun.

"So, wala pa namang lesson, pero matututunan ko rin yun.

"Siguro ’pag nadapa ako, malalaman ko rin yung mga pagkakamali ko at matututo ako sa mga bagay na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BREADWINNER. Natanong ng press ang cast ng Somebody To Love kung sino ang "somebody to lust" nila.

Ang sagot ni Kiray dito: “Wala, si Adam Levine siguro.”

Bakit tila may pag-iinarte si Kiray sa sagot niya tungkol sa kanyang lovelife? Hindi ba siya proud sa boyfriend niya?

May boyfriend na nga ba siya?

Tugon niya, “’Pag pinayagan ako ni Mama, kasi breadwinner ako sa family namin, so hindi naman ako puwedeng maglandi-landi.”

Paglalandi ba ang ma-in love sa isang lalaki?

“Siyempre kapag na-in love ka, magpapalandi ka, ’di ba?

“Wala naman po akong nilalandi.

“Priority ko po kasi ang family ko, so kapag pinayagan na ako ni Mama.

"Siguro iyon na yung turning point ko na, ‘Oh, I’m sure na!’”

Hindi ba siya na-in love sa lalaking nagpa-tattoo raw ng mukha ni Kiray sa katawan nito?

“Siyempre ang ganda-ganda ko naman, siyempre!” bulalas niya.

Mahal ba niya ang naturang lalaki? May namamagitan ba sa kanila?

“Baka mahal niya daw ako!” at tumawa si Kiray.

Hindi pa niya mahal yung lalaki?

“Espesyal siya sa akin,” seryosong bawi ni Kiray.

“Alam naman niya, basta ’pag pinayagan ako ni Mama.

"Napaka-open ko naman sa nanay ko kung sino yung nagkaka-bet sa akin.

“So, iyon. Kung sino yung ano niya, yung okay sa kanya, ’pag puwede na.

"Very important sa akin si Mama, yun talaga yung pinaka-answer ko sa inyo."

Pero ano talaga ang meron sila ng nabanggit na lalaki? Papunta na ba dun? Inspired siya sa lalaki?

“Masaya naman ako sa buhay ko, napakasaya ko,” sagot ni Kiray.

NOT YET. Pero nilinaw ni Kiray na hindi pa niya boyfriend ang naturang lalaki.

“Pero sana, sana po... ’pag pinayagan ako ni Mama.

“’Pag na-meet niyo siya, napakabait.”

Kaya dapat maging proud siya sa lalaki.

“Proud naman ako, in-Instagram ko pa nga yung tattoo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre ’pag pina-tattoo ba yung mukha niyo sa katawan niya, hindi niyo ba yun i-Instagram?

“Sino ba namang lalaki ang magpapalagay ng mukha niyo sa katawan niya?

"Sasabihin niyo pa ngang bobo o katangahan yun, pero siyempre, ako, nakaka-proud!

“Feeling ko, ang ganda-ganda ko! At ano nga ba ang shampoo ko?”

Naniniwala ba siya na kapag mahal niya ang isang lalaki ay may halo itong lust?

Sagot ni Kiray, “Ang lust, binibigyan iyan ng tamang panahon.

“Ang role ko [sa Somebody To Love], ni-lust ko muna yung lalaki para bigyan niya ako ng pagmamahal.

"Inuna ko yung libog ko, ibinigay ko lahat. Ganun kasi ako sa kuwento e.

"Nilandi ko si Manuel [Chua] para ibigay niya yung pagmamahal niya sa akin.

“Pero yung ginagawa ng ibang tao, gaya nung kuwento ng mga kasama ko [sa pelikula]...

"Dapat kasi, siyempre love mo, kailangan bigyan mo ng ganun, ’di ba?

“Pero sa kuwento ko, yung ibang tao, ibinibigay muna yun para mabigyan sila ng pagmamahal.

"Iba-iba naman ang mga tao, e.

“Pero siyempre, ’pag mahal mo, mahal mo yung tao, automatic na yun kapag mahal mo ang isang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN