Ramon Bautista gets flak after calling Davao women "hipon"; comedian apologizes

Hindi ikinatuwa ng mga Duterte ng Davao City ang biro ng komedyanteng si Ramon Bautista nang tawagin niya ang mga dumalo sa Kadayawan Festival na "hipon." Ang hipon ay isang biro sa taong may magandang katawan pero pangit ang mukha.


Hindi nagustuhan ng mga opisyales ng Davao City ang naging biro ng komedyanteng si Ramon Bautista sa Kadayawan Festival noong Sabado, August 16.

Sa gitna kasi ng kasiyahan sa taunang kapistahan ng siyudad, sinabi ng "Internet Sensation" na maraming “hipon” sa Davao.

“Ang daming hipon dito sa Davao!” sabi ni Ramon, sabay sigaw ng "Hipon, hipon, hipon!"

(Video: courtesy of ariepogi)

Ang “hipon” ay isang birong salita bilang pagtukoy sa mga taong may magagandang katawan ngunit pangit ang mukha.

Kumbaga sa ulam, tapon-ulo, tira katawan.

Nagkataon namang nasa audience ang Vice Mayor ng Davao na si Paolo "Pulong" Duterte at ang dating Mayor na si Sara Duterte.

Kaagad nag-post ang bise-alkalde sa kanyang Facebook account ng kanyang pagkainis sa biro ni Ramon.

Sinabi pa nitong tumaas ang kanyang presyon sa ginawang ito ng komedyante, lalo na ang pambabastos nito sa mga kababaihan.

Sabi ni Vice Mayor Duterte, “Went to Kadayawan Invasion earlier tonight to check if everyone was fine and if the organizers were following our City’s ordinances.

“Ok na unta pero kining si Ramon Bautista nakadungog ko na gi ingon niya nga ang mga babae sa Davao ’Hipon.’ Kanang pasayan ba. Batì ug dagway pero nindut ug lawas. Buot pasabot, ilabay ang ulo, kaunon ang lawas.

“Wa nako palabya ug atong gistorya ning tawhana ug gipasabot nato nga gibastos ta niya, ilabi na ang atong kababayen-an. Pirting pangayo ug pasaylo natong tanan ug di na daw niya usbon. Nag public apology sya sa party ug mi saad nga di na niya himuon usab.

“Nisurok akong dugo kay sa tanang butang nga pwede niya tinuntuhan, ang mga babaye pa nato. Atong hinumduman kanunay, labi na kitang kalalakin-an, nga dapat magpabilin atong respeto ug kortesiya sa babaye bisan kinsa ug unsa ka pa.

“Ramon Bautista, ang maayong pamatasan di mapulihan sa kasikat ug impluwensya. Ug nahimo nimo na sa uban lugar, ayaw dad-a dinhi sa amua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ramon Bautista, umayos ka.”

PERSONA NON GRATA. Nagpahayag din ng pagkadismaya si dating Mayor Sara Duterte, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, kaugnay ng ginawa ni Ramon.

Nanawagan din ito sa kanyang mga kaibigan sa City Council na ideklarang persona non grata si Ramon sa Davao.

Sabi nito, “Attended this Kadayawan Invasion and heard this [Ramon Bautista] guy say ’hipon’ ang mga babae sa Davao.

"Pila sa ako mga fb friends ang konsehal.. if you do not call out this guy as a persona non grata, your doing a disservice to women all over!!

"P at F to you Ramon Bautista! bisita ka lang, gumalang ka!"

Sa Facebook fanpage ng Davao City, nagpahayag din ng kanyang opinyon ang kasalukuyang mayor ng Davao na si Rodrigo Duterte, ang ama nina Sara at Paolo.

Sa naturang video, sinabi ni Mayor Rudy na iwasan ang mga ganoong biro sa ibang mga lugar, katulad ng Davao.

Aniya, “You should avoid yung slur, maraming magagalit niyan, e.

"Balita ko kasi, si Mayor Sara, nag-react.

“Kasi ang hipon kasi is a slur… sa Manila, parang maganda ang katawan pero ang mukha pangit.

"’Yang Manila kasi, uso-uso, e, yung sensitivity ng tao, when you talk, lalo na ‘pag ibang lugar, its always sense and sensibility.

“Kasasabi ko lang, e, dito may lumad, Muslims, Kristiyano, respeto at pakikisama.

"Do not humiliate or degrade anybody. As long as yung human being, you must make sure [to respect] yung dignity ng tao.

“Ewan ko ang balita ko, nag-react daw si Vice Mayor Pulong. I do not blame him, kasi ’pag ako, pag anduon yun, baka nasampal ko pa.

“Kasi mahirap, e, lalo na yung babae, yung mga babae mainsulto.

"So my advice, kahit san ka pumunta, iwasan mo talaga ’yan."

Hindi rin daw niya mapipigilan ang konseho ng siyudad sakaling magpasa ang mga ito ng resolusyon upang ideklara si Ramon na persona non grata sa Davao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Mayor Rudy, “Pagka ganun, hindi na makabalik ng Davao.

"I mean, nobody [can] stop you from coming in or going out.

"But if you are declared persona non grata, it simply means that the city does not welcome you, that you are not needed here."

Ano kaya ang naging reaksiyon niya kapag nagkataong nandun siya noong sinabi ng komedyante ang naturang biro?

Sagot nito, “I will perhaps confront him, magaan lang yung kamay ko, e, pagka ganun, lalo na sa mga babae.

“I’m trying to protect everybody here. When I say everybody, it doesn’t mean only the physical being, I protect their honor.

“Most especially sa mga lumad, respetuhan natin ‘yan, kasi sila yung mga originals dito, the Muslims are way way ahead of us here in Mindanao.”

Handa ba siyang tanggapin muli si Ramon sa Davao?

Aniya, “Kung ako naman sa kanya, he can always apologize and maybe titingnan natin.

"Hindi naman tayo yung vindictive na… we are a forgiving race, lalo na tayo dito [sa Davao].”

RAMON APOLOGIZES. Sa video naman ni "ariepogi" sa YouTube, ipinakita ang ginawang paghingi ng dispensa ni Ramon sa mga taga-Davao.

Sabi ng komedyante, “I’m here in front of you to say my apologies because sinabi ko na maraming hipon dito.

"Nahihiya po ako sa inyo kasi you welcomed me here in your beautiful city."

Sinubukan din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng karagdagang pahayag si Ramon tungkol sa isyu, ngunit ayon sa kanya, palilipasin na lang daw muna niya ito at hindi pa siya handang magsalita.

UPDATE. Ginamit na rin ni Ramon ang kanyang Instagram account upang iparating sa kinauukulan ang kanyang taos-pusong paghingi ng paumanhin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN