Dr. Manny Calayan happy about reinstatement of Hayden Kho’s license

Dr. Manny Calayan on joining politics: “Mas okay na ito, simple lang, ayoko ng... mas maintriga yung politics kaysa sa ganito.”


Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dr. Manny Calayan kung ano ang masasabi niya sa pagkakabalik ng lisensiya ni Hayden Kho Jr.

Si Hayden ang dating boyfriend ng masasabing "karibal" ni Dr. Calayan sa larangan ng pagpapaganda na si Dra. Vicki Belo.

Sagot niya, “Aba, siyempre as a colleague, I’m very happy for him!

“At least, doktor na ulit siya and back to circulation na.

"And advice ko lang na tutok na lang siya sa profession as a doctor.”

Focused na rin umano si Hayden sa pagiging isang Christian.

Reaksiyon dito ni Dr. Calayan, “Better, much better!

"Yun nga, ’di ba, mas maganda ang nangyari sa kanya, mas na-transform siya, so iyon nga.

“Nagkita kami, kinongrats ko lang. Sabi ko, ’Keep up the good work na lang.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dr. Calayan sa launching ni Solenn Heussaff bilang pinakabagong celebrity endorser ng Calayan Surgicentre.



U.S. BASED. Itinanggi ng celebrity cosmetic surgeon na si Dr. Calayan ang balitang magma-migrate na siya at ang kanyang pamilya sa Amerika.

Sabi niya, “No, no, no! I will never leave Manila, I will never leave Manila.

"I will never leave the Philippines for the rest of my life.”

Para sa kanya, nasa Pilipinas ang greener pastures.

“Nandito pa rin naman ang business, mas greener pa dito kaysa sa Amerika!” tawa niya.

Ang asawa niyang si Dra. Pie Calayan naman ay kasalukuyang nasa Australia, dahil doon mag-aaral ang kanilang pangalawang anak, although sa Amerika talaga naka-base ang mga ito.

“Ako naman, binibisita ko sila every two months.”

May branch din ang Calayan Surgicentre sa U.S. at doon naman nag-aaral ang isa pa nilang anak.



NOT JOINING POLITICS. Samantala, itinanggi rin ni Dr. Calayan ang usap-usapang tatakbo siya sa pulitika sa 2016.

“’Pag sinabi sa akin ni Manny Pacquiao, Manny and Manny tandem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, joke lang!” tawa niya.

“Hindi, hindi, hindi... Why not? Pero ayoko, e.

“Ako, masaya na ako sa ganito, and then pagagalitan ako ng nanay ko!

“Mas okay na ito, simple lang, ayoko ng... mas maintriga yung politics kaysa sa ganito.”



BIG HEART. Isang bagong endeavor naman ang papasukin ni Dr. Manny via Big Heart, na mala-Wish Ko Lang! ni Vicky Morales ang dating.

Ipalalabas sa September sa GMA News TV, co-host ni Dr. Manny sa show na ito si Jessa Zaragoza.

Layunin ng show na makatulong hindi lamang sa pagpapaganda kundi maging ang mga biktima ng kalamidad at kahirapan.

Kamakailan ay naging laman ng balita si Dr. Calayan dahil sa kanya tumakbo ang isang babaeng nagkaroon ng problema sa dibdib nitong ipinaopera sa isang fly-by-night doctor kaya nagkaroon ng kumplikasyon.

Si Dr. Calayan ang umayos sa problema.

Sabi niya, “Naaayos naman natin, kaya lang, nakaka-frustrate lang na wala tayong regulation dito sa Philippines na kung sino lang ang dapat gumawa.

“At kung yung ginagamit ba ay tama para sa tao talaga.

"Kasi kami naman, as doctors, nahihirapan din kaming mag-ayos ng ganun, ’di ba?

“Nakakainis yung ganun. Kasi kami, nag-aral kami ng ilang taon, gumastos, nag-aral, nagpakapuyat, nagpakahirap para tumulong sa tao.

“Kasi itong mga fly-by-night na ito, para lang magkapera.

“Kaya kami naaasar, nagagastusan yung pasyente.

“Kaya daw sila pumupunta doon kasi mura, nagkayayaan lang.

“O, tapos ngayon kami ang mag-aayos.”

Nakaka-flatter ba iyon na siya ang tinatakbuhan ng mga nagkakaroon ng problema?

Natatawang sagot niya, “Yes, nakaka-flatter, pero mahirap din!

“Kasi hindi lahat, tinatanggap ko.

"Halimbawa, sirang-sirang-sira na, hindi na puwede.

"So, hindi na talaga."

Ang fly-by-night doctors ay nagsasagawa ng fake na operasyon ay tire black ang ginagamit at hindi tunay na silicone.

Mas mura kasi ang tire black na ang gamit talaga ay pampakintab ng gulong ng sasakyan kaya napakadelikado sa tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi sila mag-usap ni Dra. Vicki Belo at iba pang licensed beauty doctors para maiwasan na ang mga ganitong pangyayari?

Sabi ni Dr. Calayan, “Binring-up na namin ’yan sa Philippine Medical Association na nga at, ayun, nagmi-meeting na ngayon kung paano ipapapulis ’yang mga ganyan.

“Plano nga naming pumunta sa Kongreso para i-bring up din ’yang isyu na ’yan.

"Kasi ang hirap din, e, ang hirap din."

ENDORSERS. Paano naman niya napili si Solenn bilang bagong endorser nila?

Sagot niya, “Solenn is perfect! Perfect for Calayan.

"Very slim body, very pretty and very sleek and classy.”

Bakit ngayon lang?

“Hindi ngayon lang, matagal na rin, kaya lang naging busy lang ako for getting other endorsers.

"Naging busy ako with our consumer products and business expansion.”

Saad pa niya tungkol kay Solenn, “Masarap kausap, hindi maarte, hindi demanding.

"Si Solenn, kaya nagustuhan ko, namimili rin ako ng mga down-to-earth na [endorser].

“Napakasimpleng tao, mabait.”

Ayon pa rin kay Dr. Manny, “Ganito naman tayo lagi ’pag may ilu-launch, ’di ba?

"Kaso lang, for the last two years, naging busy kami with the consumer products, yung soap namin na nilabas.

“And also, we’re expanding more branches now, so siyempre nag-strategic planning muna.

"And since maglalabas na sila, yung mga branches, nandito na naman tayo.

“And the consumer products naman are stable na, nasa market na, so I think this is the right time to launch again.”

CHARICE. Pagkatapos ni Solenn ay may plano silang kunin ang isa pang endorser, this time ay isang male celebrity. Pero sikreto pa raw kung sino iyon.

Si Charice naman ay nasa Calayan Surgicentre na rin for almost six months na.

“Pero hindi ko pa siya nilu-launch.”

Wala pa rin daw kontrata sa kanya si Charice.

Hindi naman daw siya apektado sa mga naging isyu ni Charice, partikular na ang pag-a-out nito bilang isang lesbian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako naaapektuhan kasi Charice is Charice, kahit na anong sira pa.

"Ang daming bashers diyan talaga. The more bashers the more sikat ka."

Dahil ang Belo Medical Group ay may Femilift (na pampasikip ng kaselanan ng isang babae), may nagtanong kay Dr. Calayan kung sa clinic ba nila ay walang ganoong procedure.

“Meron, meron, we also do that, pero I do that surgically. Para mas masikip.”

Tawa lamang ang naging sagot ni Dr. Manny kung sinong artistang babae ang nais niyang kuning endorser para sa nabanggit na procedure.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN