Diva Montelaba on ex-boyfriend Steven Silva: "We’re not good friends, but we’re okay.”

Diva Montalva likes her role in Ang Dalawang Mrs. Real and is thankful that the offer came just when her last teleserye Villa Quintana was ending.


Nasa dating stage daw ngayon ang StarStruck V alumna na si Diva Montelaba, pero wala raw siyang boyfriend.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m dating, non-showbiz. Pero walang lovelife.”

Gaano na katagal ang dating stage?

“A couple of months... I’ve been single for a year plus.

"Gusto ko lang din mai-share na ang sarap ng experience ng single.

"I’ve been in a relationship for four years. Kapag naging single ka, masakit siya sa una, mahirap.

“Pero, eventually, makikita mo ang positive side ng maging single.

"Doon mo mari-realize na mai-spend ko ang time na puwede ko pa lang magawa ang isang bagay na hindi kailangang may boyfriend.

“’Tapos, ang dami kong time na nai-spend sa mga friends ko.

"All the while, nandiyan lang pala ang mga friends ko pero nami-miss ko sila. Kasi nga, yung time ko."

EX-BOYFRIEND. Ang tinutukoy ni Diva na karelasyon niya sa loob ng apat na taon ay ang ka-batch niya sa StarStruck V at itinanghal na Ultimate Male Survivor na si Steven Silva.

Kumusta sila ni Steven ngayon?

Sagot ng 23-year-old actress, “We’re okay.

"As much as possible, we’re keeping it casual.

"Hindi ako plastic. Hindi ko sinasabing okey kami, alam mo yun?

"We’re not totally okay.

“For me, in my humblest opinion, we’re not totally okay, we’re not good friends, but we’re okay.”

Wala naman siyang naging pagsisisi sa naging relasyon nila?

“Wala,” sagot ni Diva.

“At hindi lang din sa relationship ko, kahit saan, kahit anong failure sa life mo, hindi ako nagre-regret talaga.

"Kasi, you’ll never know, alam mo yun, kung anong meron ka, hindi naman mangyayari yung failure na yun.

“Basta, ang sarap maging single talaga, grabe.”

ANG DALAWANG MRS. REAL. Malaki naman ang pasasalamat ni Diva na nakasama siya sa primetime series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon daw kasi siya ng pagkakataong makasama at makatrabaho ang magagaling na artista; kabilang na ang mga bida sa teleserye na sina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes.

Sabi ni Diva, “Nakaka-inspire siya.

"Kahit pagod na pagod na kami, nakaka-inspire pa rin mag-work.”

Hindi man daw siya nakaka-relate sa kuwento ng teleserye, "Kapag nakikita ko si Lovi, ramdam ko siya.

"Meron din akong kilala sa totoong buhay ko na may ganung sitwasyon kaya siguro nakikita ko siya.

"Not as may dalawang pinakasalan, pero same scenario na dalawa sila.

“Ang ganda ng story, sobra.”

Gusto rin daw niya ang kanyang karakter sa Ang Dalawang Mrs. Real.

“Opo, gusto ko, at saka nagkaroon ng part sa story na nagustuhan ko.

"Kasi, ako yung naging konsensiya niya [Lovi as Sheila] talaga.

"Actually, isa ko sa nag-push na kausapin niya si Ms. Maricel, si Millet, to tell the truth.

"So, medyo naging konsensiya ako for a while.”



CONFLICT. Nagulat naman si Diva nang tanungin namin kung totoong nagtampo siya na hindi siya nakasama noong magkaroon ng press conference ang Ang Dalawang Mrs. Real.

“Paano mo nalaman ‘yan?” natawang sabi niya.

Paliwanag ni Diva, “Hindi naman nagtampo, pero ang nangyari kasi, may Villa Quintana pa ako noon.

"May time na pinagsabay ko ang taping... thank God for the blessing.

"Late na na-finalize na ako ang i-cast nila, kasi nga, parang nagkaroon ng factor na dapat Cebuana.

"E, ilan lang kaming Cebuana na artists.

“’Tapos, hindi pa nila ako 100 percent ma-consider, kasi may Villa Quintana pa ako.

“Ayaw rin nilang may conflict, so nag-pictorial na lahat, hindi rin ako nasali.

"Kasi nagti-taping ako, hindi pa sure kung sino.

"So, since wala akong poster, it’s awkward for me to attend the presscon."

Nagtampo nga ba siya?

Pag-amin ni Diva, “Noong time lang na yun, parang nagkaroon lang ako ng feeling na, ’Bakit hindi ako kasali sa presscon?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero regardless kung nasa presscon ka o wala, ang ganda ng role ko.

"Ang ganda ng exposure ko sa show, it’s enough for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN