The Voice Kids winner Lyca Gairanod overwhelmed by instant fame in showbiz

Lyca Ganairod gearing up for her projects after The Voice Kids: “Meron po kaming album, pero bawal po sabihin. Pati teleserye, pero bawal po namin sabihin," says Lyca in an interview at the media launch of the 5th anniversary of Resorts World Manila earlier today, August 19.


Handa nang sumabak sa showbiz ang kauna-unahang The Voice Kids grand winner na si Lyca Gairanod, 9.

Noong nakaraang Sabado, August 16, pinagbidahan ni Lyca ang kuwento ng kanyang sariling buhay sa Maalaala Mo Kaya (MMK).

Dito ay ipinakita ang pangunahing pinagkakakitaan ng ama ni Lyca bilang mangingisda, habang nangangalakal naman ng basura ang kanyang ina at pati na rin silang walong magkakapatid.

Sa media launch ng ika-limang anibersaryo ng Resorts World Manila kanina, August 19, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal si Lyca tungkol dito.

Ayon sa 9-year-old The Voice Kids champion, halu-halong emosyon ang naramdaman niya nang mapanood ang kanyang sarili sa naturang MMK episode.

Sabi niya, “Kalahati lang po yung napanood ko.

“Para pong nakakatawa. Pero dun po sa acting, para pong nakakalungkot.”

Isa sa mga nakakaantig na eksena ay nang ninakaw ang kabibili nilang sidecar nang minsang nangalakal sina Lyca at ang kanyang Kuya Philip.

Nang malaman ito ng kanilang ina ay napahagulgol ito sa sobrang panghihinayang dahil matagal nilang pinag-ipunan ang gamit-gamit nilang sidecar.

Para makatulong sa pamilya, boluntaryong kumanta si Lyca sa isang general assembly habang hinihintay ang pagdating ng alkalde ng Cavite.

Nakatanggap ng kaunting pera bilang pabuya si Lyca para sa kanyang magandang performance, at mula noon ay naimbitahan na siyang kumanta sa mga pagtitipon sa kanilang lugar.

Bukod sa MMK, may mga nakapila nang proyekto si Lyca, na matagal nang pinangarap na maging sikat na artista upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

“Meron po kaming album pero bawal po sabihin, pati teleserye, pero bawal po namin sabihin,” pahayag ni Lyca nang tanungin kung ano ang mga susunod niyang pagkakaabalahan.

NEW TOYS, GIFTS. Isa rin sa mga pagbabago sa buhay ni Lyca ay ang samu’t saring regalo na natatanggap niya.

Isa na rito ang ibinigay na iPad mini ni Kris Aquino kay Lyca.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Parang excited ako nung wala pa po akong iPad. Excited ako makuha.

"Minsan po yung si Pooh ang nilalaro ko. Wala pa po akong Flappy Bird.”

Ngunit madalas ay abala sa ibang gawain si Lyca kaya’t nami-miss na raw niyang makalaro ang kanyang mga kapatid.

“Gustung-gusto ko na makalaro mga kapatid ko.

“[Hindi kami makalaro] kasi po yung mga laruan namin mga bagong bigay lang po.

“Gusto ko rin po yung mga bago, kaso po yung mga bago, wala pa pong battery,” nakakaaliw na kuwento ni Lyca.

Ano pa ang mga gusto niyang bilihin ngayong mag-aartista na siya?

Sagot ni Lyca, “Ang mga gusto ko po bilhin, mga laruan na mga gusto ng kapatid ko.”

Sa huli, hindi nakaligtaang batiin ni Lyca ang mga kapitbahay niya sa Amaya, Tanza, Cavite, at pati na rin sa kanyang mga kapatid.

Special mention ang nakakatandang kapatid niyana naghikayat sa kanyang sumali sa The Voice Kids Philippines.

“Lalung-lalo na, hello, Kuya Jason! Thank you, sabi mo sumali ako dito.

"Kung hindi dahil sa ’yo, hindi magkakaganito. Maraming-maraming salamat talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN