Angeline Quinto on critics of relationship with Erik Santos: "Hindi naman po ako tangang tao para paglaruan yung nararamdaman ko."

Aminado si Angeline Quinto na nagsisilbing inspirasyon niya ang kapwa singer na si Erik Santos. Sabi niya, “Alam mo yung feeling na bago ka magtrabaho, maiisip mo yung tao na nagpapasaya sa iyo. Kaya lalo kang gaganahang magtrabaho.”


Ikinatutuwa ni Angeline Quinto ang mga natatanggap na papuri dahil sa magandang aura niya ngayon.

Ayon sa actress-singer, ramdam lang niya sa sarili na masaya siya kaya lumalabas ito sa kanyang aura.

Isa pa, kuntento siya sa estado ng kanyang career, lalo’t sunud-sunod ang kanyang mga trabaho.

Nabanggit din niya ang kanyang pamilya na maayos naman daw ngayon kaya wala siyang alalahanin.

Hindi ba kasama sa nagpapaganda sa kanya ang rumored boyfriend niyang si Erik Santos?

“Nahihiya ako,” kiming sagot ni Angeline.

Nang ulitin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tanong kung kasama ba si Erik sa nagpapasaya sa kanya ngayon, mabilis itong sumagot.

Sabi niya, “Oo naman. Alam naman niya yun at alam ng lahat yun, oo.”

Ano ba yung alam ng mga tao na alam din nila tungkol sa kanila ni Erik?

“Uhm… masaya naman kami together at kahit paano…

“Kasi nililinaw ko rin po yung mga issue dati na hindi raw kami nagkaintindihan. Hindi naman po totoo yun.

“Ang akin lang, nagkaroon lang po ng time na may nanligaw sa akin. Medyo nag-lie low ako.

“Kasi nga, inaasar niya ako minsan about doon sa non-showbiz na nanligaw po.”



ANGELINE’S SUITOR. Hindi nabanggit ni Angeline noong nagpapalipad-hangin si Erik sa kanya na may manliligaw siya.

Paglilinaw ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs, kay Kris Aquino niya sinabi ang tungkol sa kanyang manliligaw.

Kuwento pa niya, “Kaya nga po si Ate Kris po, every time na nagkikita kami, lalo po ‘pag ini-interview niya ako nang live, ayun po, tinatanong po niya tungkol doon.

“Pero hindi naman po yun ang dahilan ng tampuhan namin ni Erik.

“Nag-lie low po ako. Pero okey naman na ngayon.”

Ano ang nangyari sa manliligaw niya? Nagkatuluyan ba sila?

Sagot ni Angeline, “Hindi po. Actually, hindi.

“May mga bagay lang po ako na na-discover. Hindi ko rin nagustuhan yung iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayun.”



REAL SCORE. Ano na ang estado ng relasyon nila ngayon ni Erik?

“Kami ni Erik... kinikilig ako!” sabay tawa ni Angeline.

Dagdag niya, “Kasi hindi naman po talaga kami.

“Parang nandun kami sa stage na getting to know each other po.”

Paanong “getting to know” samantalang matagal na silang magkaibigan?

Paliwanag ng ASAP mainstay, “Yung getting to know po, kung ano po yung mga bagay rin na kailangang malaman about sa kanya at sa akin rin, na minsan nadi-discover namin yun every time na magkakasama kami.”

Paano nagsimulang magkaroon sila muli ng oras, magkaintindihan, at magka-bonding?

Sagot ni Angeline, “Yung medyo wala po akong out of town.

“Madalas po kaming nagkakasama at saka parehas rin kami ng management, sa Cornerstone. Co-management ang Cornerstone and Star Magic.

“Nagkalapit po kami nung naging talent po ako ng Cornerstone this year po.”

Anu-ano ang mga pinag-usapan nila nang magkaroon sila ng time na makapag-usap nang masinsinan?

“Kapag wala kaming trabaho or yung blessing ng bahay. So, nagpunta siya dun.

“Late na rin siyang dumating, kasi may pinanggalingan siyang show.

“Kuwento-kuwentuhan lang kung anu-ano yung mga bagay na nagpapasaya sa kanya, nakakapagpalungkot.

“’Tapos minsan, napag-uusapan din namin yung past namin.”



MAGKAUNAWAAN. Paano niya ilalarawan ang status nila ngayon, gayong sinabi niyang hindi pa sila?

“Uhm, opo… hindi pa po kami.

“Nagkakaunawaan po kami, pero totally hindi pa kami magkarelasyon.”

May feelings ba siya para kay Erik?

Sagot niya, “Alam naman niya po yun. Pero kung ako naman po ang personal ninyong tinatanong, oo naman po.”

Handa na ba siyang magkarelasyon?

“Ako, ready? Sa tingin ko, oo.

“Kasi, kumbaga, sa dinami-dami ng mga pinagdaanan ko rin po, parang ngayon lang din ako naging happy nang ganito.

“After nung namatay yung tatay ko, parang naramdaman ko po si Erik, na never akong iniwan nung time na depress na depress ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ayun. Thankful naman ako na nandiyan siya.”

Ang mga bagay na ito ang nakapagpa-realize sa kanya na puwede niyang maging boyfriend si Erik?

Tugon ni Angeline, “Oo.

“Anytime po dati na gusto ko siyang tawagan, pinupuntahan po niya ako. Na-touch ako doon.

“Hanggang sa lumalim nang lumalim ang friendship.

“Actually, hindi ko naman po ini-expect na magkakaganyan.”

Kailangan pa bang manligaw ni Erik sa kanya kahit magkaibigan na sila?

“Opo naman. May mga time po kasi na nagkakahiyaan kami, na parang minsan yung mga biro niya, akala ko biro lang.

“Nagbibiro pa rin siya ngayon, pero may mga moment na seryoso kami sa isa’t isa na kaming dalawa lang po ang nakakaalam nun.”

Paano siya pinasasaya ni Erik?

“Tawagan, every time na nasa ibang bansa siya. Naa-appreciate ko naman yun.

“Palagi niya akong ginu-good luck sa mga trabaho ko. Kaya inspired.

“Alam mo yung feeling na bago ka magtrabaho, maiisip mo yung tao na nagpapasaya sa iyo.

“Kaya lalo kang gaganahang magtrabaho.”



DOUBTERS. Ano ang masasabi niya sa mga taong hindi naniniwala sa relasyon nila dahil sa gender issue nilang dalawa ni Erik?

Saad ni Angeline, “Actually, ang dami ko pong naririnig na ganyan.

“Isa lang naman po ang masasabi ko sa mga taong nagsasabi na hindi totoo o ginagamit lang namin ang isa’t isa…

“Masasabi ko po na hindi naman po ako tangang tao para paglaruan yung nararamdaman ko, ‘di po ba?

“Lalo na ‘pag personal na bagay gaya nito, lovelife. Tagal ko kasing walang ganun.

“So, ang sa akin lang po, huwag nilang bigyan ng mas… kumbaga, parang negative comments yung mga bagay na nagpapasaya sa ibang tao.

“Hindi ko rin naman po masisisi yung ibang tao, kaya sana po maging masaya na lang po sila para sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN