Maricar de Mesa claims estranged hubby Don Allado has another woman since before their separation

Maricar de Mesa says that she has been getting reports alleging that her estranged husband, Don Allado, has been involved with another woman from the time they were still together.


“Yung poot, yes, oo, meron pa. Hindi agad mawawala ‘yon.”

Ito ang pahayag ng aktres na si Maricar de Mesa tungkol sa kanyang nararamdaman ngayon tungkol sa estranged husband na si Don Allado, isang professional basketball player.

Dagdag niya, “Can I just say, I don’t follow him anymore sa lahat ng mga accounts niya [sa social media]?

“Dahil sa poot, pinipilit ko pang gawin ‘yon [mag-move on].

“Sana mag-behave siya dahil yung mga nakakarating sa aking mga bali-balita, medyo hindi nakakatuwa.

"Hindi ako happy sa mga ‘yon.

"Pero siyempre, sabi nga nila, kailangan mag-move on."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Maricar sa Converse Fall 2014 Collection launch kahapon, Martes, August 19.



ANOTHER MARICAR? Inusisa si Maricar kung ano ang mga naririnig niyang bali-balita tungkol kay Don.

“Third party. Yun na lang…” maiksi niyang sagot.

May third party noong sila pa?

“Yeah,” mahinang sagot ni Maricar.

Nang kumpirmahin ni Maricar ang paghihiwalay nila ni Don noong Mayo, sinabi ng aktres na hindi third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Read: Maricar de Mesa confirms split from husband Don Allado

Ngunit ngayon ay iba na ang pahayag ng aktres.

Sabi pa ni Maricar tungkol sa diumano’y karelasyon ni Don, “Non-showbiz siya, pero kilala ko siya.

"Hindi ko siya kaibigan pero acquaintance. At the same time, pareho yata kami ng pangalan."

Mayroon ba siyang intensiyong kausapin si Don tungkol dito o kaya ay ang tinutukoy na babaeng nali-link sa cager?

“Wala, I don’t wanna go down to their level,” sagot ni Maricar.

May plano ba siyang dalhin sa korte ang reklamo niya kung totoo mang nagkaroon ng affair si Don sa iba habang nagsasama pa sila?

“Yung court part, hindi ko pa alam. I have not really spoken with my lawyer yet about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko alam, baka hindi na, para sumaya na ako, para gumaan na yung pakiramdam ko.”

Inusisa rin si Maricar kung ano ang gagawin niya kung sakaling mag-krus ang landas nila ni Don.

“Sana huwag kaming magkita. Hindi ko talaga siya kayang makita. Huwag siyang magpakita sa akin,” may halong gigil na sabi ni Maricar.

Sa obserbasyon niya, wala ring intensiyon si Don na makipag-ugnayan sa kanya.

“I don’t think so. The way I’m seeing him, parang he doesn’t care at all with what’s happening, with how and what I am feeling.”


MOVING ON. Sinabi rin ni Maricar na nakapag-file na sila ni Don ng kaso tungkol sa hatian ng kanilang mga ari-arian bilang mag-asawa.

Kung may nababalitaan si Maricar na may nai-involve nang babae sa kanyang estranged husband, mayroon na ba siyang lalaking nahihingaan ng sama ng loob na posibleng mauwi sa relasyon?

Sagot niya, “Romantically, wala. Definitely ’di pa ako ready sa ganun.

"Pero, of course, I have my true friends ngayong nag-down time ako. ’Andiyan sila sa tabi ko.

"They stood up for me. Ipinaglaban nila ako. Nandiyan lang sila sa tabi ko.

"Kilala ko kung sino ang mga ‘yon."

Iniisip na rin daw ni Maricar na umalis sa bahay nila ni Don ngayong siya na lang ang nakatira rito.

“I still live in my own house. Siya yung pinaalis ko sa bahay.

“I want to move out. I can’t be there."

Kailan niya balak umalis sa bahay?

“In a few months. It’s what I’m working on right now.”

Sa trabaho raw muna itutuon ni Maricar ang kanyang atensiyon. May planong maging bahagi siya ng isang pelikula para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN