Carla Abellana clarifies statement about forgiving: "Wala akong gustong tamaan or anything."

Carla Abellana on Tom Rodriguez: "He knows yung totoong Carla, he knows what I’m capable and not capable of doing. At saka, unfortunately, minsan nadadamay rin siya. Thankful ako na kahit papaano, mayroon akong leading man, mayroon akong partner na kilala ako at kayang magsalita for me, dine-defend ako."


Tikom na ang bibig ni Carla Abellana pagdating sa kanyang nakaraang relasyon.

Noong nakaraang linggo lamang ay naging usap-usapan ang komento niya tungkol sa pagpapatawad sa dati niyang boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Dahil dito ay may mga nagbigay ng reaksiyon at binatikos si Carla.

Read: Carla Abellana on forgiving ex-boyfriend Geoff Eigenmann: “Sino ba tayo para mag-hold ng grudges?”

“Wala na. Ayaw ko nang pag-usapan,” nakangiting sabi ni Carla sa entertainment reporters na dumalo sa red-carpet premiere ng pelikulang Somebody to Love kagabi, August 19, sa SM Megamall.

Para sa 28-year-old actress, ayaw na niyang muling ma-misinterpret ang kanyang mga sinasabi.

Pahayag ni Carla, “Actually, sanay na ako na nami-misinterpret.

“Wala akong gustong tamaan or anything.

“I don’t regret naman anything that I say or I do.

“Nasa kanila na lang ‘yon if they misinterpret it or they misunderstand.”

Ngayon, mas magiging maingat na raw si Carla sa kanyang mga sasabihin.

Aniya, “Kasi ayaw ko na talaga na feel nila na sila yung napag-uusapan or sila ang pinatatamaan. Iwas na lang.”

Inulit pa niya na hangga’t maaari, hindi na siya magbibigay ng anumang reaksiyon patungkol sa kanyang dating boyfriend.

“Hindi na ako aware, at talagang iwas na ako.

“It’s a choice, e. Number one, happiness is a choice.

"Always think positivity and always be happy."

CLOSER WITH TOM. Samantala, hindi naman naiwasan ng press na tanungin si Carla tungkol sa kanyang My Destiny co-actor na si Tom Rodriguez, na personal niyang inimbita sa premiere night ng Somebody to Love.

Sabi ni Carla, natutuwa siya sa pagdedepensa sa kanya ng kanyang current onscreen partner.

“Siguro kasi kilala na niya ako.

"He knows yung totoong Carla, he knows what I’m capable and not capable of doing.

“At saka, unfortunately, minsan nadadamay rin siya.

“Thankful ako na kahit papaano, mayroon akong leading man, mayroon akong partner na kilala ako at kayang magsalita for me, dine-defend ako,” saad ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat mas nagiging malapit na sila sa isa’t isa, pinaalalahanan naman ni Carla ang kanilang mga tagahanga na wala silang anumang romantic relationship.

Sabi pa niya tungkol sa fans na nag-iisip na maaaring may relasyon na sila ni Tom, “I guess, kasi natutuwa ang mga tao, may mga napapasaya kaming tao.

“At least, alam namin na nagagawa namin ang aming trabaho nang maayos.

“It’s flattering, pero hanggang diyan na lang muna, huwag muna sila masyadong mag-assume."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN