Derek Ramsay wants to establish a close relationship with 11-year-old son

Ilang beses nangilid ang luha ni Derek Ramsay habang kausap ng media kaninang umaga, August 20, sa Makati Prosecutor’s Office. Isinumite na ng aktor ang counter-affidavit niya sa reklamong inihain laban sa kanya ni Mary Christine Jolly kaugnay ng diumano’y economical and psychological abuse mula kay Derek.


Nagsumite na ng kanyang counter-affidavit si Derek Ramsay kaugnay ng reklamong inihain laban sa kanya ni Mary Christine Jolly.

Si Mary Christine ang babaeng pinakasalan ni Derek noong March 21, 2002 sa Balagtas, Bulacan.

Ang reklamo ni Mary Christine ay may kaugnayan sa paglabag diumano ni Derek sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act, partikular na ang "economical and psychological abuse."

Read: Derek Ramsay sued by former partner Mary Christine Jolly for alleged violation of R.A. 9262

Bandang alas-nuebe ng umaga ngayong araw, August 20, dumating sa Makati Prosecutor’s Office si Derek.

Kasama ng TV5 actor ang abugado niyang si Atty. Joji Alonso, ang manager niyang si Jojie Dingcong, at mga magulang na sina Derek Arnold Ramsay at Remedios Paggao Ramsay.

Isinumite ni Derek ang kanyang 50-pahinang counter-affidavit sa tanggapan ni Fiscal Erwin Dimayacyac, sa 19th floor ng Makati City Hall.

Hindi naman dumalo sa pagdinig si Mary Christine, at ang abugado niyang si Atty. Isaiah Asuncion ang nag-represent sa kanya.

Sandali lamang pinayagan ang media na makinig sa preliminary investigation at pinalabas na ang mga ito ng fiscal.



EMOTIONAL DEREK. Matapos ang lagpas isang oras, lumabas si Derek sa opisina ng fiscal at halatang mugto ang mga mata nito kahit may suot na shades.

Noong una, nakiusap ang Kapatid star na hindi na siya magbibigay ng anumang pahayag tungkol sa reklamong kinahaharap.

Pero kalaunan, pinaunlakan na rin niya ang ilang katanungan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

Bungad niya, “For now, I just really appreciate the support of my family and friends had given me. Magsasalita rin ako soon.

“You know, the truth will prevail, that’s all.

"Its hard to go back on something like this."

DEREK’S SON. Bago pa ang pagsumite niya ng counter-affidavit ay naglabas na ng statement ang kampo ni Derek, kung saan inamin na ng aktor na pinakasalan niya si Mary Christine noong 2002 at nagbunga ang kanilang pagsasama ng isang anak na lalaki, na ngayon ay 11 years old na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Derek Ramsay admits to marrying Mary Christine Jolly and having a son

Hanggang saan ang kaya ni Derek upang ipaglaban ang karapata niya sa anak?

Sagot niya. “I do whatever it takes, you know, whatever it takes to have a relationship with him.

"Basta you guys will find out everything soon enough."

Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP, hindi pa lubos nakakasama ni Derek ang anak na kasalukuyang nasa Dubai.

Minsan daw ay isang oras lang itong nakaka-bonding ng aktor.

Pero ayon kay Derek, “I’m not gonna speak ill about the mother of my child, but with that said, I have to face the allegations she’s throwing at me.

“And I don’t want to have conflict, I don’t want to fight with anybody.

"But if serious allegations like this are being thrown at me, and they are not true, I have to speak.”

Sa mga pangyayaring ito, ano ang nararamdaman niya ngayon para kay Mary Christine?

Sagot ng 37-year-old actor-TV host, “I don’t know... I’m not angry. I’m hurt.

“It’s not nice to go… dig into stuff like that… that was supposedly was taken care of.

"And I just want to get to know my boy and that, I think, in time, I will.”

Kumusta naman ang bonding moments nila ng anak noon?

Saad niya, “In the few moments that I had with him, it was great.

“At least I was able to introduce him to my family.

"But, yun nga, few moments lang.

"So, again, I have to fight this.

"And, hopefully, maybe they’ll see that this is not the way to go about things.

“For me, I’m looking for the best interest for the boy."

Isa sa inirereklamo ni Mary Christine ay ang diumano’y hindi na niya pagbibigay ng sustento sa kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero giit ni Derek, “Makikita niyo lahat ‘yan...

"I don’t want to speak ill of Austin’s mother again, there’s all the paper trail.”

Ang tinutukoy ni Derek ay ang bank transactions ng pagbigay niya ng sustento at iba pang mga pangangailangan ni Austin, na kalakip sa isinumite niyang counter-affidavit.

Sa puntong ito ay muling nangilid ang luha ni Derek, kaya nakiusap itong tapusin na ang interview.

Sabi pa niya, habang gumagaralgal na ang boses, “I don’t wanna see my boy talking... like, watching me in the camera like this.”



“TAKING IT DAY BY DAY.” Samantala, nilinaw ng abugado ni Mary Christine na si Atty. Isaiah Asuncion na hindi umiwas ang kanyang kliyenteng magkasalubong ang landas nila ni Derek kaya hindi ito dumalo sa pagdinig ngayong araw.

Hindi raw required ang presence ni Mary Christine sa pagdinig ngayon.

Tumanggi naman si Atty. Asuncion na magkomento tungkol sa isinumiteng counter-affidavit ni Derek.

Aniya, “We refuse to comment on the merits of the case. What we will do, we will file a reply-affidavit to answer the counter-affidavit.”

Kumusta na ang kanyang kliyente ngayon?

Sagot ni Atty. Asuncion “Well, she’s taking it day by day and she’s hoping we’ll attain justice in this case.”

Diretsong tinanong ng PEP ang abugado kung may katotohanan bang nagde-demand ang kanyang kliyente ng P45 million mula kay Derek.

Tugon nito, “We would not comment. That is the directive of our client.”

Sa September 4, 2014 isusumite ni Mary Christine ang kanilang reply-affidavit, at tiniyak ni Atty. Asuncion na darating ang kliyente.

Read: Derek Ramsay’s camp insists allegations of Mary Christine Jolly are "all lies"

Ngayong araw ay nag-post din si Derek sa kanyang Instagram ng tungkol sa "ignorance, acceptance, at weakness."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN