Gabby Eigenmann speaks up about health condition of dad Mark Gil

Inamin ni Gabby Eigenmann na bagamat maganda ang pagtanggap ng mga manonood sa pinagbibidahan niyang soap na Dading, nag-aalala pa rin siya kung may kasunod na siyang proyekto pagkatapos nito. Pahayag ni Gabby, “I am not worried on what role to portray, but the work, kasi ayokong mabakante... Yung worry ko naman is, ’Ano kaya ang susunod?’ But for whatever it is, I just feel so blessed na nabigyan ako ng ganitong pagkakataon at maganda ang


Ang pag-aalala niya sa kanyang susunod na television project, ang kalagayan ng kanyang 53-year-old father na si Mark Gil, at ang paghingi ni Aljur Abrenica ng paumanhin ang ilan sa mga isyung sinagot ni Gabby Eigenmann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Dading kaninang umaga, August 20.

Ang Dading ang top-rating afternoon program ng GMA Network na pinagbibidahan niya.

Sabi ni Gabby tungkol sa kanyang pinagbibidahang teleserye, “Nabigyan ako ng ganitong klase ng project.

“Siyempre, nasanay ako sa supporting role, so usually sa mga project, may next na agad.

“So, ang worry ko, what’s next?

“I am not worried on what role to portray, but the work, kasi ayokong mabakante.”

Dagdag niya, “Maganda ang ratings namin.

"Yung worry ko naman is, ’Ano kaya ang susunod?’

“But for whatever it is, I just feel so blessed na nabigyan ako ng ganitong pagkakataon at maganda ang feedbacks, ang comments.”



MARK GIL. Tungkol naman sa kanyang ama na si Mark Gil, may mga naglalabasang balita sa tunay na kalagayan ng kalusugan nito.

Ngunit pahayag ni Gabby, “Okey naman siya…

“Siyempre, he’s not getting any younger pero… basta he’s okay.

“Honestly, kaming lahat, laging tinatanong, basta okey siya.

“Marami ang nagsasabi, marami ang nagtatanong sa amin, but we always say the same—he’s okay.

“Nasa bahay lang siya, pahinga muna siya.”

ALJUR ABRENICA. Nalaman naman namin mula kay Gabby na nagkausap na sila ni Aljur Abrenica.

Humingi raw ng paumanhin ang kontrobersiyal ngayong Kapuso hunk tungkol sa naging isyu nila noon ng pinsan ni Gabby na si Geoff Eigenmann.

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Aljur at Geoff nang magkapareha ang huli at ang dating girlfriend ng una na si Kylie Padilla.

Nakapagsalita ng hindi maganda si Aljur tungkol kay Geoff dahil sa pagkakaugnay ng huli kay Kylie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Gabby, “Nakausap ko siya, siya ang lumapit sa akin.

“Mabait naman yung tao sa akin, mabait naman siya.

“Pero kung anuman ang naging rift nila ni Geoff, whatever things he said, siyempre naapektuhan din yung family.

“Sabi ko, pareho naman kami na lalaki. Wala naman sa amin ‘yon.

“Siya ang lumapit, he apologized for whatever…

“Ako naman, nakikinig lang ako. He apologized sa family.”

Patuloy niya, “Kasi two Sundays na kaming nagkikita, hindi talaga kami nagpapansinan.

“He also apologized for that because hindi niya alam kung kailan siya magiging ready to face or to apologize.

“Sabi ko, that was good for him na lumapit, pero sabi ko, hindi ako…. Hindi naman dapat ako, e.

“Sabi ko, sa akin, wala ‘yon, kasi hindi naman ako... si Geoff.

“Honestly, si Geoff naman doesn’t care, kasi ikinuwento ko kaagad sa kanya.

“Sabi ko, ‘Geoff nilapitan ako, kinausap ako.’

“Honestly, it was never an issue naman.

“’A, okay,’” sabi ni Geoff.

“Si Geoff naman, wala talagang pakialam ‘yan.

“He kept his mouth shut. Kung anuman ang mga isyu sa kanya, tahimik lang siya.

“Hindi naman kami sanay sa ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN