Judy Ann Santos on Sharon Cuneta’s depression: "She’s coping, she’s trying to work things out."

Positibo si Judy Ann Santos na malalagpasan ng kaibigang si Sharon Cuneta ang nararanasan nitong depression ngayon. Pahayag ni Judy Ann tungkol sa Megastar, "All I can say now is ang daming acceptance and realization ni Ate. She’s doing good, she’s doing well. Ang hinihingi niya lang siguro ngayon sa mga tao is understanding and prayers na ma-overcome niya yung struggles na pinagdadaanan niya."


Isa si Judy Ann Santos sa unang nakaalam na nakararanas ng depresyon ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Sa Facebook account ni Sharon noong Lunes, August 18, isang emosyunal na open letter ang ibinahagi nito sa kanyang mga tagahanga.

Kabilang sa post ng Megastar ang paghingi niya ng paumanhin dahil sa pagpapabaya niya sa sarili, na sa tingin niya ay pagbigo niya rin sa kanyang mga masugid na tagahanga.

Read: Sharon Cuneta apologizes to her fans: "I feel that I have let you down. I let myself go, I allowed myself to get fat and stay fat."

Bago ang Facebook post niyang ito, ibinahagi ni Sharon na pumunta si Judy Ann at asawa nitong si Ryan Agoncillo sa kanilang bahay para damayan siya sa kanyang nararamdaman.

Inamin naman ito ni Judy Ann nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na dumalo sa press conference ng bago niyang reality show sa ABS-CBN, ang I Do, kaninang tanghali, August 20.

Saad niya, "Hindi naman nawala yung communication namin ni Ate Sharon, nagte-text-an kami once in a while.

"Pero hindi lang din talaga kami nagkikita.

"That Monday [August 18], nag-decide ako na puntahan na talaga siya kasi matagal na kaming hindi nagkikita.

"Para lang makumusta, para lang makapag-usap, makipagkuwentuhan... ganun naman kami.

"Ako, I’m very grateful na hanggang ngayon ay na-preserve ko ang friendship namin, kasi it’s something na hindi mo makikita sa ibang tao."

Nagsimula ang pagkakaibigan nina Judy Ann at Sharon nang magsama sila sa pelikulang Magkapatid noong 2002.



SHARON IS OKAY. Sa presscon kanina, kinumusta ng PEP kay Judy Ann ang itinuturing niyang ate sa showbiz.

Tugon ni Judy Ann, "She’s doing okay. She’s coping, she’s trying to work things out.

"She said naman in her post na medyo nandun siya, dumaan siya sa state of depression and state of loneliness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero all I can say now is ang daming acceptance and realization ni Ate.

"She’s doing good, she’s doing well.

"Ang hinihingi niya lang siguro ngayon sa mga tao is understanding and prayers na ma-overcome niya yung struggles na pinagdadaanan niya.

"And that’s why we’re here for her."

Ano naman ang naging advice niya kay Sharon?

"Ay, ang sabi ko lang sa kanya is, ‘Ate, go, halika na at tumakbo na tayo!’"

Bagamat nakararanas ng depresyon, tiniyak ni Judy Ann na hindi darating sa punto na magiging suicidal si Sharon.

"Siya mismo ang nagsabi na hindi mangyayari ‘yon.

"Depression can come in the ugliest form, ’di ba?

"Yung suicide moment, ‘yon ang isang bagay na hinding-hindi niya gagawin.

"Kasi knowing Ate, she’s better than that," sabi ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN