Derek Ramsay strongly denies allegations of Mary Christine Jolly in counter-affidavit

Sa counter-affidavit ni Derek Ramsay kaugnay ng inihaing reklamo laban sa kanya ng estranged wife niyang si Mary Christine Jolly, isa-isa at detalyadong kinontra ng aktor ang lahat ng alegasyon nitong nagpabaya siya bilang ama ng kanilang anak.

Makikita sa larawan si Derek, kasama ang kanyang abugadong si Atty. Joji Alonso, habang sinusumpaan ang isinumite niyang counter-affidavit sa harap ni Fiscal Erwin Dimayacyac, sa Makati City Prosecutor’s Office kahapon


Isa-isang sinagot ni Derek Ramsay ang mga alegasyon ng pang-aabuso at pagpapabaya diumano niya sa estranged wife na si Mary Christine Jolly at sa kanilang anak.

Sa isinumiteng counter-affidavit ni Derek kahapon, August 20, sa Makati Prosecutor’s Office, mariing pinabulaanan ng 37-year-old actor ang reklamong “economical at psychological abuse” ni Mary Christine laban sa kanya.

Hunyo ngayong taon, naghain si Mary Christine ng reklamo laban sa aktor na paglabag diumano sa R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act, sa Makati Prosecutor’s Office.

Dito ay idinetalye ni Mary Christine ang pang-aabuso diumano ng aktor sa kanya noong nagsasama pa sila, at ang pagiging iresponsable nitong ama sa kanilang anak na lalaki, na ngayon ay labing-isang taong gulang na.

Read: Derek Ramsay sued by former partner Mary Christine Jolly for alleged violation of R.A. 9262

HE SAID, SHE SAID. Nakasaad sa isinumiteng affidavit ni Mary ang diumano’y dinanas niya at ng anak na "emotional, psychological, and economic abuse" mula kay Derek

Mariin naman itong pinabulaanan ng aktor sa isinumite niyang 69-pahinang counter-affidavit kahapon.

Ayon kay Derek, taliwas sa alegasyon ni Mary Christine, siya ang nakaranas ng pang-aabuso mula rito.

Inilarawan ng aktor si Mary Christine sa pamamagitan ng mga sumusunod na katangian: “irresponsible and childish, had terrible mood swings and would get physically and verbally abusive when she would get mad, had violent tendencies, had no respect towards others, extremely possessive and paranoid.”

Nagbigay rin ng mga insidente si Derek kung saan nagpakita ng ganitong mga pag-uugali si Mary Christine.

“Whenever she was mad, she would physically abuse me, knowing that I would never retaliate. She would then deliberately dare me to do so.

“The worse part was when she would even inflict physical harm upon herself when I refused to react to her violent streak.”

Isa naman sa reklamo ni Mary Christine, base sa kanyang affidavit, ay "seloso, possessive, at demanding" daw si Derek nung nagsasama pa sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabaligtaran naman ito sa pahayag ni Derek sa kanyang counter-affidavit.

Ayon sa aktor, “She would often suspect me of womanizing whenever I went off to do a job, which is why there were countless occasions when she would accompany me to work.”

Dagdag pa niya, “She physically harmed me whenever she had fits of jealousy.

“She was always accusing me of womanizing whenever I go out of the house. Truth is, whenever I had no work, I would stay home.

“On one occasion… she hit me on the face with the heel of her shoe to prevent me from working.”

Kapag nagiging bayolente raw si Mary Christine, sinisira at winawasak nito ang mga gamit sa kanilang tinitirhang apartment noong nagli-live-in pa sila.

May isang pagkakataon din daw na nagkulong si Mary Christine sa loob ng apartment at nagbantang magpapakamatay.

Dito raw na-realize ni Derek na may suicidal tendency si Mary Christine.

Salaysay ni Derek, “When we were finally able to convince her to open the door and let us in, we saw blood profusely coming from her forearm.

“That was when we realized that she carved the words ‘I hate Derek’ with a knife on her forearm.”

Isa pang insidenteng ibinahagi ng TV5 actor, “On yet another instance, she was hanging by the window on the fourth floor of Makati Executive Suites, threatening to jump.”

Marami pang idinetalye si Derek sa kanyang counter-affidavit, kabilang na ang pambabastos at kawalang-galang daw ni Mary Christine sa mga magulang ng aktor.

Sa kabila ng mga ito, ninais pa rin daw ni Derek na maisalba ang kanilang pagsasama kaya niyaya niya itong magpakasal.

Nagpakasal sina Derek at Mary Christine noong March 21, 2002, sa Balagtas, Bulacan.

Read: Derek Ramsay admits to marrying Mary Christine Jolly and having a son



DEREK’S SON. Nakasaad din sa counter-affidavit ni Derek na mayroon siyang anak na lalaki kay Mary Christine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labing-isang taong gulang na ngayon ang kanilang anak.

Ngunit ayon kay Derek, may nauna pa sana silang naging anak ngunit ipinalaglag daw ito ni Mary Christine.

Sabi pa ng aktor, ayaw pa raw magkaanak ni Mary Christine noong mga unang buwan ng kanilang pagsasama dahil makakasira raw ito sa kanyang lifestyle.

Pagsisiwalat din ni Derek, hindi raw ito ang unang pagkakataong nagpalaglag si Mary Christine dahil napag-alaman niya na nagpa-abort na rin ito nang mabuntis ng dating karelasyon.

Noong 2011 lamang daw nakumpirma ni Derek, sa pamamagitan ng DNA test, na anak nga niya ang ipinagbuntis at isinilang ni Mary Christine sa Dubai.

Walong taong gulang na noon ang kanilang anak.

Mula nang makumpirma ni Derek na siya nga ama ng anak nila ni Mary Christine, apat na beses lamang daw niya itong nakasama—isang oras sa bawat pagkikita.

Ito ay taliwas sa kanyang visitation rights na iginawad ng korte.

Sa affidavit ni Mary Christine, sinabi nitong madalas daw wala sa bansa si Derek o kaya’y nasa trabaho o kapiling ng kung sinumang babaeng nakakarelasyon nito.

Hindi raw ito naging ama talaga sa kanilang anak.

Ngunit mariin itong kinontra ng aktor sa kanyang counter-affidavit.

Nakasaad sa kanyang sinumpaang salaysay ang ilang beses niyang pagtangka upang makasama ang anak na hinaharang daw ng ina nito.

Kalakip sa kanyang affidavit ang kopya ng palitan ng mensahe ng kanilang mga abugado at ang screen shot ng palitan nila ng text messages ni Mary Christine para sa pagkikita sana nila ng anak.

Lumalabas dito na tila pinapahirapan ang aktor na makasama ang anak dahil may mga kahilingan si Mary Christine na hindi naibibigay.

FINANCIAL SUPPORT. Mariin ding pinabulaanan ni Derek ang paratang ni Mary Christine na nagkulang siya o palaging nadi-delay ang pagbibigay niya ng sustento sa kanilang anak.

Saad ni Derek, "This is nothing but a blatant and deliberate lie. I have never been delayed in giving the financial support needed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In fact I always give the support expected of me SIX MONTHS IN ADVANCE.

"How will I then be delayed in making the payments if I have already given them in advance?"

Kalakip ng counter-affidavit ni Derek ang kopya ng mga resibo, money transfers, bank transactions, at iba pang mga katibayan para sa pag-aaral at iba pang mga pangangailangan ng anak.

Nakatanggap din daw si Mary Christine ng halagang limang milyong piso mula sa aktor bilang kabayaran sa paghahati nila ng mga ari-arian.

Maliban dito, humihingi rin daw si Mary Christine ng advance P45 million lump sum mula kay Derek para raw sa edukasyon, allowances, at kung anu-ano pang gastusin ng kanilang anak.

Maigting naman itong kinukuwestiyon at tinutulan ng kampo ni Derek.

Pahayag ng aktor, "It really saddens me that Complainant has resorted to making baseless claims in an attempt to obtain an undeserved financial windfall from me.

"It is obvious that this case filed by Complainant is nothing but an attempt to create leverage in staging her fervent desire to obtain her importunate demand for money and making me her personal Automated Teller Machine."

Kinuwestiyon din Derek ang nadiskubre nilang apat na beses na pagbibiyahe ni Mary Christine kasama ang kasalukuyan nitong boyfriend.

Samantalang isang beses lang nagbiyahe si Mary Christine at ang anak nila ni Derek

THE LAPTOP. Nakatala rin sa reklamo ni Mary Christine ang paghingi ng anak ng iPad noong ika-siyan na kaarawan nito na hindi pa raw natutupad ni Derek.

Sa halip, ang ibinigay raw ni Derek ay isang laptop na agad na nasira.

Nang palitan daw ni Derek ang nasirang laptop, ang ibinigay diumano nito ay ang lumang laptop ng dati nitong girlfriend na si Angelica Panganiban.

Dahil dito, naramdaman daw nilang tila ipinapahiwatig ni Derek na tanging mga tira-tira lang mula kay Angelica ang puwede nilang makuhang regalo mula sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng aktor sa kanyang counter-affidavit, bago ang unang laptop na ibinigay niya sa anak.

Dalawa pa nga raw ang ibinigay niya rito, at ang pangalawa naman ay personal laptop ni Derek na may soccer stickers.

Pero hindi raw ang anak ang gumagamit nito kundi si Mary Christine, na nagrereklamo dahil daw ang gusto nito ay MacBook Air laptop.

Hindi nagbigay ng anumang pahayag ang abugado ni Mary Christine na si Atty. Isaiah Asuncion sa media kahapon kaugnay ng isinumiteng counter-affidavit ni Derek.

Nakatakdang maghain ng reply-affidavit ang kampo ni Mary Christine sa September 4.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN