Former EB Babes member Maiko Bartolome one of the casualties in Bulacan field trip tragedy

Former EB Babes member Maiko Bartolome’s dead body was recovered two days after the Bulacan River tragedy. She is one of the seven students of Bulacan State University who drowned in Madlum River in San Miguel, Bulacan.


Isa ang dating EB Babes member na si Maiko Eleva Ison Bartolome sa mga nasawi sa trahedyang naganap sa isang ilog sa San Miguel, Bulacan, noong Miyerkules, August 20.

Si Maiko ay kabilang sa pitong estudyante ng Bulacan State University (BSU) na nalunod sa naganap na flash flood sa Madlum River.

Tinatawid ng grupo ng mga mag-aaral ng BSU ang Madlum River patungo sana sa Madlum Cave, na bahagi ng kanilang field trip, nang magkaroon ng flash flood.

Ang katawan ni Maiko ang huling natagpuan sa pitong mag-aaral na nasawi sa trahedya.

Ayon sa ulat ng GMA News kahapon, August 21, natagpuan ang katawan ng dating EB Babes member na nakaipit sa malaking bato sa Madlum River kahapon ng umaga.

Agad na dinala ng mga kinatawan ng BSU ang mga labi ni Maiko sa St. Peter Funeral Homes.

Ang iba pang mga nasawi sa trahedya ay sina Helena Marcelo, Michelle Ann Rose Bonzo, Sean Alejo, Mickel Alcantara, Madel Navarro, at Janet Rivera.

Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang netizens sa mga naiwan ni Maiko at iba pang nasawi sa trahedya.

Kabilang na rito ang kapwa dancer ni Maiko na si Jopay Paguia-Zamora, dating miyembro ng SexBomb Dancers.

Sa kanyang Instagram account (jopaypaguiazamora), nag-post si Jopay ng lumang larawan kasama si Maiko at iba nilang kasamahang dancers.

Sa caption nito, inilagay ni Jopay: “Thank you Maiko Bartolome for being part of GnG dancers. si maiko para sa akin ay isang sweet na bata, masayahin, masipag walang ibang inisip kundi ang pamilya nya. mapag mahal na anak asawa at ina. we will miss you maiko. sobrang tumatak ka talaga sa puso naming lahat. Condolence po sa kanyang pamilya. Guys pls pray for the soul of Maiko Bartolome. salamat po @mnvrsjosh @xysai@molly_ebbabe


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN