Cristina Gonzales-Romualdez mesmerized by David Beckham’s sincerity

Cristina Gonzales-Romualdez on David Beckham’s Tacloban visit: “It was Valentine’s Day when he was in Tacloban and gumagawa siya ng mga Valentine card. Nag-drawing siya ng mga heart and he put some kids on his lap and he give them cards that he drew, he personally made for them. Naaaliw ako kasi talagang napaka-sweet niya, napakabait niya sa mga bata. You could feel ang sincerity niya."


Sina King Carl XVI Gustaf ng Sweden, United Nations Secretary General Ban Ki-moon, United States Secretary of State John Kerry, Foreign Affairs Minister Borge Brende of Norway, Justin Bieber, at David Beckham ang ilan sa mga sikat na personalidad na dumalaw sa Tacloban City upang magbigay ng tulong at kaligayahan sa mga naging biktima ng typhoon Yolanda.

Ang Yolanda ang pinakamalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan ng mundo noong 2013.

Anim na buwan matapos bumisita ni Beckham sa Tacloban City, saka lamang nagkuwento si Tacloban City Councilor Cristina Gonzales-Romualdez tungkol sa sikat na English football player nang makausap siya kahapon, August 21, ng entertainment press.

Si Cristina ang maybahay ng mayor ng Tacloban City na si Alfred Romualdez.

Lahad ng dating aktres, “Lahat ng mga babae sa opisina ni Mayor, iniwan siya at sumama sa akin para tingnan si David Beckham.

“It’s a very hush-hush [visit]. Medyo tahimik, siguro for security reasons.

“Doon siya sa isang tent na child-friendly area, parang day care ng mga bata…

“It was Valentine’s Day when he was in Tacloban and gumagawa siya ng mga Valentine card.

“Nag-drawing siya ng mga heart and he put some kids on his lap and he give them cards that he drew, he personally made for them.

“Naaaliw ako kasi talagang napaka-sweet niya, napakabait niya sa mga bata. You could feel ang sincerity niya.

“Paglabas ko ng tent, nagtanong ako sa mga tao. Yung ibang mga tao doon, hindi naman daw siya kilala.

“Nagulat nga ako. Sabi nila, ‘Sino ‘yan?’

“Sabi ko, ‘Si David Beckham ‘yan, sikat na sikat ‘yan sa buong mundo ng football.’

“I guess sa Philippines, basketball tayo and boxing. Of course, they know Manny Pacquiao.”

Hindi naman daw nakita ni Cristina si Justin Bieber nang magpunta ito sa Tacloban.

“Noong nandoon si Bieber, hindi ko siya nakita, kasi nga very hush-hush.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga ng anak ko, ‘Mommy, why didn’t you tell me that Justin Bieber was coming?’

“I didn’t know myself kasi medyo biglaan and I think, that time, we were in Manila.”

Dagdag niya, “Marami pang nagpunta, hindi ko na maalaala yung iba.

“Pero marami talaga ang nagdatingan, especially like the King of Sweden, na-meet namin.

“Yung mga unang buwan, maraming nagdatingan na world leaders from different nations.”



PNOY’S SONA. Tumanggi namang magbigay ng reaksiyon si Cristina nang tanungin tungkol sa ipinagmalaki ni President Noynoy Aquino sa State of the Nation Address (SONA) nito noong nakaraang buwan na mabilis kumilos ang pamahalaan sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

Aniya, “Well, I don’t wanna say anything…

“There’s still much to do, so we would really appreciate if everyone… the more people help us, the better.

“I don’t want to comment.

“As far as I know, there’s so many people who needs home.

“Nakakaawa yung mga tao na mahihirap who cannot really afford… yung mga nakatira sa danger zone…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN