Sam Milby on courting Shaina Magdayao again: "If I were making ligaw to anyone or dating someone, I’ll keep it to myself na lang."

Nilinaw ni Sam Milby ang naudlot niyang panliligaw niya noon kay Shaina Magdayao, na balitang nililigawan niyang muli ngayon. Sabi ni Sam, "Before talaga, walang nangyari. We hang out few times, pero never kaming nag-usap ng anything deep at all. Kasi, parang nung sinabi ko na gusto ko siyang ligawan, it put a kinda tension."


Nililigawan na naman ba ni Sam Milby muli si Shaina Magdayao?

Dalawang taon na ang nakakalipas nang magpaghayag si Sam na gusto niyang ligawan ang dalaga, ngunit sa hindi malinaw na dahilan ay bigla na lang huminto ang Fil-Am actor-singer.

Pagkatapos nito ay nabalita ang espesyal na relasyong namamagitan diumano kina Shaina at Piolo Pascual.

Ngayong balitang naudlot ang inakalang papalalim nang relasyon nina Shaina at Piolo, usap-usapan naman sa kasalukuyan ang pagkakamabutihan muli nina Shaina at Sam.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa contract signing niya sa ABS-CBN, kasama ang iba pang Star Magic artists, nitong Huwebes, August 21, sa Chronicle Lounge ng ELJ Bldg.

Dito ay tinanong namin siya kung totoo bang nanliligaw siyang muli kay Shaina.

Tugon niya, “If I were making ligaw to anyone or dating someone, I’ll keep it to myself na lang.

"Kasi ’pag sinasabi ko, hindi naman nangyayari, and ang sinasabi, ’Ayan, ’di na naman natuloy.’"

Ano nga ba ang nangyari at hindi natuloy ang panliligaw niya sana noon kay Shaina?

Paliwanag ni Sam, “Before talaga, walang nangyari.

"We hang out few times, pero never kaming nag-usap ng anything deep at all.

"Kasi, parang nung sinabi ko na gusto ko siyang ligawan, it put a kinda tension.

"Ngayon, ’cause we have the same group of friends—some are showbiz friends, some are non-showbiz friends—madalas kaming nagha-hang out."

Wala bang kinalaman dito ang pagpasok sa eksena ni Piolo, na nabalitang lihim na nakarelasyon ni Shaina?

Tanggi ni Sam, “Ay, wala siyang kinalaman.

"Walang dahilan, parang it’s hard to explain.

"I guess yung tension siguro, yung mga times na when we hang out, we didn’t have the chance to talk.

"Kasi laging kasama yung mga kaibigan din, nahihiya din ako.

"And right now, it’s nice kasi yung friendship namin, we still hang out with yung group of friends namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang tension."

Ngayong bukas na uli si Sam tungkol sa nararamdaman niya kay Shaina, sila kaya ang magka-date sa Star Magic Ball, na gananapin sa September 6?

“Wala akong date, going solo again. Personal choice,” sabi niya.

ANNE CURTIS. Samantala, nilinaw ni Sam ang naging pahayag niya sa presscon ng pelikulang The Gifted, kung saan sinabi niyang habambuhay na niyang mamahalin ang ex-girlfriend na si Anne Curtis.

Magkasama sina Sam at Anne sa naturang pelikula.

Sinabi ng Kapamilya actor na hindi siya umaasang magkakabalikan pa sila ni Anne dahil masaya na ito at maganda ang takbo ng relasyon nito sa boyfriend na si Erwan Heussaff.

Lahad niya, "Tapos na yung shooting, nagkikita lang kami sa promo-romo lang.

"Galing Singapore ako. I heard na nag-guest siya sa Aquino & Abunda last night [August 20]. Okay kami.

“I’ll always will... I think napag-usapan din nila yung love and in love.

"Ako, I will always love her, kasi we share something, yung pinagdaanan namin, yung pinagsamahan namin.

"Pero kasi ’pag in love, parang umaasa pa.

"No, hindi ako umaasa, kasi alam ko na happy siya, happy si Anne.

"I am truly happy for them both also."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN