Tom Rodriguez admits courting Carla Abellana

Tom Rodriguez on My Destiny leading lady Carla Abellana: “She’s so down to earth. Grabe, this woman only wishes the best for other people. Never ko siya narinig na may sinabing masama o nakakasakit or negative tungkol sa kapwa niya... she’s just the best."


Isa si Tom Rodriguez sa mga artistang endorsers ng AMA Computer University na naging guest sa AMA Shout Out concert and dance competition noong August 22 sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Nag-perform ng isang song number si Tom para sa mga estudyante at participants ng nabanggit na event.

Matapos ang kanyang performance ay nakausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media ang My Destiny lead actor.

Siyempre pa, hindi maiwasang matanong si Tom tungkol sa kanyang leading lady sa nabanggit na GMA-7 primetime series, na si Carla Abellana.

Nali-link si Tom kay Carla na unang nagtambal sa popular na teleserye na My Husband’s Lover.


INSPIRATION. “She’s the one that inspires me the most right now," tukoy ni Tom tungkol kay Carla.

“Mas lumalalim yung samahan naming dalawa. That’s a big thing."

Pinatotohanan naman ng aktor ang usap-usapang nanliligaw nga ito sa kapareha.

Nang tanungin kung paano ito manligaw, sagot ni Tom, “In a traditional way, siyempre.

"You get to know the person, you get to know the family, ipapakita how serious you are, just like everyone else."

Nakilala na rin ni Tom ang mga miyembro ng pamilya ni Carla at mukhang magaan naman ang loob ng mga ito sa kanya.

“Actually, kahapon nakipag-dinner ako kasama yung family members niya. Her mom, sister, and titas. It was a lot of fun," kuwento ni Tom.

Sa isang tabloid interview ni Carla, nabanggit nito na "boyfriend material" daw si Tom.

“Totoo? Sinabi niya yun?" ang hindi makapaniwalang tanong ng binata na abot-tenga pa ang ngiti.

"Yung buhok ko tuloy napakahaba. Very flattering, ang sarap marinig."

WORK BROUGHT THEM CLOSER. Naging malaking factor daw para kay Tom ang pagiging magkatrabaho nila ni Carla, para mas lalo pa nilang makilala ang isa’t isa.

“Sobrang laking factor na nagkasama kami. Kasi when you’re always working together, all the walls you build up, your vulnerabilities, all of it, hindi mo maitatago sa kasama mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So it’s one of the best ways to get to know someone."

Ano nga ba ang qualities ni Carla na nagpabighani kay Tom?

“I started out being a fan of her work, and getting to work with her closely, I became a fan of her as a person.

“She’s so down to earth. Grabe, this woman only wishes the best for other people. Never ko siya narinig na may sinabing masama o nakakasakit or negative tungkol sa kapwa niya.

"She always wishes the best for everyone. Hindi siya madamot na tao. She’s so helpful, so caring, and she’s just the best."

SETTLING DOWN. Tinanong si Tom kung napag-iisipan na rin nitong lumagay sa tahimik dahil sa magandang tinatakbo ng career nito.

“For me as long as you’ve made the most out of your goals, as long as you have enough saved up to start a family, that’s when I would like to settle down.

"Ayoko mag-start ng family nang wala akong means para suportahan yung pamilya.

“For now, wala pa. Malayu-layo pa, umpisa pa lang. Pero yun naman goal ko mula noon pa, I’ve always dreamt that for myself. Mas attainable yun in the next few years if I just save up."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN