Isabelle de Leon admits being starstruck working with Nora Aunor: “Sobrang humble...”

Isabelle de Leon admits being starstruck while working with Nora Aunor on TV5’s musical-drama-comedy series Trenderas: “Siya po yung idol namin na magme-mentor po sa amin kalaunan. May na-shoot na po kaming eksena with her. Una na-excite kaming tatlo, na-starstruck talaga kami. Pero she was kind and very humble at napaka-generous niyang aktres.”


Natutuwa ang dating child star na si Isabelle de Leon na naaalala pa rin siya ng mga tao bilang si Duday, na anak ni Vic Sotto sa GMA-7 sitcom na Daddy Di Do Du noong 2001-2007.

Wala naman daw problema sa kanya na tinatawag pa rin siyang Duday kahit ngayong dalaga na siya.

Sabi ni Isabelle, “Natutuwa po ako at nata-touch dahil ibig sabihin kahit papaano e naaalala ka nila, ’di ba, bilang si Duday.

“Nata-touch po ako, more on nata-touch talaga. Kung hindi naman po dahil sa role na iyon wala po akong parang launching pad, ’di ba po?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Isabelle sa pocket presscon ng bagong musical-drama-comedy series ng TV5, ang Trenderas, kung saan isa siya sa mga bida, kasama ang mga baguhang sina Katrina Velarde at Lara Maigue. Ginanap ang presscon noong Agosto 20 sa Mario’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Pagkatapos makagawa ng maraming mga proyekto bilang child star at umani ng awards bilang Best Child Actress para sa pelikulang Magnifico (2003-2004), namahinga muna sa showbiz si Isabelle para magtapos ng high school.

Nang muli siyang magbalik sa showbiz bilang isang recording artist noong 2013 ay pinalitan niya ang kanyang screen name ng Isabelle mula sa Isabella, na makikita sa cover ng kanyang debut album under PolyEast Records, ang LoveZone.

Nag-e-effort din ba siya para makilala naman bilang Isabelle, hindi lang bilang si Duday?

“Nakakatuwa rin naman po dahil may mga tumatawag na rin po talaga sa akin na, ‘O si Isabelle, Isabelle!’ So, alam ko ay galing ito sa music.

“Kasi ’pag sa Isabella, ang napapanood nila bilang aktres.

“So kahit papaano po hindi naman yung ume-effort na lumayo from Duday, feeling ko natural lang naman po e, siyempre nagdadalaga ako and nagma-mature as a person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So natural na iba na rin yung itinatawag nila sa akin. Pero paminsan-minsan may panaka-nakang Duday pa rin,” kuwento niya.

SEEING VIC AGAIN. Nagkita na rin daw ulit sila ng kanyang “daddy” na si Vic Sotto simula nang magbalik siya sa showbiz.

Patuloy pa ng dalaga, “Opo, actually nabigyan ko sila ng album, yung LoveZone album. Nag-guest po ako sa, Eat Bulaga!, nag-judge po ako sa ’Little Miss Philippines,’ this year lang po yun.

“Nagpa-picture po ako sa kanila. Sobrang nakakatuwa po.”

Ano ang naging reaksyon nina Vic sa kanilang reunion?

“Sobrang tuwang-tuwa sila. ‘Naku, dalaga ka na!’ ganyan. And they were so happy na meron po akong album.

“Hindi nila akalain na, ‘O, nagsusulat ka pala ng kanta.’ Gulat na gulat po sila. And they were all very happy and supportive po,” masaya niyang balita.

FREELANCER. Kasabay ng pagiging recording artist sa pagbalik niya sa showbiz, muli rin siyang umarte at nakagawa ng mga teleserye sa ABS-CBN, ang Nasaan Ka Elisa? at Maria Mercedes. Hindi ba siya kinuha ng ABS o ng Star Magic para maging exclusive talent?

“Yung manager ko po kasi ang nakikipag-usap, si Arnold Vegafria po. Hindi ko po talaga masasagot iyan na may maibibigay akong concrete na sagot dahil yung manager ko po yung nakipag-usap sa kanila.

“So kung ano po yung sa tingin niyang best, nagtitiwala po ako sa kanya,” lahad niya.

So wala rin siyang kontrata ngayon sa TV5?

“Wala pa po. Sa ngayon po per project po muna,” patuloy pa niya.

So parang freelancer siya ngayon?

“Parang ganun po.”

BIGGEST BREAK. Maituturing ni Isabelle na biggest break niya sa telebisyon ngayong dalaga na siya ang Trenderas, kaya naman excited na siya sa pagsisimula nitong umere sa Setyembre 13 sa TV5. Kasama sina Katrina at Lara, ginagampanan nila ang roles ng mga tinderang magte-trending sa social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa tingin niya ba mas aangat ang kanyang career sa pamamagitan ng pagbibida niya sa Trenderas?

Ani Isabelle, “Hopefully po. We’re just praying and we’re doing our very best talaga. Talaga pong nakakatuwa dahil ang TV5, lahat po full-force po talaga sila to support Trenderas po talaga.

“Sa marketing, lahat nagkakaisa. Kami rin po ibinibigay po namin ang best namin sa bawat eksena. Grabe po ang taping nito, talagang mabusisi ang bawat detalye.

“And yung istorya nakakaaliw—comedy, drama, musical, sigurado po talagang maa-appreciate n’yo.

“Just give us one episode para mapatunayan po namin yun. Sana po mapanood n’yo yung pilot episode namin sa September 13.”

May pressure ba sa kanila nina Katrina at Lara ang pagiging mga bida sa Trenderas?

“Siyempre po, may malaking responsibilidad po na nakaatang sa amin. So tinatapatan lang po namin iyon ng hard work, ng sipag at saka ng faith. Wala pong imposible kay God.”

’Pag may mga bida, siyempre may mga kontrabida—ang Tres Malditas, na kinabibilangan ng mga komedyanang sina K Brosas, Cacai Bautista, at Kitkat.

“Yung Tres Maldita po, iyan ang makakatunggali ng mga Trenderas. Kung bakit kami nag-trending ay dahil sa Tres Malditas, nagkaroon kami ng showdown.

“Sobrang nakakatawa sila, ’pag nag-eeksena nga po kami kinakagat ko na lang yung labi ko para hindi ako matawa,” saad niya.

Kasama rin sa cast ng Trenderas sina Dingdong Avanzado, Tina Paner, Ara Mina, Carl Guevarra, at Edward Mendez.

NORA AUNOR. May special participation ang Superstar na si Nora Aunor sa Trenderas. Kumusta naman ang naging experience nila na makaeksena ito?

“Siya po yung idol namin na magme-mentor po sa amin kalaunan. May na-shoot na po kaming eksena with her.

“Una na-excite kaming tatlo, na-starstruck talaga kami. Pero she was kind and very humble at napaka-generous niyang aktres.

“Talagang nagbibigay siya ng tips sa pag-arte at napakabait niya. Sabi niya, ini-encourage niya kami, ‘Naku, ang gagaling nitong mga ito!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So nakakatuwa po, coming from the one and only Superstar, sobrang humble,” pahayag niya.

Anong mga tip ang ibinigay ni Ate Guy sa kanila?

“Yung like, ‘Mag-relax lang kayo,’ kasi kaeksena namin siya, e. At saka yung huwag daw kakabahan and all that,” dagdag pa niya.

Nakatulong naman daw ang pagka-starstruck nila kay Ate Guy para lumabas na maganda ang eksena.

“Kasi po yung eksena namin sa kanya yun din po yung emosyon namin, starstruck na starstruck kami. So parang inilabas lang namin yung totoo naming nararamdaman sa eksena. So tamang-tama lang po siya,” wika niya.

ACTING VS SINGING. Pareho niyang ginagawa pero ano ba ang mas priority niya: acting or singing?

“Thankful ako dahil nagagawa ko pareho ang pag-arte at musika. So, hindi naman siya masyadong magkalayo para sa akin. Kung ano ang mas priority ko?

“Siguro po kung ano yung mas mabigyan ng opportunity. Kagaya po rito sa Trenderas, acting and music, so sabay ko po silang maipapakita.

“Depende po sa opportunity na ibigay po sa akin,” pagpapasalamat ni Isabelle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN