Cristina Gonzales-Romualdez open to possibility of allowing kids to pursue showbiz careers: “Basta ang usapan sa daddy sila hihingi ng permiso!”

Cristina Gonzales-Romualdez on the possibility of her talented kids pursuing showbiz careers: “Who knows, ’di ba? Baka one day biglang magkaroon ng interes ang mga anak ko sa showbiz. Ready naman kami ni Alfred just in case. Basta ang usapan sa daddy sila hihingi ng permiso!”


Wala raw magiging problema kay Tacloban City Councilor Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez kung nais pasukin ng kanyang mga anak na sina Sofia at Diana ang pag-aartista.

Bilang dating singer at actress noong ‘80s at ‘90s, inamin ni Kring-Kring na iba raw kasi ang mga anak niya dahil mga mahiyain daw ang mga ito. Hindi raw tulad niya na hilig na raw niyang mag-showbiz.

Anak si Kring-Kring ng dating Sampaguita Pictures leading man na si Jose Mari Gonzales.

“I was like 13 years old noong gusto ko nang mag-showbiz. But of course, I had to finish school pa muna before I got my dad’s approval.

“Pero hindi rin ako napigilan, e. Sumuko na rin si Daddy sa pagsaway sa akin kaya I got in showbiz very early.

“I started with singing and TV hosting. Si Kuya Germs [German Moreno] ang naging way kung bakit ako pinayagan ni Daddy noon. Until I got into the movies and the rest, as they say, is history na,” tawa pa ni Kring-Kring nang makapanayam namin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Villa Victoria in Intramuros, Manila, last August 21.

TALENTED. Masyado raw mahiyain ang mga anak ni Kring-Kring kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, pero nagulat mismo sila nang malaman nilang may talent pala ang mga ito pagdating sa musika.

“Super shy ang mga anak namin and we never knew how talented they are pala.

“Like si Sofia, she just turned 15 and she loves to sing. Walang-wala ang boses ko compared to my daughter.

“She also plays the piano by herself. And she wants to study music.

“If she wants to get into showbiz, okey lang sa akin, pero kailangan may blessing ng daddy niya.

“’Tsaka may mga conditions pa ‘yan. They have to prioritize their studies muna,” diin pa niya.

Pero wala naman daw worries pa ang mag-asawa dahil mukhang hindi pa raw interesado ang mga bata na pasukin ang showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon, wala pa silang hilig. Lalo na yung bunso ko na si Diana. She’s just 10. Iba pa ang hilig nila. Iba pa ang mga interes nila.

“But I don’t know. Siguro hindi pa lang lumalabas yung fascination nila sa showbiz.

“Hindi kasi iyon ang nakita nila when I had them.

“I left showbiz in 1997. Iniba ko ang mundo ko after so many years of being in it.

“Kaya my kids, they know naman that I was an actress. Pero hindi na ako active noong nandiyan na sila. Kaya iba ang nakagisnan nilang ginagawa ko.

“Unlike me noon, I grew up knowing my dad was an actor at gusto ko siyang tularan.

“But who knows, ‘di ba? Baka one day biglang magkaroon ng interes ang mga anak ko sa showbiz.

“Ready naman kami ni Alfred just in case. Basta ang usapan sa daddy sila hihingi ng permiso!” tawa pa ni Kring-Kring.

TRAUMATIZED. Sa Manila na nag-aaral muna ang kanilang mga anak ni Mayor Alfred dahil nagka-trauma raw ang mga bata dahil sa matinding pagsalanta ng Bagyong Yolanda noong nakaraang taon.

“As advised by our child psychiatrist, kailangan ilayo muna namin sila sa Tacloban because nagkaroon sila ng trauma.

“Na-witness kasi nila yung mga nangyari and we are thankful sa Panginoon because nailigtas kami. We almost lost our lives during that tragic moment.

“Hindi bale sana kung kami lang ni Alfred ang nakaranas no’n, pero the kids were with us noong dumating ang Bagyong Yolanda. But thank God nga, we all survived. But my kids, nahirapan silang makalimot sa mga nangyari.

“So nag-agree kami ni Alfred na they are better off dito muna sa Manila, kunsaan safe sila and we get to see them as much as we can.

“One time kasi, sumama sila sa amin sa Tacloban. Naawa ako sa kanila, kasi they were getting nightmares. Nandoon pa rin yung takot nila sa lugar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi naman ng psychiatrist, that it will take time pa for the children to heal from such a tragedy. May mga bata na mabilis maka-move on. May mga bata naman na nagkakaroon ng phobia.

“So we want them to really have that strength to face those fears.

“Pero kailangan paunti-unti until they can fully recover from the trauma.

“Sakripisyo na lang na nalalayo kami sa kanila ng ilang araw dahil may katungkulan kami ng dad nila sa mga constituents namin sa Tacloban City,” detalyeng kuwento niya.

TACLOBAN RECOVERY. Eight months matapos mangyari ang Bagyong Yolanda na tumama sa Tacloban City, unti-unti na raw nakaka-recover ang Tacloban sa nangyaring trahedya.

Patuloy ang pag-asikaso ni Kring-Kring at ng mister niyang si Mayor Alfred sa mga magiging temporary shelter ng ilan pang mga pamilya na hanggang ngayon ay sa tent pa rin naninirahan.

Salaysay niya, “There are about 800 families pa na wala pang matirhan in Tacloban. Pero nakagawa na kami ng paraan kahit paunti-unti.

“Nagpagawa kami ng mga bahay-kubo which has more space and more ventilation kumpara sa mga bunk houses na pinagawa doon.

“It’s made of indigenous materials, it’s safe, very sturdy at presko.

“Magaganda ang mga feedback na nakukuha namin sa mga lumipat na sa mga bahay kubo. Mas gusto raw nila kasi safe para sa kalusugan nila.

“What’s also good about the bahay kubo is puwede nilang ilipat ito kahit saan. Parang bayanihan.

“Kapag may malipatan na ang isang family ng permament. They can pass the bahay kubo on to another family who needs it.”

GENERATING LIVELIHOOD. Nagpapasalamat nga ang mag-asawang Kring-Kring at Alfred na marami nang nagbukas na mga businesses sa Tacloban at ang hangad nila na mabigyan na ng mga trabaho ang mga tao roon para patuloy ang maayos na recovery nila.

“We want to generate livelihood for the people there.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sapat yung umasa lang kami sa donations. The people there need jobs.

“Kaya we’re happy na almost 40% of the businesses in Tacloban are opening. That means jobs for many people na nawalan ng kabuhayan,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN