Mayor Herbert Bautista on possibility of rekindling closeness with Kris Aquino: “Siguro kapag may panahon. Wala namang problema ‘yon. Panahon lang.”

Herbert Bautista talks about moving on after controversial relationship with Kris Aquino: “Life is so short, e. We just have to be happy. Reality is there already. How can you change reality, ’di ba? So parang… okey na ‘yon. I mean… nandiyan na, e. Everything is a given. Let’s work on the given. And improve on the positive than on the negative.”


Isang get-together lunch ang inihandog ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa lahat ng entertainment writers na nag-birthday mula month of January hanggang September ngayong taon. Ginawa ito sa Vera-Perez Garden kaninang hapon, Sabado, August 23.

Dati ay quarterly niya ito ginagawa. Malapit daw sa puso niya ang entertainment press people dahil nakalakhan na nilang magkakapatid (na sina Hero at Harlene) na maraming miyembro nito ang kaibigan ng kanyang mga magulang.

Kapansin-pansin na relaxed at open na sa pagpapa-interview si Mayor Bistek (palayaw ni Herbert). Dati kasi, lalo na noong panahong kasagsagan ng kontrobersiya hinggil sa kanila ni Kris Aquino ay naging tila mailap siya sa pagpapa-interview.

“Hindi naman ako gano’ng ka-open na open. May mga limitations din,” nangiting sabi niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment media.

Siyempre pa, unang nausisa sa kanya ay yung nakaraang one-on-one live interview sa kanya ni Kris sa Abunda & Aquino [A & A]. Paano nga ba siya napasalang sa nabanggit na programa?

“Ano lang ‘yon, e… dahil nag-guest ako kay Tunying,” pagtukoy niya sa Tapatan With Tunying host na si Anthony Taberna.

“E… ang issue nga, yung sampalan [insidenteng nakasampal siya ng isang Chinese national na hinihinalang drug pusher].

“So from there, kinausap ako nina Direk Arnel [Natividad] at saka nung producer [ng Abunda & Aquino]. E di… sige, okey.

“Ayoko nga [sana]. Dahil siyempre baka humaba na naman yung kuwentuhan.

“Pero I acceded. Because I know na yung market na nanonood ng A & A is different from Tunying.

“Magkakaibang market ‘yon. So I have to explain kung bakit ko ginawa ‘yon [pananampal] do’n sa drug pusher.”

But was he ready that time? Nataon na wala si Boy Aunda at si Kris nga lang mag-isa.

“Wala namang problema sa aming dalawa [ni Kris]. Even if you watch the entire segment, it was purely professional, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey naman siya.”

COMIC TANDEM. Pero may mga hirit at punchline si Kris patungkol nga sa mga naging issue sa kanilang dalawa dati?

“Typical Kris Aquino ‘yon, e,” sabay ngiti ulit na reaksiyon ni Mayor Herbert.

“At saka hindi… punchliner talaga ‘yon ng babae, e. Ano ‘yon, e… parang give and take, ’di ba?

“Parang si Pugo at si Patsy,” pabirong pagtukoy pa niya sa sumikat na comic duo noong araw.

“So… ako si Pugo. Siya si Patsy!” tawa pa niya ulit.

Hindi ba iyon naging awkward para sa kanya?

“Hindi naman. Okey lang ‘yon.

“Natural kasi na mangyayari ‘yon. Natural.”

Isa sa nagmarkang hirit ni Kris ay hindi raw nananakit nang pisikal si Mayor Herbert, pero sa damdamin lang.

“E… totoo naman ‘yon, e,” tawa ng actor-politician.

First time nilang paghaharap iyon ni Kris pagkatapos nitong magbuhos ng emosyon at magpahayag ng madamdaming statement sa The Buzz. Ang light naman yata ng naging dating agad?

“E magaan naman talaga yung buhay, e. ’Di ba?

“Siguro baka marami na siya... ayoko nang magsalita! Ha-ha-ha-ha!”

Marami na siyang?

“Marami na siyang ginagawa. Marami siyang iniisip. Marami siyang plano.

“Maraming nanliligaw siguro, ’di ba?

“Nandiyan si Derek [Ramsay], ’di ba?” birong pahabol pa niya bago muling natawa.

“Nababasa ko sa diyaryo ‘yon, e. Wala namang ibig sabihin yung sinabi ko.

“Puwede ko rin namang banggitin si James [Yap]. Ang dami kong puwedeng banggitin.

“Okey lang naman kami,” patukoy niya sa maayos na samahan nila ni Kris ngayon.

“Wala ako noong nagsalita siya. Nasa London ako noong time na ‘yon.

“And then I saw it sa YouTube.

“And… that’s her reaction, e. Natural sa kanya ‘yon, e.

“We were both at the right time and age na ganoon ang reaksiyon namin. Iyon ang tingin ko.”

BIG INFLUENCE ON KRIS? Kung sabagay, nasabi rin ni Kris na malaki raw ang naging influence at naituro ni Mayor Herbert sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung influence na sinasabi siguro niya is… life is short. Let’s just be happy and be forgiving, ’di ba?

“Mas nakakabigat lang kapag may mabigat kang dinadala. So alisin mo ‘yan, luluwag ka.

“I think that’s the influence. Something to that effect.

“In our conversations, she learns so much from Joey [Marquez]. Very respectful siya kay Joey.

“Kay Kuya Ipe [Phillip Salvador], ang laki rin ng respeto niya.

“Of course, James was much younger than her. Pero yung experience naman niya na natuto siya.

“And… siguro in every stage of her life, marami siyang natutunan. It’s not just me.

“Marami siyang natutunan sa mga naging kaibigan at naugnay sa buhay niya.

“Ako lang siguro ang pinakahuling nakapag-introuce ng something different for her. And, ‘yon nga… just be happy with your life and focus on your children.”

May communication sila ni Kris ngayon?

“Once in a while. Pero hindi gano’n kadalas.”

LESSONS LEARNED. Sa nangyari sa kanila ni Kris, ano ang na-realize niya?

“That… no matter what, maliit lang ang mundo, e. Maliit lang ang mundong ginagalawan natin.

“She belongs to a political family. I am in public service.

“Uhm… magbabarkada naman kami lahat. Nagkikita-kita kami, maliit lang ang mundo.

“If we go to the other side of the world, it’s the entertainment industry na maliit ding mundo.

“And our children are growing up. They could be friends. They could be co-workers in the future.

“So… wala namang problema.

“And wala akong masamang tinapay sa kahit kanino. And I think she is also the same way.

“I think that’s one of the reasons why naging kaibigan niya ulit si James.

“I’m looking forward na magkausap-usap na rin sila ni Kuya Ipe [Phillip Salvador] at saka ni Mayor Joey [Marquez]. So that you know, everything is really okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May nabasa nga ako, e. Yun bang… huwag kang manatiling galit dahil ang masasaktan lang naman do’n ay hindi naman yung taong kinagagalitan mo kundi ikaw rin mismo.

“So parang gano’n din lang siguro ‘yon.”

Iyon nga marahil ang dahilan kung bakit nanatili silang friends ng mga naging ex niya.

“Life is so short, e. We just have to be happy.

“Reality is there already. How can you change reality, ’di ba?

“So parang… okey na ‘yon.

“I mean… nandiyan na, e. Everything is a given.

“Let’s work on the given. And improve on the positive than on the negative.”

Malabo na bang manumbalik pa yung dating closeness nila ni Kris?

“Siguro kapag may panahon. Wala namang problema ‘yon.

“Panahon lang,” saad niya.

Matindi ang naging kontrobersiya sa pagitan nila.

“E… siguro hindi na dapat pinag-uusapan ‘yon. Dahil tapos na ‘yon.”

NO LOVE LIFE. Kumusta naman ang puso niya ngayon?

“Okey naman ang puso ko,” tawa ulit niya.

Meron ba siyang bagong lovelife?

“Hindi. Yung mga bata pa rin.

“My daughter [Athena] is in Ateneo.

“Yung aking anak na isa, magka-college admission test sa U.P. at saka sa Ateneo. So hopefully pumasa siya do’n.

“So iyon ang focus ko ngayon,” ang kanyang mga anak ang ibig niyang sabihin.

Totooo bang hindi pa ready ang mga anak niya para siya ay magkaroon ulit ng bagong karelasyon o kaya ay magpakasal?

“Hindi naman. Ready na rin naman.

“Kaya lang, magdi-debut si Athena. Ga-graduate pa lang ng high school ‘yong anak kong isa.

“Si Harvey, bata pa. Kai-eleven lang niya no’ng nakaraang linggo so… okey lang.

“I mean what happened really was an eye opener for my kids, e, ’di ba? And I pray that they become stronger because of that experience.

“And I think they are stronger.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang reaksiyon o nasabi sa kanya ng mga bata?

“Wala. We never talked about it.

“Wala na. Hindi na kami nagkausap ng mga bata.

“We just have to build on the gains of the positive.”

Sa susunod ba na pumasok ulit siya sa isang relasyon, ipapakilala muna niya sa anak niya?

“Wala pa ako sa level na ‘yon.

“I think it took a while before Vic Sotto was able to bring his children together.

“I think that was just last year.

“And it was initiated by Danica, yung pinaka-panganay sa kanilang lahat.

“I also look forward to that day.”

Ang pinakabatang anak niyang si Harvey ang sinasabing labis na naapektuhan sa naging situwasyon?

“Hindi naman siya gano’n kaapektado. I don’t think he’s really that much affected.”

COMMITTED TO WORK. Hindi ba malungkot na single na naman siya ngayon?

“I’ve always been single,” tawa na naman ni Mayor Herbert.

“I’m not committed to anyone. I’m committed to my kids, to my work, and… ‘yon!”

But he wants to get married din someday?

“A… it would be unfair kasi, e.

“Unfair if I… basta!

“Alam n’yo naman ang drama ng buhay ko, e, ’di ba?

“So… I maintain my friendship and my respect to the mothers of my children. I’m seeking their forgiveness if I have done something wrong to all of them.

“But I thank them so much for bearing good children—God-fearing and respectful children.

“So… ‘yon!

“Kapag may mga presscon, tinatanong ako lagi about getting married. E… oo naman.

“I’ve been wanting to. But you know, time does not allow it.”

Paanong time does not allow it?

“Siyempre kapag nagpakasal ka, kailangan may honeymoon. Paano ka magha-honeymoon kung nakaupo ka ngayon,” bilang public servant ang ibig sabihin ni Mayor Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E bago siya naging mayor?

“Nag-aral ako. I have to improve myself.

“Kulang ang panahon.”

AMBUSH. May kumalat na balita recently na na-ambush daw siya. Bakit kaya?

“Oo nga, e. May lumabas sa social media that we were ambushed by the drug syndicate na inaway ko.

“E… hindi naman. Nandito ako, e!” sabay ngiti niya ulit.

“Kung sinuman ang gumawa no’n, e… thank you. Dahil naging mas mahigpit yung security ko ngayon.

“And mas active ngayon yung Quezon City Police District para habulin sila.”

Wala sa imahe ni Mayor Herbert ang nananakit ng tao. Kaya marami ang nagulat sa insidente na nakasampal nga siya ng isang hinihinalang drug pusher.

“Immediately I have to say sorry, e. After that, tina-tap ko ang ulo niya na… pasensiya ka na, ha.

“Mabigat. Mabigat kapag gano’n.”

ON MARIAN-DINGDONG WEDDING. Natanong din si Herbert hinggil sa planong pagpapakasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Immaculate Concepcion Cathedral sa may New York, Cubao, kung saan lumaki ang Kapuso Primetime King at ang mga kapatid nito.

“Do’n din daw nga ipinanganak si Dingdong sa barangay namin sa Immaculate Concepcion.

“I’m happy. Nakakatuwa. Nag-congratulate na nga ako kay Dingdong through Facebook. Nag-message ako sa kanya.

“And… walang problema. We’ll take care of the security sa kasal nila.

“Gitna yung church, e. Maraming mga daan at lagusan.

“We can close certain areas. Para yung traffic hindi maapektuhan.

“Maganda yung lugar na ‘yon where I was born. Nabinyagan nga kami roon.”

POLITICAL PLANS. Ano naman ang sunod niyang plan patungkol sa politics?

“Of course I’m going for the third term [as QC nayor]. Pero depende iyon sa partido.

“If the party says that you run for a higher office of course I will abide by the party’s decision.

“But personally gusto ko re-elect ulit. Kasi iyon na yung third and last term ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN