Heart Evangelista and Senator Chiz Escudero are engaged

After two years of being in a relationship, Senator Chiz Escudero has proposed marriage to Kapuso actress Heart Evangelista.


Kumpirmadong engaged na ang magkasintahan na sina Heart Evangelista, 29, at Chiz Escudero, 44.

Ito ay matapos maglabasan ang masayang pagbati ng dalawang malapit na kaibigan ni Heart na sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

Kasalukuyang nagbabakasyon ang dalawa sa Sorsogon kasama ng ilang kaibigan, base na rin sa mga Instagram post ni Heart mula noong August 21.

Ngunit tila nagtungo rin sina Lovi at Alessandra sa Sorsogon upang masaksihan ang engagement celebration ni Heart.

Sa Instagram post ni Alessandra ngayong gabi, August 23, ibinahagi niya ang larawan ng kamay ni Heart na may suot na engagement ring.

Kalakip nito ang maiksing caption na nagsasabing: “Congrats @iamhearte and @iamchize!”

Sumunod na nag-post sa Instagram ay si Lovi Poe na nagbahagi ng video clip ng fireworks display mula sa engagement celebration nina Heart at Senator Chiz.

Kalakip nito ang caption na nagsasabing: “Now they’re going to wake up, roll over to one side, and kiss the love of their life. ❤️ congratulations to my dear best friend and to the amazing man who will love her for the rest of her life!! Love is a celebration!! @iamhearte @saychiz ❤”

Nag-post din si Lovi ng larawan ng magkasintahan nang halikan ni Senator Chiz si Heart sa ginanap na okasyon.

Halatang excited at masaya si Lovi dahil sa kabila ng mga tutol sa relasyon ng dalawa ay pinaglaban ng mga ito ang kanilang pag-iibigan.

Sabi pa ni Lovi, “I’m so happy for you guys! Chiz and heart. You finally found someone who gives you that feeling that people write novels about. Someday when the time comes all I have to do is look at you both and always remember to choose happiness more than anything in this world. ❤️ @iamhearte @saychiz ❤️”

Base naman sa Instagram post ng isa pang kaibigan ni Heart at makeup artist na si Albert Kurniawan, makikitang napaiyak ang Kapuso aktres nang mag-propose sa kanya si Senator Chiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Albert sa caption ng isa pa niyang Instagram post: “Congrats Heart and Chiz...yey.. they re engaged na :) #heartandchiz #heartevangelista @iamhearte @iamchize”

October 2012 nang unang aminin ni Senator Chiz sa publiko ang tungkol sa relasyon nila ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN