Judy Ann Santos on evolving as an artist: “Ang magre-reinvent lang sa iyo ay ikaw.”

Judy Ann Santos on why she’s all for self-improvement and reinvention: “Kumbaga kailangan mo rin pala talaga mag-adjust and then along the way, I realized na oo nga, at the end of the day, ang magre-reinvent lang sa iyo ay ikaw. Kaya kailangan mong mag-reinvent din kasi dapat sa panahon ngayon hindi pupuwedeng wala silang ibang nakikita sa iyo.”


Among her contemporaries sa showbiz, si Judy Ann Santos ang masasabing "at the top of her game"— na bukod sa pagiging isang batikang drama actress ay isa rin siyang in-demand na TV host.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Inaani lang ba niya ang bunga ng kanyang pagsusumikap?

REINVENTION. Pahayag ni Juday, “Siguro part din dun yung dasal.

“Malaking bagay talaga yung dasal at saka yung pag-aalaga mo sa sarili mo, kung paano ka mag-e-evolve, kung papaano mo ire-reinvent yung sarili mo.

“Sa akin naman, nangyari lang kasi, may mga bagay akong ginawa na gusto ko, like yung culinary, hindi ko naman siya tinahi sa career ko, e.

“Kumbaga hindi naman ako nag-culinary para may iba pa akong ipakita sa tao, na puwede pala akong magkaroon ng mga endorsement. Hindi...

“Nung nag-culinary ako gusto ko talagang mag-culinary, gusto kong matutong magluto nang tama.

“Hindi ko naisip kung ano yung puwede kong kahinatnan, kasi inisip ko gusto kong mag-culinary kasi nandun na ako sa pag-iisip na sa dami ng mga artistang dumadating, baka dumating na sa punto na hindi na ako kunin, hindi na ako tanggapin," ang sabi ni Judy Ann.

“Kasi siyempre hindi ka na fresh, iba na yung mga dumarating na mga bago. Kaya I had to do something kasi hindi naman ako nakatapos ng pag-aaral.

“Gusto kong ipakita sa mga anak ko na I regret not finishing my studies. Kasi wala akong alam talaga, wala akong ibang alam gawin kundi umarte.

“I had to learn something para mawala man ako sa industriya, may puwede akong ibang gawin.

“Dalhin mo ako sa ibang bansa, makakapagtrabaho ako.

“Iyon naman yung naging way of thinking ko nung nag-aral ako," aniya.

“Nagkataon lang na nagtahi-tahi ba yung mga shows, yung Master Chef, yung Ysabella tapos nung nagka-anak.

“Nagustuhan ko lang, chinallenge ko lang yung sarili ko na magpapapayat ako kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dapat nga magpapakita ako nun ’pag payat na ako pero mas chinallenge ko yung sarili ko na, ‘Okay sige magpapakita ako, lulunukin ko lahat ng batikos sa akin pero magpapapayat ako sa harap ng tao.’

“Kaya nagpapayat ako nang husto, iyon yung challenge ko sa sarili ko. Pero kumbaga hindi ko naman siya ginawa dahil may career plan ako," ang sabi ni Judy Ann.

FOR HAPPINESS. “Nakabase lang yung plano ng karera ng buhay ko sa kung ano yung gusto kong gawin nung time na yun na magiging masaya ako.

“Kasi nandun na rin ako sa pag-iisip na, ‘Marami naman na akong napasaya siguro sa mahigit na dalawang dekada kong pag-aartista. Siguro naman oras na sarili ko naman yung isipin ko.’

“So iyon, kaya ako nag-culinary, nag-work-out ako, nagpapayat ako, kasi gusto kong magbihis nang tama para sa asawa ko, gusto ko presentable ako sa mga tao ’pag dala niya ako.

“At saka yung ’pag may PTA [Parent-Teacher Association school meetings], ayun na yung concern mo e, yung pag may PTA, gusto mo maganda yung hitsura mo," paliwanag niya.

“Kasi makikita nila yun e, ’di ba? So gusto ko maayos ako, maayos akong makikita na nanay ako ng mga anak ko, yung ganun.

“Nagkataon lang talaga, wala naman akong plano. Kaya ako thankful sa lahat, sa ABS, sa mga fans sa mga nandidiyan lang.

“Even sa social media, hindi ko nga naisip na mag-i-Instagram ako, ni hindi ko rin naisip na magpe-Facebook ako,” at natawa si Judy Ann.

“Kumbaga kailangan mo rin pala talaga mag-adjust and then along the way I realized na oo nga, at the end of the day, ang magre-reinvent lang sa iyo ay ikaw.

“Kaya kailangan mong mag-reinvent din kasi dapat sa panahon ngayon, hindi pupuwedeng wala silang ibang nakikita sa iyo.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann noong Miyerkules, August 20, sa dressing room ng ABS-CBN bago magsimula ang pilot episode preview ng bagong realiserye ng Kapamilya Network na I Do kung saan si Judy Ann ang host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADAPTING TO CHANGE. Pagpapatuloy pa ni Judy Ann, “Hangga’t maaari talaga yung pasasalamat mo at yung realization na kailangan mong tanggapin at lunukin ang pagbabago ng industriya.

“Pero sa pagtanggap mong iyon at paglunok mong yun, kasabay din nun yung pagbabago mo. Physically, kung paano mo sila sasagutin properly ng hindi nababastos yung privacy mo.

“Kaya yung pasasalamat ko sa media na nirerespeto nila yung kagagahan kong pagsagut-sagot, kung paano ako maging honest sa sagot ko, kung paano ako maging barubal sa mga sagot ko.

“Kumbaga nakapag-build ako ng isang relationship sa mga tao na nakuha ko yung respeto na gusto ko at naibigay ko yung respeto na para sa kanila.”

May mga nagsasabi na parang mas gumanda at mas sumeksi pa ang aktres ngayon kumapara noong dalaga pa siya.

“Naniniwala naman ako dun, iyon lang naman ang masasabi ko,” at tumawa si Judy Ann.

“E, totoo naman, e. Totoo naman raw, o?” ang humahalakhak pa ring sinabi ng aktres.

“Pakapalan lang ng mukha para aminin pero totoo naman, ’di ba?”

MAKEOVER. Pinaghirapan din niya na magpapayat at alamin kung ano ang dapat isuot.

Patuloy pa niya, “Alam naman natin ’yan, hindi naman ako magmamagandang sabihin na, ‘Hindi ha, maganda na ako noon pa man!’

“Alam ko naman ang hitsura ko noon, alam ko naman kung paano ako magbihis noon bilang para akong lalaki magbihis talaga.

“Ni hindi ko nga naisip na magtu-tube ako sa mga guestings ko.”

Ni hindi niya naisip na makakapagsuot siya ng maikling damit at babagayan ng maikling buhok.

“Hindi! Hindi ko nga naisip na aabot ako ng ganitong katagal dito sa industriyang ito, e.

“Akala ko nga ’pag halimbawang nanganak ka na tapos na, e.

“Yung ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN