Ken Alfonso on Dading co-star Chynna Ortaleza: “Sobrang bait po talaga, as in sobrang bait!”

Ken Alfonso on Dading co-star Chynna Ortaleza’s touching gesture: “Actually, there was a time po kasi na parang sobra akong na-depress in a way because that was my parang second or third time na taping sa Dading and then may mga times po kasi talaga na hindi mo mabigay yung gusto ng direktor. Ang ginawa ni Chynna, kinausap niya yung direktor tapos hinug ako ni Chynna at sabi niya, ‘Okay lang ’yan,’ g


Pinasyalan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang baguhang Kapuso male star na si Ken Alfonso sa test recording nila ni Venus Raj sa isang studio sa Panay Avenue, Quezon City noong Biyernes ng gabi, August 22.

Magkaklase sina Ken at Venus sa voice lessons, bukod pa sa pareho silang talents ng Mercator Artist & Model Management ni Jonas Gaffud, kaya isang test recording ang ginawa kunsaan nag-duet ang dalawa.

Una naming tanong kay Ken ay kumusta namang ka-duet si Venus?

DUET WITH VENUS. Ano ang una niyang naramdaman nang nalaman niya na may test recording sila ni Venus upang malaman kung may blending ang singing voices nilang dalawa?

Ayon kay Ken, “Happy and excited po kasi number one, hindi ko pa po talaga naka-work si Venus like this.

“And sa ngayon po, medyo nag-aano kaming dalawa... if meron siyang kailangan ding malaman regarding sa singing techniques ... in a way may experience ako sa pagkanta, so medyo nagbibigay din ako ng mga konting advice.

“Tapos iyon, and we’re working as a team here sa ilalabas naming cover [na kanta].”

Unang beses niyang naka-duet si Venus.

“Nakasama ko naman po siya sa mga out-of-town shows, siya po yung host, ako yung singer,” dagdag pa niya.

Paano naman sila bilang magkaklase sa voice lessons?

Sabi pa ni Ken, “Sobrang light lang po. May mga times din talaga na... well, si Venus naman po bilang kaklase, very open naman siya in terms of communication kasi.

“Well, first time po niya gagawin ang singing, and then alam naman niya po na kahit papaano, meron akong... idea sa singing so kapag nanghihingi siya ng advice sa akin, open naman po ako for that.

“So iyon naman po.”

HAPPY WITH DADING. Kinumusta naman namin kay Ken ang taping niya para sa Dading ng GMA na pinakaunang regular na TV series niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pakli niya, “Ngayon po very happy kasi tuluy-tuloy. And medyo nagiging big deal na rin po yung character ko sa Dading.”

Tatlong buwan na siyang nagte-taping sa naturang serye na pinagbibidahan ni Gabby Eigenmann.

Ang madalas niyang kaeksena ay ang kapwa Mercator talent niyang si Benjamin Alves.

Nakakapag-bonding na raw sila ni Benjamin.

Lahad niya, “Actually sa taping po. Well, napansin din po yun ng mga direktor, ng staff sa Dading, kasi nga po, before nung nasa set kami, wala pang tinatawag na parang mag-buddy, magbarkada.

“Wala pa yung ganun na hinahanap nila. Well, ngayon po medyo okay na okay na po siya kasi one take na lang, kumbaga nakikita nila yung as friends, so medyo yung koneksyon okay na po sa mga eksena.

“Nakaka-bonding ko rin po siya after taping, pag kumakain kami kasama yung ibang stars, sina Miss Glaiza [de Castro], sina Miss Chynna [Ortaleza], sila Gabby.”

Hindi pa raw sila nagkakaroon ng pagkakataon ni Benjamin na gumimik bilang magbarkada.

“Bising-busy rin po kasi si Benjamin, ang dami niyang ginagawa,” patukoy niya sa co-star.

Bini-build-up ng GMA si Ken, hindi kaya dumating ang panahon na mas sumikat siya kaysa kay Benjamin?

“Hindi ko po masasabi pero, well, ginagawa ko naman po ang dapat kong gawin.

“And then of course, andiyan na rin po kasi yung pagsuporta sa akin ng Mercator kaya naman, kapag may chance po na ganun, magiging happy rin naman po ako.

“Pero kami naman po, family kami sa Mercator—nagtutulungan naman po kami,” wika niya.

GRATEFUL TO CHYNNA. Sa female stars ng Dading ay si Chynna Ortaleza daw ang madalas niyang kaeksena.

“Sobrang bait po talaga, as in sobrang bait!

“Actually, there was a time po kasi na parang sobra akong na-depress in a way because that was my parang second or third time na taping sa Dading and then may mga times po kasi talaga na hindi mo mabigay yung gusto ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ginawa ni Chynna kinausap niya yung direktor tapos hinug ako ni Chynna sabi niya, ‘Okay lang ’yan,’ ganun-ganun.

“Natuwa naman ako sa kanila kasi binigyan nila ako ng chance na mag-adapt dun sa scene and then sila yung nag-adjust in a way na tinulungan nila akong malabas yung emotion ko.

“And then after nung senaryo na yun, nag-thank you ako sa direktor kasi po pinu-push niya ako sa limits ko, kasi alam naman po niya na meron pa akong kayang ibigay.

“And sabi naman po niya sa akin wala daw po iyon, part lang daw talaga ng trabaho yun and gusto raw niya po kasi akong ma-push kasi nakikita daw niya po yung potential ko at somehow, at some point, so iyon po, natuwa naman po ako.

“At bago po ako umalis, nag-thank you ako,” detalye niyang kuwento.

Sa eksena raw na iyon ay umiiyak si Chynna kaya na-blanko si Ken sa husay ni Chynna.

Patuloy pa ni Ken, “Mababait naman po sila, sobrang inaalalayan nila yung mga bago na tulad ko, hindi nila tini-treat na sila magagaling na, beterano na.

“Tapos sinabihan ako ni Miss Chynna after po ng take namin, sabi niya, ‘Buy yourself a cake, you deserve that!’

“Sabi niyang ganun. Tapos sabi niya, ‘You need this, you need a hug.’

“Sobrang bait po talaga.”

Mabait din daw ang isa pa nilang co-star na si Gardo Verzosa, pati siyempre ang bidang si Gabby.

“So nakakatuwa naman pong makipagtrabaho sa kanila.

“Ang dami ko pong natututunan sa kanila lalo na kay Miss Chynna, tinuturuan niya po ako ng mga techniques kung paano ba ia-absorb yung mga specific scenes kasi ang hahaba rin po kasi ng mga lines,” pahayag pa niya.

HE QUIT HIS JOB. Nag-resign na si Ken sa regular niyang trabaho dahil nga abala na siya showbiz. Nagtrabaho siya ng apat na taon sa marketing department ng isang pharmaceutical company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Medyo nahirapan raw siya sa adjustment.

Pagbabalik-tanaw pa niya, “There was a time na I woke up and then sabi ko, ‘Kailangan ko nang pumasok!’

“Yun pala wala na akong trabaho! Naalimpungatan ako, mga alas nuebe ’ata, sabi ko mali-late na ako, yun pala wala na akong pasok.

“There was a time, after nag-submit ko ng resignation letter ko, I woke up one day and naka-smile lang ako.

“Parang I think I’m happy and I’m ready to enter a new chapter of my life.

“Parang ganun, parang I think I’m excited sa bagong episode ng buhay ko.

“And sobra akong thankful dahil sunud-sunod din naman yung opportunities na dumarating. Hindi naman po ako pinapabayaan ni Jonas.”

SINGING CAREER. Isa pang bagong blessing sa buhay ni Ken ay idi-distribute na ng GMA Records ang una niyang single na “Umaasa” matapos ma-post ang music video nito sa YouTube at makakuha ng maraming hits o views.

Theme song na rin ito ng Koreanovela ng GMA na Secret Love.

“Nakaka-proud especially kapag nasa bahay ako tapos naririnig ko yung sarili ko, pag sinasabayan ko, ‘Ako ba yun?’

“Sobrang nakakatuwa plus may factor na ’pag kinakanta mo siya, iba yung dating dahil kumbaga sarili mong kanta yun, sarili mong rendition yun, sarili mong damdamin at puso mo yung ibinigay mo dun so ang sarap, ang sarap sa pakiramdam na ganun.

“Tapos yung mga tao kapag nare-recall nila, nakakatuwa, nakaka-proud,” pagmamalaki niya.

GOOD DANCER. Bukod sa pag-arte at pagkanta ay mahusay rin na dancer si Ken.

Ani Ken, “Nagwu-workshop po ako, mga hip-hop po, mga lyrical, kahit ano po.”

Miyembro siya ng dance group noong nag-aaral siya sa high school, at mga sayaw raw ng Streetboys ang isinasayaw nila noon.

“Actually doon po ako nag-umpisang magpakita ng talent, sa dancing, hindi po sa singing,” at natawa si Ken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung bata ako, ang focus ko, ang gusto ko talaga, dancing po talaga so sumasali kami ng competition.”

RIPE FOR LEADING MAN ROLES? Tinanong namin si Ken, since nagpapa-release si Aljur Abrenica sa GMA, sa palagay ba niya ay mas lalaki ang opportunity niya na mabigyan ng leading man roles?

“Yung opportunity na yun, nasa akin naman po iyon kahit may opportunity, kung hindi ko naman po gagalingan, so nasa tao po iyon, e.

“Kung nangyari po iyon tapos may bakante for a leading man, but it doesn’t necessarily mean na there’s always a space, kasi depende po kung yung mga taong nakapaligid ay deserving na makuha yung spot na yun.

“So kailangan ko po galingan, to do better, I have to prove my worth.

“Kaya nga po ngayon focused ako sa mga workshops, sa mga puwede ko pang gawin para ma-improve ang talents ko.

“Kaya nga po nag-quit na ako sa corporate job ko kasi I want to give more than 100 percent of my time and dedication to this industry,” pangwakas niyang pahayag.

Sa mga female stars ng GMA, nais ni Ken na mabigyan ng chance na maging leading lady niya sina Max Collins, Kylie Padilla at Louise de los Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN