Kristoffer Martin delivers inspirational talk at Cavite youth summit

Kristoffer Martin on delivering his first inspirational speech at the 3rd General Trias Youth Leaders Summit: “First time ko pong ginawa ito at siyempre, nakaka-nerbiyos. Maraming kabataan na makikinig sa sasabihin natin at wish ko ay makuha ko ang atensyon nila at kahit paano ay maging inspirasyon kami sa buhay nila.”


Very proud ang Kapuso leading man na si Kristoffer Martin dahil naimbitahan siya magbigay ng inspirational talk sa mga youth leaders ng Cavite kamakailan.

Naimbitahan ang aktor sa 3rd General Trias Youth Leaders Summit na ginanap noong nakaraang August 16 sa General Trias, Cavite.

Ang tema ng youth leader summit na ito ay "Organizing New Young Leaders of Tomorrow."

Ang General Trias Youth Leaders Summit ay ginagawa para maipakita sa mga kabataan ngayon na may kakayahan sila upang makilahok sa pagbabago.

Ginagawa ito sa pamamagitan ng leadership seminars at fellowship para sa mga kabataan ng munisipalidad ng Amadeo, General Trias, Tanza at sa lungsod ng Trece Martires sa Cavite.

INSPIRING THE YOUTH. Isa sa mga nag-imbita kay Kristoffer sa youth event ay ang konsehal na si Kerby Salazar na naniniwalang makaka-inspire ang aktor sa mga kabataan dahil sa kasipagan nito sa kanyang showbiz career. Nagagawa pa ni Kristoffer na pagsabayin ang pag-arte at pag-aaral.

“First time ko pong ginawa ito at siyempre, nakaka-nerbiyos.

“Maraming kabataan na makikinig sa sasabihin natin at wish ko ay makuha ko ang atensyon nila at kahit papaano ay maging inspirasyon kami sa buhay nila,” pahayag pa ni Kristoffer.

Sa kanyang Instagram account ay pinost ng aktor ang kanyang litrato kasama ang mga youth leaders ng naturang event.

Heto ang kanyang caption:

“Done with the seminar! Sobrang saya! Almost 700 students attended the seminar. Sobrang appreciative niyong lahat. Sobrang ramdam ko na nakikinig kayo sa akin at ang sarap niyo kausap. Attentive at game lahat. First time to talk in public about a matter that really matters. Ang saya!! Thank you guys! Hope you learned a lot from me.”

Naengganyo si Kristoffer na muling magbigay ng inspirational talk sa mga kabataan dahil naise-share niya ang kanyang experiences bilang isang aktor at isang youth leader sa sarili niyang pamamaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat wala pang bagong pinagbibidahan na teleserye si Kristoffer (ang huli niya ay ang Paraiso Ko’y Ikaw), mapapanood siya tuwing Linggo sa Sunday All Stars.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN