Bea Binene says she and boyfriend Jake Vargas inspire each other

Bea Binene on resolving conflicts with boyfriend Jake Vargas: "Magkabaligtad kami ni Jake. Siya yung type na kapag may problema, itu-tone down niya muna. Hihintayin muna niyang mag-subside yung emotion o lumipas. Ako naman, kapag may problema, gusto kong pinag-uusapan agad. Ayoko ng tumatagal pa yung isang problema."


February 5, 2012 nang officially maging mag-on sina Bea Binene at Jake Vargas.

Marami na rin silang pinagdaanan sa nakalipas na mahigit dalawang taon kaya masasabing kahit paano ay matatag na ang kanilang relasyon.

“Opo naman. Talagang strong na ang foundation ng relationship namin,” nangiting pagsang-ayon ni Bea nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars kahapon, Linggo, August 24.

Kapansin-pansin din ang magandang aura pereho nina Bea at Jake.

Sabi ng teen actress tungkol dito, “Inspirasyon namin ang isa’t isa.

“Sabi nga, kapag masaya ka raw, magri-reflect talaga iyon sa aura mo.”



SHOWBIZ ENGAGEMENTS. Tila nauuso ngayon sa showbiz couples ang proposals.

Una ay si Dingdong Dantes kay Marian Rivera. Sumunod naman ay si Senator Chiz Escudero kay Heart Evangelista.

Ano ang dating kay Bea ng mga ganitong baita tungkol sa celebrity engagements?

Sabi ng 16-year-old Kapuso actress, “Nakakatuwa. ‘Tapos sinasabi nila sa lahat, parang nakakakilig!

“Parang ang proud proud nila sa relationship nila. Na parang… ewan ko.

“Parang ang saya, nakakakilig talaga.

“Yun ngang kina Ate Heart at Senator Chiz, nakita ko lang sa Instagram kaya nakakagulat na, ‘Ay, talaga?’”

Ano ang nakikita niya rito na puwedeng maka-inspire para sa relationship nila ni Jake?

Sabi ni Bea, “Bata pa po ako, hindi ko pa po iniisip yung tungkol sa mga ganyan na mga propose-propose.

“Pero siguro ano… ang nakaka-inspire lang na parang mas maging strong pa ang relationship namin.”



KILIG MOMENTS. Sa relasyon nila ni Jake, ano ba ang kadalasang nakapagbibigay ng kilig sa kanya?

“Si Jake naman kasi, sweet at saka gentleman.

“Na… nagsasabi siya ng mga sweet things in an unexpected way. Yung mga ganun?

“May mga ginagawa siya unexpectedly, so nakakatuwa.”

Dati ay para silang aso’t puso na madalas magkaroon ng LQ (lover’s quarrel).

Pero ayon kay Jake, bihira na raw silang magkaroon ng misunderstanding ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Bea tungkol dito, “Kung may LQ man, siguro nakakatulong din po iyon para mag-mature ang isang relationship, ‘di ba?

“At saka sa isang relasyon, hindi naman siguro talaga mawawala iyon, e. Pero we try na hindi kami magpaapekto.

“Or kapag may ganyan, pag-usapan agad.

“Hindi na kami aabot sa point na gaya ng nangyari before,” na nag-break sila ang ibig niyang sabihin.

“At iyon po ang nakaka-mature din—yung pag-handle ng ganyang situation sa relationship.”

Dagdag ni Bea, “Magkabaligtad kami ni Jake.

“Siya yung type na kapag may problema, itu-tone down niya muna.

“Hihintayin muna niyang mag-subside yung emotion o lumipas.

“Ako naman, kapag may problema, gusto kong pinag-uusapan agad. Ayoko ng tumatagal pa yung isang problema.

“Ngayon, kapag may tampuhan, nakakapag-adjust na kami pareho.

“Hindi na nagiging conflict yung individual differences namin.”



TOGETHER AGAIN. Balik-tambalan sina Bea at Jake sa upcoming series ng GMA Network na Strawberry Lane. Tinatapos din nila ngayon ang horror film na Liwanag Sa Dilim.

Hindi kaya sila magkaroon ng sawa factor sa isa’t isa na madalas silang magkasama ‘tapos pagdating sa trabaho ay sila pa rin?

Sagot ni Bea, “Hindi naman po.

“Pagdating naman kasi sa pagsasama namin sa trabaho, we make it a point na there’s something new.

“Hindi pa kami nakakapagsimulang mag-taping ng Strawberry Lane. This Thursday pa kukunan yung pilot episode.

“Sa ngayon, wala pa yung script sa akin, pero nakapag-story conference na kami.

“’Tapos nabasa ko na yung story. Alam ko na yung flow ng story at saka yung role ko

“Nakapag-work-shop na rin kami. So, kumbaga, ready na sa pagsisimula ng taping.”

Ilang projects din ang pinalampas niyang gawin dati. Ano ang meron sa Strawberry Lane para tanggapin niya?

Sagot ni Bea, “Ano po… yung story kasi is about friendship. It’s about family.

“Bawat tao makaka-relate dun sa story ng soap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, bawat characters ay may kanya-kanyang story, so maraming dapat na abangan.

“Kailangang tutukan at subaybayan ng viewers kasi maraming iba’t ibang story nga nung different characters.”

Halos tapos naman na sila ng shooting para sa Liwanag Sa Dilim. Unang sabak raw niya ito sa paggawa ng horror film.

Saad ni Bea, “Isang probinsiyana ang role ko rito. ‘Tapos may nangyayaring kababalaghan sa lugar namin na… may mga aswang.

“Nakakapagod, ang daming eksenang takbuhan.

“Pero exciting din, nakaka-challenge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN