Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

"Boy Pakyu" steals the limelight from Pinoy Big Brother All In winner Daniel Matsunaga

by Jojo Gabinete
Aug 25, 2014
Isang lalaki ang umagaw ng eksena habang nagsasalita ang PBB All In Big Winner na si Daniel Matsunaga kagabi, August 24, dahil nag-dirty finger sign siya nang mahagip ng camera.

Binigyan ng alias na “Boy Pakyu” ang hindi pa nakikilalang lalaki na nang-agaw ng eksena sa Pinoy Big Brother All In big winner na si Daniel Matsunaga kagabi, August 24.

Magkasabay na nag-trending sa Twitter ang pangalan ni Daniel at ni “Boy Pakyu,” na umagaw sa atensyon ng PBB All In Big Night viewers dahil sa kanyang dirty finger sign nang mahagip siya ng TV camera ng ABS-CBN habang emosyonal na nagsasalita ang PBB All In Big Winner.

Instant celebrity si “Boy Pakyu” dahil bukod sa nag-worldwide trending ito, pinag-uusapan siya ng mga local celebrity at maging ng ordinaryong viewers.

Magkahalo ang reaksiyon ng televiewers sa ginawa ni “Boy Pakyu” dahil kung marami ang nagagalit, may mga natawa sa pang-aagaw niya ng eksena.

Para sa iba, si “Boy Pakyu” ang tunay na Big Winner dahil nakuha niya ang interes ng televiewers.

Dahil sa interes kay “Boy Pakyu,” may mga naghahanap sa kanya para makausap siya at malaman ang tunay na pangalan, pati na ang PBB All In Big Four housemate na sinuportahan niya.

Continue reading below ↓

Sa kasamaang-palad, litrato na lamang ni “Boy Pakyu” ang makikita ng publiko dahil deleted sa video footage ng emotional speech ni Daniel ang kanyang claim-to-fame stunt.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Read More Stories About
Daniel Matsunaga
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang lalaki ang umagaw ng eksena habang nagsasalita ang PBB All In Big Winner na si Daniel Matsunaga kagabi, August 24, dahil nag-dirty finger sign siya nang mahagip ng camera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results