Kris Aquino calls Mayor Herbert Bautista her "spokesperson"; takes on Derek Ramsay’s Ice Bucket Challenge

Kris Aquino’s message to ex-boyfriend Mayor Herbert Bautista: "‘Di ba, ako, sinasabihan niyo na madaldal, walang pribado. Nanahimik na ako, e. Nag-move on na ako. Sana ang ibang tao, kayanin din gawin yun dahil marami namang responsibilidad sa trabaho niya. Huwag nang makialam sa buhay ko."


Tinawag ni Kris Aquino na “spokesperson” niya ang dating kasintahan na si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Ito ay sinabi ng TV host-actress nang hingin ng co-host niya sa The Buzz na si Toni Gonzaga kahapon, August 24, sa reaksiyon niya sa pahayag ni Mayor Herbert sa diumano’y saloobin ni Kris sa iba pa niyang mga naging karelasyon, ‘tulad nina Phillip Salvador, Joey Marquez, at James Yap.

Read: Mayor Herbert Bautista on possibility of rekindling closeness with Kris Aquino: “Siguro kapag may panahon. Wala namang problema ‘yon. Panahon lang.”

Nakangiting sabi ni Kris, “Okay, I have a spokesperson, si Mayor Bautista.

“Hindi, ‘di ba, parang gustung-gusto niyang mag-opinyon para sa akin.

“Ganito kasimple yun, e. If you still talk about it or if you still talk about the person, ang ibig sabihin nun, you still care about the person, ‘di ba?

“Pero kung hindi mo na siya pag-uusapan, hahayaan mo na lang.

Ibig sabihin nun, naka-move on ka na.”

Komento naman ni Toni, “Hindi pa siya nakaka-move on? He still cares about you?”

Natatawang sagot ni Kris, “I think so!

“But I’m proud to say, I’ve moved on.

“Kasi, kung ano ang mahalaga sa akin, yun ang pag-uusapan ko ngayon.

“And, ang mahalaga sa akin is si Derek Ramsay.”



ICE BUCKET CHALLENGE. Pagkatapos nito ay binanggit ni Kris na may challenge kasi sa kanya si Derek—ang ALS Ice Bucket Challenge.

Kuwento ni Kris, “He had an Ice Bucket Challenge yesterday at 12 noon.

“Pinost niya ito, pero lumampas ako sa 24 hours, ‘di ba?

“Kasi, anong oras na? Tinanggal ko ang relo ko, so anong oras na.”

Pambubuko naman ni Toni, tinanggal din daw ni Kris ang bracelet nitong may letrang “H.”

“Naman!” bulalas ni Kris.

Bago gawin ang Ice Bucket Challenge, ipinakita ni Kris ang $100 na hawak nitong idu-donate daw niya sa ALS.Org.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Kris, “Kaya nila ito ginagawa, hindi para magbasa lamang.

“Ginagawa nila ito to raise awareness about what’s commonly known as Lou Gehrig’s disease.

“And so far talaga, million and millions of dollars na ang na-raise nila, ‘di ba?

“So, I’m doing my share.”

Dagdag ni Kris, “I’m taking on your challenge, Derek, dahil mahalaga ka sa akin. So, ito yun, ha.

“And kasi, bago ko ‘to gawin, kailangan mag-nominate.

“May tatlo kang puwedeng i-nominate to do the Ice Bucket Challenge in 24 hours or you can donate the $100.

“Pero, most people, they donate and do the Ice Bucket Challenge.

“So, tatlo ang inu-nominate ko.

“Starting off with… first thing in the morning pa lang, sana gawin niya—Anthony Taberna.

“Tunying, sana gawin mo ‘to sa UKG [Umagang Kay Ganda].

“Ang second nominee ko, Darla Sauler, para gawin mo ‘to habang live ang Kris TV.

“At ang huling nominee, ko ang asawa ko, Vice Ganda, I’m nominating you.

“So, kayong tatlo. You all have 24 hours.

“So, bahala na kayo kung kailan niyo gagawin.”

Pare-pareho namang ginawa ng tatlong ni-nominate ni Kris na sina Tunying, Darla, at Vice ang hamon sa kanila kanina.



MOVE ON. Bago gawin ni Kris ang kanyang Ice Bucket Challenge, sinagot niya ang tungkol sa pagbibigay ng opinyon ni Mayor Herbert tungkol sa kanya.

Saad niya “’Di ba kasi, ‘di ba, ako, sinasabihan niyo na madaldal, walang pribado.

“Nanahimik na ako, e. Nag-move on na ako.

“Sana ang ibang tao, kayanin din gawin yun dahil marami namang responsibilidad sa trabaho niya.

“Huwag nang makialam sa buhay ko.”

Pagkatapos nito ay ginawa na ni Kris ang Ice Bucket Challenge kunsaan si Toni, kasama ang anak na si Bimby, ang nagbuhos sa kanya ng tubig na may yelo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN