Heart Evangelista’s engagement to Sen. Chiz Escudero paves the way for reconciliation with her parents

A few hours after her engagement to Senator Chiz Escudero, Heart Evangelista posts a text message from her dad Rod Onpauco and a picture with her mom Cecile Ongpauco.


Sunud-sunod na nagiging maayos at positibo ang mga kaganapan sa personal na buhay ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Pagkatapos mag-propose ng kasintahan niyang si Senator Chiz Escudero sa Sorsogon noong Sabado, August 23, tila maayos na rin ang relasyon ng aktres sa kanyang mga magulang.

Kahapon, August 24, ibinahagi ni Heart sa kanyang Instagram account ang mensahe ng amang si Rod Ongpauco sa text:

“always be happy heart love u.”

Lumalabas na ito ang reaksiyon ng ama ni Heart sa kanyang engagement kay Senator Chiz.

Hindi naman mapagsidlan ang kaligayahan ng aktres sa mensaheng natanggap mula sa ama.

Caption ni Heart sa kanyang Instagram post: “To my dad… thank you for loving me the way you do… my perfect morning.”



Ilang oras ang nakalipas ay nag-post ng panibagong mensahe si Heart sa kanyang Instagram account.

Ito ay isang larawang kunsaan kasama niya ang kapatid na si Camille at ang kanilang ina na si Cecile Ongpauco.

Pinagitnaan si Heart ng kapatid at ina na pawang mga nakangiti sa larawan.

Ang simpleng caption ni Heart dito ay: “My mom and sissy @camongpauco.”

Kung marami ang natuwa sa ibinahaging text message ni Heart ng kanyang ama, mas marami ang nag-post ng kanilang mga positibong komento sa larawan ng aktres kasama ang ina.

May ilan pang nagkomento na base raw sa larawan ay tila pare-parehong galing sa pag-iyak ang tatlo.



STAR-CROSSED. Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang isapubliko ng mga magulang ni Heart, sa pamamagitan ng pagpapatawag ng press conference, ang disgusto nila kay Senator Chiz.

Sinabihan pa nila ang senador na layuan ang kanilang anak.

Read: Cecile Ongpauco on Senator Chiz Escudero: “I simply wish he could find someone his own age.”

Dahil dito ay nagkaroon ng alitan sa pagitan ni Heart at ng kanyang mga magulang.

Naging dahilan din ito upang umalis ang aktres sa poder ng kanyang mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila nito, nanatiling matatag ang relasyon ni Heart at ni Senator Chiz.

Sa mga nakaraang panayam kay Heart, sinasabi niyang sa kabila ng mga nangyayari ay nagkakapalitan pa rin sila ng text messages ng ama.

Habang tila sarado pa rin ang puso ng kanyang ina.

Nabalita rin ang hindi sinasadyang pagkikita na Heart at ng kanyang ina sa isang mall, kung saan hindi tinanggap ni Mrs. Ongpauco ang pagbati o paghalik ng aktres.

Ngunit sa larawang ipinost ni Heart ngayong araw, tila nagkaayos at nagkapatawaran na sila ng ina.

Posible kayang ang engagement ni Heart kay Senator Chiz ang isa sa dahilan ng paglambot ng puso ng ina ng aktres?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN