Dennis Roldan gets guilty verdict for kidnapping Filipino-Chinese boy in 2005

IMAGE Jojo Gabinete

Dennis Roldan sentenced to lifetime imprisonment after he was found guilty for masterminding the kidnapping of a three-year-old Filipino-Chinese boy back in 2005.


Hinatulang guilty ng Pasig City Regional Trial Court si Dennis Roldan, 53, para sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese na batang lalaki, noong 2005.

Humarap ang aktor at dating Quezon City representative—na ang tunay na pangalan ay Mitchell Gumabao—sa Pasig City RTC Branch 167 para sa pagbasa ng kanyang hatol ngayong araw, August 26.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, pinatawan si Roldan ng parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.

Hinatulan ding guilty ang kapwa-akusado ni Roldan na sina Rowena San Andres at Adrian Domingo.

Pinawalang-sala naman ang isa pang akusado na si Octavio Garces, na itinurong utak sa likod ng kidnapping si Roldan.

 

 

KIDNAPPING INCIDENT. Matatandaang inaresto at idinetena sa Pasig City Jail si Roldan at kapwa-akusado na sina Garces, Domingo, San Andres, Noel San Andres, at Adrian Domingo noong February 2005.

Ito ay matapos ng matagumpay na pagsagip sa noo’y tatlong-taong-gulang na biktima sa isang bahay sa Cubao, Quezon City.

Ngunit noong July 2006, nagbayad ng piyansang nagkakahalaga ng P500,000 at pansamantalang nakalaya si Roldan.

Ayon pa sa ulat ng GMA Network News Online noong July 25, 2006, sampung katao ang humarap na testigo laban sa mga akusado.

Isa na rito ang ina ng biktima na si Jenny Yu, na nagsumite ng palitan nila ng mensahe ni Roldan noong nanghihingi ito ng ransom money, bilang karagdagang ebidensiya.

Noong August 2008 ay tumestigo mismo ang biktima, na noo’y may edad na anim na taong gulang, at positibong itinuro sina Roldan at San Andres kaugnay ng kasong kidnapping.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ng awtoridad ang diumano’y co-mastermind ni Roldan na si Suzette Wang.

Si Wang ay diumano’y kasintahan ni Roldan at malapit na kaibigan ng ina ng biktima.

APPEAL. Pagkatapos basahan ng hatol si Roldan sa Pasig RTC kanina ay diretso na siyang dinala sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganunpaman, determinado ang kampo ni Roldan na maghain ng apela sa Court of Appeals kaugnay ng kaso ng dating aktor.

Sabi pa ni Roldan sa maiksing panayam ng GMA News kanina, “This is just a beginning.”

Si Roldan ay isang pastor sa Jesus Christ The Life Giver Ministry International.

Kasama siya sa cast ng GMA primetime series na My Destiny.

Si Roldan ay ama ng volleyball player at ex-PBB All In housemate na si Michelle Gumabao at ng ABS-CBN talent na si Marco Gumabao.

Kapatid naman siya ng dating aktres na si Isabel Rivas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN