Carlos Agassi admits breakup with Margo Midwinter caused by his being a Mama’s boy

Carlos Agassi on not being visible on TV: “Hindi naman sa pagmamalaki, kung titingnan mo ako ngayon, mas guwapo ako kaysa dati. Mas magaling akong umarte at mas mature ako. Kaya walang dahilan kung bakit wala ako sa TV.”


Hindi natuloy ang pagpapakasal ni Carlos Agassi sa non-showbiz Filipino-British girlfriend niyang si Margo Midwinter.

Hiwalay na sila ng babaeng dapat sana’y pakakasalan na niya.

Saad ng 34-year-old actor-rapper, “Well, right now, it’s because that I’m very traditional Filipino.

“Even na matanda na ako, I listen to my mom and care so much for my brothers.”

Matatandaang nabalita ang engagement ni Carlos sa isang mestisahing babae na binigyan pa niya ng singsing bago ito lumipad pabalik ng France.

Kuwento niya sa rason ng naudlot na pagpapakasal, “What happened was, I think she’s not yet ready to get married.

“Now, she’s twenty-six and I’m thirty-four.

“We broke up when she’s twenty-five, last year lang.

“We were together for two years. We got engaged one year after na naging kami.

“And then, I got the chance to go to her country and meet her family.

“Nagpunta ako doon nung kami pa and I did some Barrio Fiesta shows.

"And then I just saw na..."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlos sa presscon ng Guitar undergarments, na ginanap sa dating Wil Event’s Place, sa Sgt. Esguerra, Quezon City, noong Sabado, August 23.

MAMA’S BOY. Inamin ni Carlos na ang pagiging Mama’s boy niya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila ni Margo at nag-break.

Read: Carlos Agassi details how he proposed to his Filipina-British girlfriend Margo Maywinter

Saad niya, "Ano kasi ako, e, Mama’s boy.

“And I care so much for my brothers, na how you treat my mom or how you treat my brother is very important to me.

“If my mother doesn’t like you and my brother doesn’t like you, even if I like you, well…”

Hindi itinanggi ni Carlos na hindi nagustuhan kanyang ina ang girlfriend niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit paglilinaw ng actor-rapper, “Nothing against her. It’s just won’t work.

“Kasi nung time na gusto kong magpakasal or anything at ayaw niya… so yun na yun.”

Hindi ba masyado na siyang matanda para maging Mama’s boy?

Sagot ni Carlos, “No, no… I don’t think na you outgrow being a Mama’s boy.

“We just call it na lang now, especially my age, Mama’s boy.”

Hanggang ngayon daw ay nakikinig pa rin siya sa mga payo ng kanyang ina.

“Lahat ng sinasabi niya, matimbang sa akin,” sabi niya.



SETTLING DOWN. Nakikita pa rin ba niya ang sarili na mag-aasawa?

Sagot ni Carlos, “I’ll joke about it na I’ll probably the cool kuya and just have dates and girlfriend.

“We just don’t really know until I fall in love, ‘di ba?”

Ayon kay Carlos, nasa ex-girlfriend pa rin niya ang engagement ring na ibinigay niya rito. Hindi pa raw nito ibinabalik ang singsing.

“I just hope na she’s not mad at me and she’s happy.

“Kasi I told her she deserves a guy who can make her happy.”

INACTIVE. May dalawang taon nang nakalutang sa hangin ang acting career ni Carlos.

Noong 2012 pa huling napanood si Carlos sa mga pelikulang Every Breath U Take at Moron 5 and The Crying Lady, at sa ABS-CBN fantaserye na Wako Wako.

Walang kontrata ngayon si Carlos sa anumang TV network, kaya malaya siyang lumabas sa iba’t ibang istasyon.

Ipinagpapasalamat na lang ng aktor dahil may mga out-of-town shows at events appearances siya kaya hindi naman siya nababakante kahit paano.

Ngunit ayon kay Carlos, kinausap na siya ng head ng Star Magic na si Johnny Manahan at nangako naman itong bibigyan siya ng project na babagay sa kanya.

Kuwento pa niya, “We talked and they always tells me na they always keep me in their minds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But of course, at the end of the day, ang choice naman sa casting, it’s the producer. I respect that naman.

“I’m not the type of person na I force myself.

“With regards to my personal experiences in life, everything happened by accident.

Pagkatapos nito ay ibinahagi niya kung paano siya nagsimula sa showbiz.

Lahad ni Carlos, “At that time kinuha ako ng Star Circle, hindi ako marunong mag-Tagalog, English lang.

“Walang leading man si Claudine, so ako ang naging leading man, by accident.

“Ang role ko, rapper-producer, English-speaking sa Saan Ka Man Naroroon [1999-2001].

“So, everything happened by accident lang.”



RUMORS HAS IT. Ilan sa mga isyung ipinukol kay Carlos ay ang pagkamatay niya umano.

Komento niya tungkol dito, “Na-miss ako ng tao sa TV.

“Walang reason kung bakit wala ako sa ABS-CBN hanggang ngayon.

“So, may mga haters diyan na naninira at gumagawa ng excuse kung bakit wala ako sa ABS-CBN or wala akong show.

“Sinasabing nagkasakit ako at namatay ako. Pero buhay ako.

“Wala, wala… Hindi ako maka-guest ngayon, nagra-rap ako, pero wala ako sa ASAP.

“Yun din ang tanong ko kung bakit. Hindi ko rin alam.”

Itinanggi muli ni Carlos ang usap-usapang gumagamit daw siya ng steroids para mapanatili ang maganda niyang pangangatawan.

“Hindi po totoo ‘yan. I’m half Iranian...

“I start working out… kung nag-steriods ka… kaya ka nag-i-steroids dahil mababa yung testerones mo…”

Ayon sa usap-usapan noon, kaya raw siya namatay dahil na-overdose daw siya sa steroids?

Saad niya, “Nung time ko po kasi, hindi pa open ang health and fitness.

“’Di ba noon, hindi naman requirements na dapat may abs ka, guwapo ka?

“Mula nung dumating ako, hindi naman sa pagmamayabang, lahat sila ngayon…

“Saka alam po natin na kapag hindi natin naintindihan, galit sila, they curse it.

“So, hindi nila naintindihan na ganito ang katawan ko, na ‘eto ang diet ko, ‘eto ang work out. Sinasabi nila steroids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag nag-steroids ka at ‘di ka nag-workout, tataba ka.

“At ‘pag nag-workout ka, tapos nag-steriods ka, lalaki ka nang lalaki.

“Hindi ko kailangan nung ganun kasi dapat sexy ako sa Guitar underwear.

“The moment na maging mukha akong malaki, baka hindi na nila ako kunin.”



BASHERS. Saan kaya nanggaling ang mga balitang ito tungkol sa kanya?

Sabi ni Carlos, “Hindi ko po alam.

“Lahat naman ng tao, the moment na makilala ka nang konti, kahit hindi ka nga artista at hindi ka naman pulitiko, may mga taong gusto sa iyo at may mga taong ayaw sa iyo.

“Hindi ko po alam kung sino ang mga taong ayaw sa akin.

“Ang nakita ko lang rason kung bakit sinasabi ng tao na namatay ako, kasi nga wala ako sa TV.

“Hindi naman sa pagmamalaki, kung titingnan mo ako ngayon, mas guwapo ako kaysa dati. Mas magaling akong umarte at mas mature ako.

“Kaya walang dahilan kung bakit wala ako sa TV.”

Kahit daw ang balitang may sakit siya sa kidney ay itinanggi ni Carlos.

“Wala po talaga,” diin niya.

“Kasi kung may sakit ka sa kidney, hindi ka puwedeng mag-work, kini-kidney dialysis ka.

“Nakakapag-basketball pa ako.

“Yung mga corporate events ko, aside from hosting, may singing rin ako, judging projects.”

Hindi kaya naging unprofessional siya at naging sakit ng ulo ng mga staff ng ABS-CBN?

“Hindi ko masabi, e.

“Pero ganito ‘yan. ‘Pag ang isang tao, gusto mo siya, hahanapan mo ang lahat ng magandang katangian sa kanya.

“’Pag ayaw mo siya, hahanapan mo ng ang mga pangit na katangian sa kanya.

“So, hindi ko talaga alam ang sagot diyan. Hindi naman kasi ako perpekto.

“Sabihin na lang natin na wala yung suwerte ko ngayon sa TV o sa pelikula.”



GAY BENEFACTOR. Isa pang isyung matagal nang ikinakabit kay Carlos ay ang diumano’y pagkakaroon niya noon ng gay lover o gay benefactor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakangiting sabi niya tungkol dito, “Wala, wala…

“Kasi ang gay benefactor o gay lover, nagbibigay sa iyo ng pera, nagmi-make love kayo, nagsi-sex kayo.

“Walang ganun. Wala po, ever.”

Nagkaroon ba siya ng indecent proposals mula sa mga bading?

“Marami, hanggang ngayon,” sagot ni Carlos.

Paano niya hina-handle ang mga ganitong sitwasyon?

Sabi niya, “Alam niyo po, mature na po ako ngayon.

“Noong araw, noong bata pa ako, I really didn’t know how to react.

“But now, I just find it na parang flattering na may gusto sila iyo. And I don’t take it against them.

“Unlike before, hindi ko alam kung ano ang isasagot whenever na mapupunta ako sa ganung sitwasyon. I don’t know how to react.

“But now, I’m open, I’m mature, I’m more open-minded. I have nothing against that.

“And I could see that. Whenever I do shows, sa mga fiesta to do whatever, ang number one supporters ko is third sex.

“And ngayon, nakakagulat, ‘pag nagsu-show ako, hindi mga bading ang pumipisil sa braso ko, lalaki.

“Hindi bading, hindi babae, lalaki.

“Tinatanong nila ako kung ano ang siktreto para magka-abs. Puro mga lalaki.”

Kinareer daw ni Carlos ang pagpapaganda ng katawan mula nang mag-setup siya ng sariling gym sa kanyang bahay at kumuha pa ng fitness and nutrition program sa American Council and Exercise sa UCLA.

Sa ngayon, naghihintay lang si Carlos na muling magkaroon ng TV project at mapagkatiwalaang ipamalas ang pagma-mature niya bilang isang aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN