Robin Padilla reacts to Dennis Roldan’s lifetime imprisonment; accepts Kathryn Bernardo’s Ice Bucket Challenge

Robin Padilla on his experience behind prison bars: “Ang kalaban mo lang doon, yung sarili mo lang. Saka kung hindi ka lalaban nang parehas, kung hindi ka lumaban nang parehas, ubos ka doon… Kung hindi ka lumaban nang parehas at ginamit mo ang salapi mo, ‘yon ang pinakamali na gagawin mo doon, e. Mauubos ka doon.”


Nasa taping ng Talentadong Pinoy ng TV5 si Robin Padilla kanina, August 26, nang malaman nito ang balita tungkol sa guilty verdict ng Pasig City Regional Trial Court sa aktor at former Quezon City congressman na si Dennis Roldan dahil sa kinasangkutan nitong kidnapping case noong 2005.

Nagpahayag ng pagkagulat si Robin nang sabihin sa kanyang pagkatapos ng promulgation hearing kanina, dinala si Dennis sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City, dahil sa hatol ng korte na reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong sa aktor.

Hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Robin tungkol sa pagdadala kay Dennis sa New Bilibid Prisons, na naging “tahanan” ng action star sa loob ng tatlo at kalahating taon nang masangkot siya sa kasong illegal possession of firearms noong 1995.

Saad ni Robin, “Kayang-kaya naman ni Dennis Roldan ang bilibid.

“Ang bilibid naman, noong panahon ko, noong panahon ko, ha, hindi naman ako nahirapan.

“Ang kalaban mo lang doon, yung sarili mo lang.

“Saka kung hindi ka lalaban nang parehas, kung hindi ka lumaban nang parehas, ubos ka doon…

“Kung hindi ka lumaban nang parehas at ginamit mo ang salapi mo, ‘yon ang pinakamali na gagawin mo doon, e. Mauubos ka doon.”



ICE BUCKET CHALLENGE. Tinanong din ng PEP kay Robin ang pagpayag nitong gawin ang ALS Ice Bucket Challenge, kasama ang asawa na si Mariel Rodriguez.

Marami ang natuwa sa ginawa ni Robin na pagsasaklob ng timba sa kanyang ulo matapos buhusan ng malamig na tubig ang sarili at si Mariel.

Watch the video: Mariel Rodriguez shows step-by-step procedure of how to do the ALS bucket challenge

Ayon kay Robin, isinaklob niya ang balde sa kanyang ulo dahil nahihiya siya.

Ipinagtapat ni Robin na napilitan siyang tanggapin ang Ice Bucket Challenge dahil si Kathryn Bernardo ang nag-nominate sa kanila ni Mariel.

Si Kathryn ang onscreen partner ng pamangkin ni Robin na si Daniel Padilla, na kasama rin ng young actress na gumawa ng Ice Bucket Challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Robin, “Ayokong gawin talaga ‘yon.

“Ang dami nang humamon diyan, pati yung producer ko ng Bonifacio.

“Ini-explain ko palagi, puwede naman ho na mag-donate na lang.

"Kasi para sa akin, ha, e, di mag-donate na lang ako, ‘tapos sabihin ko na lang na suportahan.

“Ba’t ko naman paliliguan ang sarili ko, ‘di ba?

“Katulad ng sinasabi ko, estado-estado naman ng tao.

“Sa mga wala nang dapat patunayan, hindi mo na dapat gawin ‘yon.”

Patuloy niya, “Paggising ko kanina, dito kasi ako natulog [sa TV5 compound], tinext ako ni Mariel, ‘O, hinamon tayo ni KathNiel, si Daniel at saka si Kathryn.’

“Sabi ko, ‘Maiintindihan na ni Daniel ‘yan.’

“Sabi niya [Mariel], ‘Hindi, panoorin mo.’

“Naku, pagpanood ko, ang nagsabi, si Kathryn, nahiya ako!

“Kung si Daniel ang nagsabi, puwede kong sabihin kay Daniel, ‘Huwag mong… igalang mo na ang tito mo, ha?’

“E, ang nagsabi si Kathryn, nahiya naman ako.”

Pagtataka naman ang rumehistro sa mukha ni Robin nang sabihin sa kanya na ibang tao ang dapat na nagbuhos ng malamig na tubig sa kanya at hindi ang sarili niya.

Sabi niya, “A, ganoon ba ‘yon? Hindi ko alam, walang nagsabi sa akin.

“E, ayoko na iba ang magbuhos kay Mariel, kasi maraming aksidente.

“Meron isang grupo sa Amerika, nakuryente… mga fireman.

“Pinuproteksyunan ko lang ang asawa ko…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN