BB Gandanghari reveals thinking about committing suicide before coming out

Inamin ni BB Gandanghari na dumating sa isang punto ng buhay niya na gusto na niyang magpakamatay. Lahad niya, “’Andoon na ako sa point na suicidal na ako kasi galit na galit na ako sa mundo. Naku, parang gusto ko na lang ilaglag ang kotse ko sa isang cliff! I was in the U.S. at that time. ’Tapos huwag na tayong magpangalan, pero ‘yon kasi ang panahon na na-in love ako. That was 2001, na-in love ako sa isang tao…and then I cut it off.&a


Nakakapagbiro na si Robin Padilla sa Talentadong Pinoy ng TV5 na may kapatid siyang nangangailangan ng boyfriend.

Malinaw na ang tinutukoy niya ay si BB Gandanghari.

Bumisita si BB kahapon, August 26, sa taping ng Talentadong Pinoy, na hinu-host ni Robin at ng asawa nitong si Mariel Rodriguez.

Nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang biruan nila ni Robin sa loob ng dressing room tungkol sa pagiging loveless niya o kawalan ng boyfriend.

Maligayang-maligaya si BB dahil tinanggap na rin sa wakas ng kanyang ina na si Eva Cariño-Padilla at mga kapatid ang tunay na pagkatao niya.

Saad niya, “Ngayon ko pa lang napi-feel na, ‘eto na, balik na after all these years.

“Noon, parang in and out, matagal sa Amerika.

“Alam mo, hindi madali yung transition, e.

“Sinasabi ko noon sa Mama ko na, ‘Ma, hindi ako gay.’

“Sasagot siya ng ‘Ha? E, ano ka?’

“Ini-explain ko sa kanya na transgender ako.

“Actually, kung ano yung transgender—a woman trapped in a man’s body…

“So, in-explain ko sa kanya, nakikinig naman.

“Unti-unti niyang naiintindihan kung bakit ako nagdadamit-babae.

“Kasi noong una, ‘Okay, gay ka, pero bakit kailangan ka pa na magbihis-babae?’

“Then, I have to explain why.

“Hindi ako nagdadamit-babae dahil gusto ko lang magdamit-babae.

“Kasi babae ako, so kailangan ko na magdamit nang ganito.”



TRANSGENDER TO TRANSSEXUAL. Isa sa madalas tanungin ay BB ay kung sasailalim na rin ba siya sa operasyon upang palitan ang kanyang kasarian.

Sagot niya, “May posibilidad.

"Pero alam mo kasi, kapag tinanggap mo na yung pinagdadaanan mo bilang transgender, hindi na ganoon kaimportante na aabot ka doon.

“Paano kung makatagpo naman ako ng lalaki na matatanggap ang ganitong pagkatao ko, so hindi na siya essential?”



SUICIDAL. Inamin din ni BB na may pagkakataon noon na gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay dahil sa hirap na dinaranas ng kanyang kalooban

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Magpapakamatay na ako noon.

“’Andoon na ako sa point na suicidal na ako kasi galit na galit na ako sa mundo.

“Naku, parang gusto ko na lang ilaglag ang kotse ko sa isang cliff! I was in the U.S. at that time.

“’Tapos huwag na tayong magpangalan, pero ‘yon kasi ang panahon na na-in love ako.

“That was 2001, na-in love ako sa isang tao…and then I cut it off.”

Malutong ang halakhak ni BB nang ipilit ng isang kausap niya na kapwa aktor ang taong kanyang minahal nang husto noong 2001.

Patuloy niya, “Pumunta ako ng Amerika, nag-girlfriend… oo, nag-girlfriend.

“At doon ko na-realize na, ‘Ay, naku, galit na galit na ako sa mundo.

“Yun na nga, gusto ko na lang iganoon [ihulog] yung kotse.

“Nag-out muna ako siyempre sa Diyos ko, ‘tapos sa sarili ko.

“That was in 2004, ‘tapos umuwi ako dito 2005.

“If I continue denying what’s going on inside, I will die unhappy, alone.

“And then, parang I saw myself on my death bed.

“And then, sabi ko, ayoko yatang umabot sa punto na pointing fingers ako na, ‘Ikaw kasi… ikaw kasi…’

“And then, lahat ng ginaganyan mo, sasabihin, ‘Bakit ako, e, desisyon mo ‘yan?’”



ICE BUCKET CHALLENGE. Samantala, tinanggap ni BB ang hamon sa kanya nina Robin at Mariel na gawin ang ALS Ice Bucket Challenge.

Pagkatapos niyang gawin ang challenge, ni-nominate ni BB "for posterity purposes" ang dating asawa na si Carmina Villarroel at ang asawa ng aktres ngayon na si Zoren Legaspi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN