Venus Raj admits to having non-showbiz boyfriend; tries her hand at recording

Bagamat inamin ni Venus Raj na may bago na siyang boyfriend, mas gusto raw niyang maging pribado ang parteng ito ng buhay niya sa pagkakataong ito. Saad niya, "Siguro that part of my life, I wanna keep it to ourselves na lang. But the rest, I am so much willing to share. And iyon nga, lagi nating sinasabi, ‘di ba, we want to inspire people, we want to… As much as possible, kung ano yung ginagawa natin, inspiring dapat para sa kanila, blessing dapat sa kanila.


Sa unang pagkakataon ay umamin si Venus Raj na masaya ang kanyang lovelife ngayon.

Sa huli kasing panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ay wala siyang inaamin na may karelasyon na siya.

Pero ngayon ay umamin na ang beauty queen na mayroon na siyang non-showbiz boyfriend.

Businessman ba ang boyfriend niya?

“It’s just ano… ano lang po… basta po,” iwas ni Venus.

Paano niya ilalarawan ang boyfriend niya ngayon?

“Marangal!” at tumawa si Venus bilang pag-iwas sa pagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang karelasyon ngayon.

Estudyante rin?

“Hindi po, hindi po.

“Sa akin naman po kasi, parang… basta lagi nating sinasabi, parang ang ating lovelife is something that should be private.

“And I respect that, I really respect na gustong malaman din ng mga fans natin yung lovelife natin.

“Pero the way we respect our fans, sana ganun din, they respect our privacy.

“So, ayun, opo, may boyfriend ako, but I want really to keep it private.

“Kasi, the person is really private, and ayaw ko naman din na ma-feel niya na kung anuman yung medyo…

“Marami kasing tao yung medyo ‘pag nasa show business ka, parang, alam mo yun, gusto lahat nila malaman tungkol sa iyo.

“Pero siguro that part of my life, I wanna keep it to ourselves na lang.

“But the rest, I am so much willing to share.

“And iyon nga, lagi nating sinasabi, ‘di ba, we want to inspire people, we want to…

“As much as possible, kung ano yung ginagawa natin, inspiring dapat para sa kanila, blessing dapat sa kanila.

“Pero may mga bagay na gusto natin, sa atin lang din muna.”

Bago ito, ang huling naging boyfriend ni Venus ay ang actor-TV host na si Andrei Felix.



SETTLING DOWN. Sobrang inspired daw si Venus ngayon.

“Sobra po!” bulalas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaano na sila katagal ng boyfriend niya ngayon?

“Matagal-tagal na rin po.

“Actually, kasi po nung mga times na mangilan-ngilan kayong mga nagtatanong ng kung meron na ba, kung may ganito na ba, hindi ko naman talaga sinasabi na wala.

“I’m just saying na… minsan, I’ll just smile or ano, parang indirectly, you answer indirectly.”

Desisyon daw nilang dalawa na maging pribado ang pagkatao ng boyfriend ni Venus at ang mga detalye sa kanilang relasyon.

Napag-uusapan na ba nila ang tungkol sa pagpapakasal?

Saad niya, “Siguro ano po, we are praying for that, we are praying for that.

“And kung ano yung will ni Lord, kung ano yung plans Niya for us, it will be done.”

Handa na ba siyang maging misis at maging ina?

“A, siguro po, lahat naman po ng kababaihan, parang you will come to a point na darating yun talaga sa buhay natin, darating yun sa buhay natin.

“In God’s perfect time, and siguro ang kailangan lang natin is yung patience, yung endurance while waiting.

“Pero it will come.”

Pero ang tiyak daw ay tatapusin muna ni Venus ang kanyang pag-aaral bago mag-asawa.

At willing naman daw na maghintay ang kanyang kasintahan hanggang maka-graduate si Venus.

RECORDING CAREER. Samantala, pinasok na rin ni Venus ang pagkanta at sinimulan niya ito sa pamamagitan ng test recording nila ng kasamahan niya sa Mercator na si Ken Alfonso.

Lahad niya, “Actually, ‘eto po ay first cover namin ni Ken.

“May duet kami ‘tapos meron din kaming tig-isang song na solo, pero lahat po yun, cover.”

Ginanap ang test recording nina Venus at Ken sa isang recording studio sa Panay Avenue, noong Biyernes, August 22.

Ayon pa kay Venus, “Matagal ko na po talaga kasing dream na kumanta.

“Pero parang hindi naman siya talagang focus ng career noon, kasi parang busy po sa pageantry and then ngayon, nag-aaral ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sabi namin, sabi nga ni Jonas [Gaffud, her manager], ‘Why don’t you explore and try new things?’

“And I’m happy na now it is not just a dream, we’re actually working out to make it happen.”

Noon daw naging bahagi siya ng ASAP ng ABS-CBN ay may mga pagkakataong kumakanta siya.

“Opo, several times po.”

May kaba ba si Venus sa kung anumang magiging reaksiyon ng mga tao sa kanyang pagnanais na maging singer?

Tugon niya, “Wala naman, nag-e-enjoy po kasi ako, e.

“Since first time ko siyang gawin, tuwang-tuwa lang ako ‘pag nakaka-hit ka ng tamang notes, ‘pag nakukuha mo yung tamang tono, natutuwa lang talaga ako.

“And, of course, we want to share it with the public, and sana po magustuhan din talaga ng mga tao pagka nakita na po nila.”

Malamang daw ay i-upload sa website ng Mercator ang mga kanta nina Venus at Ken during their test recording.

May plano na rin bang igawa si Venus ng pinakauna niyang album?

“Ipagdasal po natin ‘yan, malay niyo po!” sabay tawa niya.

Wala pa raw pormal na usapan tungkol dito.

Sabi niya, “So far, wala pa naman po.

“We’ll see kung ano po yung magiging outcome nito and hindi po malayo na, in the future, puwede nating gawin din iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN