Janno Gibbs confident that he will never have a problem with the BIR

Kung ang ibang mga artista at celebrity ay hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi tamang pagbabayad ng buwis, si Janno Gibbs ay wala raw magiging problema rito. Sabi niya, "Sa totoo lang, ha, isa ako sa pinakamaliit ang suweldo. Oo! Kahit silipin pa ako, okay lang!"


Kung ang ibang mga artista at celebrity ay hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi tamang pagbabayad ng buwis, si Janno Gibbs ay wala raw magiging problema rito.

Sabi niya, “Okay lang.

"Sa totoo lang, ha, isa ako sa pinakamaliit ang suweldo.

“Oo! Kahit silipin pa ako, okay lang!”

Ito ay sa kabila na dalawa ang regular shows niya sa GMAang early primetime series na My BFF at ang weekly musical-variety show na Sunday All Stars.

“Oo, pero maliit lang ang bayad ko,” sabi ng singer-comedian.

So, mas malaki ang kinikita sa kanya ng kaibigan niyang si Ogie Alcasid?

“Ay, ang yaman nun! Grabe, grabe, super!” natawang sabi ni Janno.

Pero seryoso niyang dugtong, “Hindi... sabi ko nga, pagdating sa tax, medyo... hindi naman unfair.

"Pero ang artista, as compared to other professions, mas madaling habulin at silipin.

"Because lahat ng trabaho mo, kita mo, e.

“Kita mo, wala kang matatago, ’di ba?”

Walang under the table?

“Wala, wala, e. So, iyon lang.”



GETTING BETTER. Ipinarating naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Janno ang opinyon ng ilang manonood na gumagaling na siya sa drama scenes niya sa My BFF.

“Naku po!” sambit niya tungkol dito.

Bukod dito ay may pagka-action star na rin siya dahil may mga eksena silang suntukan ni Leandro Baldemor sa show.

Sabi naman ni Janno, “Hindi, ano... iyon, sanay pa ako dun, kasi sa Pedro Penduko.

"Pero yung drama-drama… alam mo, it helps. Habang tumatagal, naging kumportable na ako sa direktor, sa mga crew.

"Kasi kung hindi, siyempre mahihiya ka… kahit dun sa nag-iilaw, mahihiya ka.

"Nasa harap mo, e, nakaganun sa harap mo."

NO HEARTTHROB. Ano naman ang pakiramdam niya na sa show, bilang si Christian, ay pinag-aagawan siya ng dalawang babae—sina Manilyn Reynes (bilang Lyn) at Valerie Concepcion (bilang Lavender)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang haba na nga ng buhok ko, e!” bulalas ni Janno.

Hindi raw siya naiilang sa kanyang karakter at hindi rin daw siya nag-aalala na baka matsismis na naman siyang nambababae sa tunay na buhay.

“Hindi ako naiilang sa ganung point of view, naiilang ako sa…

"Actually, ina-adjust ko yung lines ko minsan para kumportable yung kay Lavender.

“Halimbawa, nasa script, parang, ‘Ayoko sa iyo, ayoko talaga sa iyo! Hindi kita kayang mahalin.’

“So, conscious ako na hindi naman ako Richard Gomez.

"Si Valerie ang ganda, ’di ba?

“Hindi naman totoo, ’di ba? Hindi naman ako Dingdong Dantes.

"So, iibahin ko yung pagkakasabi ko.

"Parang dadalhin ko lang sa, ‘Hindi, may asawa ako, e! Ayokong sirain yung family ko.’ Mas totoo.”

Nagpapaalam naman daw siya sa direktor nilang si Albert Langitan kung may babaguhin sa mga linya niya.



SINGING AGAIN. Samantala, ire-revive ni Janno ang kanyang singing career. Halos tapos na nga raw ang bago niyang album.

“Most of it. Ang title niya Novela, actually nagpo-promo na kami.

“Mostly ang laman nun, yung mga theme songs ng mga telenovela… Ang Dalawang Mrs. Real, Dading, Paraiso Ko’y Ikaw, My BFF, Kambal Sirena, ’ayan.

“And then, gumawa ako ng mga new songs, para may bago naman.

"Hindi naman puro luma yung bibilhin mo, hindi yung puro narinig mo na."

Nais ni Janno na ngayong September mai-release ang album in time for his birthday.

Forty-five years old na siya sa September 16.

Kung sakaling magkaroon siya ng solo concert muli, sino ang isang singer gusto niyang maging guest?

Sagot niya, “Basil [Valdez]! Idol ko yun, e. Idol ko yun.

“Kasi si Rico Puno, idol ko rin, pero nakakasama ko na siya.”

Hindi naman daw as in never pa niyang nakasama sa isang show si Basil.

“Hindi ko pa nakaka-duet!

"Nakasama ko na, pero medyo madami kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, isa sa dream ko... ’Di ba, nagsusulat ako ng mga theme song-theme song?

"Kung mapapakanta ko siya ng isinulat ko. Ang sarap nun! Ang saya-saya nun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN