Judy Ann Santos says exclusion of Nora Aunor from National Artists list is "unfair"; wants to work with Vilma Santos and Eddie Garcia

For all her years of experience in showbiz as movie actress and teleserye queen, Judy Ann Santos won’t cross over behind the camera as director. She says, "Parang ang passion ko talaga, umarte sa harap ng kamera. Siguro puwede akong maging workshop director or acting coach, ganyan."


Isa si Judy Ann Santos sa mga artistang dismayado sa hindi pagkakasali ng Superstar na si Nora Aunor sa listahan ng hihiranging National Artists ngayong taon.

Pahayag ng tinaguriang Young Superstar, “Alam mo, ako, naniniwala ako dun sa ang pagiging National Artist... kasi bumabase naman yun sa pinagtrabahuhan mo, ’di ba?

“The body of work, yung paano ka nakapagpasok ng pangalan sa Pilipinas.

"She was critically acclaimed all over the world dahil sa trabaho niya.

“Sa palagay ko, it was a little bit unfair na may personal, na merong pinagbasehan na image.

“Hindi naman yung image ang pinagbabasehan... iyon ang intindi ko, ha, correct me if I’m wrong.

"’Di ba, ang pinagbabasehan naman sa pagiging National Artist is your body of work?

"Not your image, not your personal life. It’s your work.

“Dapat merong kasulatan, merong law kung paano ba ang classification ng isang National Artist.

"Na regardless, magpalit man ng Presidente, iyon yung susundin mo.

“Ang hirap naman na every time na magpapalit ng Presidente, babase tayo sa kung ano yung gusto ng Presidente, hindi ba?

“E, paano kung lahat ng National Artist, may past?

"So, tatanggalan mo lahat ng medalya?

"Yung mga yun kasi, may past sila na hindi sila good role model?"

Patuloy ni Judy Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “At saka yung amount of work ni Nora Aunor, ni Miss Nora Aunor, incomparable—sa kahit na sino.

“At saka hindi naman siya convicted, convicted ba siya?

“May mga pagkakamali tayo na nagawa along the way, but it doesn’t mean that we are a bad example.

"Kasi bumawi ka naman, e."

Na ang tinitingnan ay ang pagiging mahusay at outstanding na alagad ng sining?

“Oo, yung pagiging mahusay mong Pilipino, kaya ka nga National Artist.

"So, parang sa akin, sana doon bumase, sa trabaho niya, hindi sa kung ano yung pinagdaanan niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VILMA SANTOS. Tinanong din ng PEP si Judy Ann kung sino ang artistang hindi pa niya nakakatrabaho na gustung-gusto niyang makatrabaho.

“Si Vilma Santos at saka si Eddie Garcia,” mabilis niyang sagot.

Why Ate Vi?

“Bakit hindi? Kailangang makasama ko siya! Kailangan ko siyang makatrabaho.

"Siya ang kukumpleto ng buhay ko, sa palagay ko.

“Kasi nakatrabaho ko na si Ate Guy [Nora Aunor], siya yung una kong nakatrabaho.

"Hindi ko naisip na at that young age, makakasama ko siya.

“Si Ate Sharon [Cuneta], si Tatay Ron [the late Fernando Poe, Jr.], si Ate Marya [Maricel Soriano], si Tito Dolphy...

“Oo, si Ate Vi na lang at saka si Tito Eddie ang hindi ko nakakasama.”

Sa isang drama project niya nais makasama ni Judy Ann sina Vilma at Eddie.

“Oo naman... oo naman! ’Di ba?”



DIRECTOR? Dahil nagiging diversified na ang career ni Judy Ann—mula sa pagiging aktres hanggang sa pagiging TV host—pumasok ba sa isip niya na maging isang direktor din balang-araw?

Lalo pa’t isa sa mga matalik na kaibigan ni Judy Ann ang direktor na si Joyce Bernal?

Sagot niya, “Direktor, hindi ko masabi.

"Hindi ko masabi... iba rin ang obligasyon ng direktor, ha!

"Hindi kasi ako marunong umanggulo, hindi ko alam yun.

"Kaya kong mag-motivate ng artista, pero hindi ko alam kung paano ko sila aangguluhan!” tawa pa ni Judy Ann.

Dagdag niya, “Hindi ako marunong magtahi ng istorya.

"Sa ngayon, hindi ko masabi kung gusto kong maging direktor.

"Iba rin ang stress ng direktor from the day na may script-reading kayo to the first day of shooting.

"From pack-up to pagpasok sa susunod na araw.

“From dubbing, from editing... lahat yun bitbit mo!

"’Pag nag-flop yung pelikula, lahat yun bitbit mo."

Saad pa niya, "Alam ko yung buhay ni Joyce.

"Alam ko yung buhay ng mga kaibigan kong direktor, so parang hindi ko kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think it’s a calling kung gusto mong maging direktor, kasi yung passion mo, ilalagay mo dun, e.

"Parang ang passion ko talaga, umarte sa harap ng kamera.

"Siguro puwede akong maging workshop director or acting coach, ganyan.

"Pero not as a film director, not on a teleserye for now.

“Siguro susubukan ko munang mag-direct ng isang episode ng drama.”

So, nakikita niyang iyon ay kakayanin niya?

“Puwede siguro mag-try. Tingnan natin.

“Pero hindi ko masasabing magugustuhan ko siya!” tawa na naman niya.

Paliwanag niya, “Kasi ang sarap kayang magpahinga sa set ’pag wala kang take!

"’Pag wala kang eksena, makakatulog ka, tsitsika ka, kakain ka.

“Ang direktor, punumpuno ng stress.

“Hindi ko gusto yun, wrinkles ang kaakibat nun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN