Manny Pacquiao set to build boxing school in China

Manny Pacquiao is on a 12-day roadshow to promote his fight with Chris Algieri for the WBO welterweight title.


Naibalitaang plano ng Pambansang Kamao na si Manny “Pacman” Pacquiao na magtayo ng isang boxing institute sa China.

Naniniwala raw kasi si Pacman na makaka-produce ang bansang China ng professional boxers na magiging world champions.

Ayon pa sa balita, nakipag-partner na ang eight-time world title-holder sa isang Chinese company, at Manny Pacquiao Boxing Education Institute ang napagkasunduang ipangalan sa school.

Kilala ang China sa pagkakaroon ng accomplished fighters and Olympic champions.

Para kay Pacman, maitataas pa ang level ng athletes ng bansa lalo na sa larangan ng boxing.

Ayon pa sa kanya, “They just need some knowledge about boxing and should be taught the basics.

"Of course, with 1.4 billion population for the whole China, they can produce good fighters like other champions."

Kapag na-set up na raw ang naturang boxing institution, bibisita roon si Pacman para ma-supervise ito kahit once a month.

Sa tingin pa ng Sarangani representative, ang boxing institute ay isang paraan para magkaroon ng mas magandang relasyon ang Pilipinas sa China.

Ang territorial dispute na namamagitan sa Pilipinas at China sa South China Sea ay hindi pa naaayos hanggang ngayon.

Saad ng boxing champion, “This will even help in strengthening our relationship...

"Especially since in this project, the Chinese government is involved.”

Nasa Shanghai, China, si Pacman noong August 24 para i-promote ang kanyang laban kay Chris Algieri para sa WBO welterweight title na magaganap sa November 22, sa The Venetian, sa Macau.

Bahagi ang biyaheng ito ng 12-day promotional tour ng Pacquiao-Algieri boxing match.

Kasama rito ang Macau, Shanghai, San Francisco, Las Vegas, Los Angeles, at New York.

Bukod sa kanyang pagiging sportsman at congressman, isa na ring playing coach ang boksingero sa bagong Philippine Basketball Association (PBA) team na Kia Motors.

Tine-train daw niya ang kanyang team araw-araw, maliban sa weekend na inilalaan niya para sa sarili niyang training, Bible study, at sa kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula na rin this September ang bagong show ni Pacman sa GMA, ang Pacman’s Sports Science.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN