Edu Manzano denies giving promise ring to non-showbiz girlfriend; accepts son Luis’s ice bucket challenge

Masaya si Edu Manzano na marami silang natutulungan sa programa niya sa TV5 na Face The People. Pero pagdating sa napapabalitang lovelife nito, nanatiling tikom ang bibig ng TV host.


Noong Hunyo ng taong kasalukuyan ay nakarating sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isang feed na diumano’y nagbigay na si Edu Manzano ng promise ring, mula sa Tiffany Atlas Collection, sa kanyang girlfriend na si Tina Fernandez ng Art Informal.

Kaya naman sa set visit ng programa nitong Face The People sa Studio 4 ng TV5 Reliance, Mandaluyong City, kaninang hapon, August 27, ito ang inusisa namin sa TV host.

Kaagad namang itinanggi ni Edu ang naturang news feed.

“No. Ang lovelife ko, yung mga kaibigan ko!” natatawang sabi niya.

Ano ba ang katotohanan sa balitang nagbigay raw siya ng singsing? Engagement ring na nga ba ito?

Tugon ni Edu, “Magsi-sixty na ako, paano ako mai-engage?

“Fifty-nine this year na ako, pero sabi, bawal i-celebrate ang 59.”

Diin niya, “Hindi totoo... sobra naman yun.”

Kasamang humarap ni Edu sa press kanina ang mga co-host niya sa Face The People na sina Gelli de Belen at Christine Bersola-Babao.

Ayon sa dalawang female hosts, welcome addition si Edu sa show dahil ito raw ang nagbabalanse sa mga topic na kanilang tinatalakay.

Magaan din daw ang kamay nito sa pagbunot sa sariling bulsa kapag may case studies na nakikita nitong karapat-dapat talagang mabigyan ng tulong.

CHALLENGE ACCEPTED. Samantala, usung-uso ngayon ang ALS Ice Bucket Challenge.

Marami nang foreign and local celebrities ang gumawa ng pagbubuhos ng tubig na may yelo at pagdu-donate ng $100 US dollars sa ALS Organization para sa awareness ng mga tao sa sakit na amyotrophic lateral sclerosis (ALS).

Sa mga hinahamon nito, mayroon lamang silang 24-oras upang gawin ang challenge sa kanila.

Kahapon, August 26, si Luis Manzano naman ang humamon sa ama niyang si Edu, at mga kapatid na sina Addie at Enzo.

Kasama ni Luis sa Ice Bucket Challenge nito ang girlfriend na si Angel Locsin, na hinamon naman sina Governor Vilma Santos, Ryan Christian, at Senator Ralph Recto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buong-ningning namang sinabi ni Edu na tinatanggap niya ang hamon ng anak.

Bukas, August 28, daw niya ito gagawin, kasama ang mga anak dahil may exams daw ang mga ito sa school.

Saad ni Edu, “Gagawin namin yun ni Abbie at ni Enzo.

"Bukas siguro namin gagawin kasi exams nila, e.

“So, matatapos kami sa taping past 12 na siguro, so hindi namin magagawa today.

"Malamang bukas before the expiration."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN