Hello Kitty is not a cat... What?!

Usap-usapan ngayon sa buong mundo ang rebelasyong hindi pusa ang favorite cartoon character na si Hello Kitty. Magmula pa noon ay inakala at naniwala ang marami na isang pusa si Hello Kitty ngunit nagimbal sila nang sabihin ng Sanrio na isa siyang "little girl."


Apektado at nabulabog ang marami sa buong mundo sa balita at kumpirmasyong hindi pusa ang Japanese cartoon character na si Hello Kitty.

Ilan lamang sina Katy Perry, Ryan Seacrest, Maxene Magalona, at Karen Davila sa international at local personalities na nagpahayag ng kanilang reaksyon tungkol sa parang bombang sumabog at ikinabigla ng mga nalinlang na fans ni Hello Kitty, na naniwala at pinaniwala sa matagal na panahon na isa siyang pusa.

Nanggaling ang paglilinaw mula sa Sanrio, ang corporate owner creator ni Hello Kitty, na nagsabing cartoon character ito at hindi pusa.

“She is a little girl. She is a friend. But she is not a cat.

"She’s never depicted on all fours. She walks and sits like a two-legged creature.

"She does have a pet cat of her own, however, and it’s called Charmmy Kitty,” paglilinaw ng Sanrio kay Christine R. Yano, ang Harvard anthropologist na naatasang magsulat ng text para sa Hello Kitty retrospective sa Japanese American National Museum.

Malaking balita sa buong mundo ang rebelasyong hindi pusa si Hello Kitty dahil pinatulan ito ng mga sikat na newspaper company at magazines, ’tulad ng Los Angeles Times, People, at Vanity Fair.

Ang kumpirmasyong "little girl" si Hello Kitty ang pasabog ng Sanrio tungkol sa cartoon character na may zodiac sign na Scorpio at magdiriwang ng 40th birthday sa November 1, 2014.

Ikagugulat din ng fans ni Hello Kitty ang impormasyong "Kitty White" ang kanyang tunay na pangalan at British national siya, kahit isang Japanese company ang creator niya.

Nakalagay sa biography ni Hello Kitty ang paliwanag na, “Although she was conceived of by the Japanese company Sanrio, her backstory explains that she was born in a suburb outside of London.”

Type A ang blood type ni Hello Kitty na may height na five apples (1 foot and 8 inches tall) at timbang na three apples (1.5 lbs).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

George and Mary ang pangalan ng mga magulang ni Hello Kitty at Mimmy ang pangalan ng kanyang twin sister.

Charmmy Kitty naman ang pangalan ng pet cat ni Hello Kitty na pruweba na little girl siya dahil walang pusa na magkakaroon ng pet animal na kapwa pusa.

Kasunod ng rebelasyong hindi pusa si Hello Kitty, kinumpirma naman ng Peanuts Worldwide sa Twitter na isang aso ang lovable cartoon character na si Snoopy.

Biro naman ng ilang Pinoy kaugnay sa paglabas ng katotohanang hindi pusa si Hello Kitty, baka sumunod sa Hello Kitty controversy ang deklarasyon na hindi bubuyog si Jollibee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN