ABS-CBN, GMA owners land on Forbes’ 2014 richest list; Henry Sy still the richest man in the Philippines

The country’s media industry leaders such as Oscar Lopez (left), Gilberto Duavit Sr., Menardo Jimenez, and Felipe Gozon (right) make it to Forbes Asia magazine’s list of 50 richest men in the Philippines.


Kasama sa mga itinuturing na pinakamayamang negosyante sa Pilipinas ang mga nagmamay-ari ng dalawa sa malalaking TV networks sa bansa—ang ABS-CBN at GMA.

Ito ay base sa lumabas na ulat ng Forbes Asia Magazine na pinamagatang “The Philippines 50 Richest” list para sa 2014.

Nilinaw rin dito na ang net worth ng mga indibidwal na nakasama sa listahan ay base sa pagsasara ng "stock prices and exchange rate" noong August 18, 2014.

Nasa No. 22 ang chairman emeritus ng Lopez Holdings na si Oscar Lopez, 83, na may net worth na nagkakahalaga ng $700 million.

Bahagyang tumaas ang net worth ni Lopez kumpara sa naitalang net worth nitong $675 million noong nakaraang taon.

Ilan sa pangunahing negosyo na pagmamay-ari ng Lopez Holdings ay ang ABS-CBN at ang real estate company na Rockwell Land Corp.

Sa kabilang banda, ang major shareholders ng GMA Network na sina Gilberto Duavit Sr., Menardo Jimenez, at Felipe Gozon ay kabilang din sa sa Philippines’ Richest List ng Forbes Asia.

Nasa No. 44 si Duavit Sr., 79, at may net worth na nagkakahalaga ng $200 million.

Ang anak niyang si Gilberto Duavit Jr. ang tumatayong GMA president sa kasalukuyan.

Sumunod naman sa No. 45 si Jimenez, 82, at may net worth na $195 million.

Bukod sa share niya sa GMA, si Jimenez din ang tumatayong chief executive officer (CEO) ng Albay Agro-Industrial Development Corporation (ALINDECO), na kilalang manufacturer ng abaca pulp sheet na isang raw material sa bank notes at teabags.

Ang isa pang may-ari ng GMA Network na si Felipe Gozon, 74, ay nasa No. 48 at may net worth na nagkakahalaga ng $182 million.

Ang net worth nina Duavit at Gozon ay bahagyang bumaba kumpara sa naitalang net worth nila na nagkakahalaga ng $244 million at $200 million noong nakaraang taon.

Samantala, kapansin-pansing hindi napabilang sa listahan ang TV5 chairman na si Manny Pangilinan ngayong taon.

Noong 2013, nasa No. 50 si Manny at may naitalang net worth na nagkakahalaga ng $105 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ang mga sumusunod na negosyante ang nanguna sa Top 10 Philippines’ Richest List ng Forbes Asia:

TOP 10 RICHEST MEN IN PH. Consistent pa rin sa pagiging number one richest man si Henry Sy, na may net worth na nagkakahalaga ng $12.7 billion.

Ito ay dahil sa SM Prime Holdings, na kilalang mall operator sa bansa at may-ari ng Banco De Oro.

No. 2 si Lucio Tan na may net worth na nagkakahalaga ng $6.1 billion, dahil sa pag-aari nitong kumpanya na LT Group.

Ilan sa mga pangunahing negosyo nito ay ang Asia Brewery at Philip Morris Fortune Tobacco (PMFTC).

No. 3 si Enrique Razon Jr., may-ari ng Solaire Resort & Casino, na may net worth na nagkakalaga ng $5.2 billion.

No. 4 si Andrew Tan na may net worth na nagkakahalaga ng $5.1 billion.

May-ari siya ng Emperador Distillers, may malaking share sa Megaworld real estate company, at may-ari ng 480 McDonald’s restaurants sa Pilipinas.

No. 5 si John Gokongwei Jr., may-ari ng Summit Holdings, na may net worth na nagkakalaga ng $4.9 billion.

Ilan sa mga pangunahing negosyo ni Gokongwei ay ang Robinsons Retail Holdings at Cebu Pacific Air Lines.

No. 6 si David Consunji na may net worth na $3.9 billion, dahil sa pag-aari nitong DMCI Holdings stock.

No. 7 si George Ty, na may net worth na $3.7 billion, dahil sa pag-aari nitong Metropolitan Bank & Trust Co. at iba pang mga negosyo.

No. 8 ang Aboitiz family na may net worth na $3.6 billion, dahil sa pag-aari nilang Aboitiz Equity Ventures.

No. 9 si Jaime Zobel de Ayala at ang kanyang pamilya na may net worth na $3.4 billion, dahil sa pag-aari nilang Ayala Corp.

No. 10 si Tony Tan Caktiong na siyang may-ari ng Jollibee Foods Corporation at may net worth na $2 billion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN